Chapter Seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

I just shook my head and sighed.

"Nasaan po si Dad?" tanong ko kay Manang Lanie.

"Nandoon sa library, may kausap siya ro'n na mukhang importanteng tao."

I nodded. "Okay, I'll just wait for him here."

Lumabas ako at nagtungo sa garden at doon na lang ako tumambay habang naghihintay kay Dad. Napaisip tuloy ako kung sino'ng kausap n'ya ngayon. Simula ng maagaw kay Dad ang posisyon na chairman ng NTC, wala na rin paramdam ang mga tao sa kanya... siguro nga gano'n talaga ang realidad.

Halos kalahating oras din akong nakaupo sa bench at naghintay. Napatayo lang ako nang mapansing may lalaking lumabas ng bahay, pero natigilan din ako nang mapagtanto kung sino 'yon.

Cadence...

"W-What are you doing here?! Did you give my Dad a hard time again?!" 

Lumapit ako sa kanya at nakipaglabanan ng tingin sa kanya. Napabuga na lang siya ng hangin at bahagyang ginulo ang buhok n'ya.

"Damn give me a break," he murmured.

He didn't answer my question and just left me hanging here. Napaawang na lang ang labi ko nang talikuran n'ya ako basta. Napaismid ako at pinigilan ang sarili ko na habulin siya at suntukin. Ano ba'ng problema n'ya?!

I bit my lower lip and shook my head. I honestly missed him. I missed our moments together. Na-miss ko rin ang kakulitan at trip n'ya sa buhay, pero napapaisip ako kung totoo ba talaga ang mga pinakita n'ya noon. 

Napabuntong hininga na lang ako at pumasok na lang sa loob. Bahala na siya sa buhay n'ya. I shouldn't be acting like this towards him, he betrayed my Dad... He's a money-obsessed asshole!

"Nasa library pa rin po ba si Dad?" tanong ko kay Manang Lanie.

Tumango siya. "Oo hija, hindi pa siya nalabas sa library."

"Sige po, nasaan na po ang hinanda n'yong lunch for him? Ako na po ang magdadala."

Dumiretso agad ako sa library dala ang tray na may pagkain. Siguradong hindi makakatanggi si Dad kapag ako ang nagdala ng pagkain sa kanya. 

"Dad."

Agad na napatigil si Dad sa pagbabasa ng dyaryo at napatingin sa direksyon ko. Napangiti siya at agad na tumayo para salubungin ako. 

"What are you doing here, Kiara?" Dad asked and took the tray from me. 

"Well, I just want to visit you. Bawal po ba?" may bahid na pagbibirong tanong ko.

Dad guided me to sit beside him. I sighed and hugged his waist. "Dad, ano pong pinag-usapan n'yo ni Mr. Lettiere?" 

Natigilan si Dad sa tanong ko, pero ngumiti lang siya sa 'kin at bahagyang hinaplos ang buhok ko. "I sold my remaining shares to him."

My mouth agape. I looked at Dad with disbelief in my eyes. I wasn't expecting that he'll really do that. His life revolves around NTC, he spent almost all his life, working his ass off for NTC... I don't know what trick Cadence used to manipulate Dad like this. Siguro nga hindi ko pa talaga siya gano'ng kilala. He's more dangerous than I imagine. 

"You have 15 percent company shares, Kiara. You can do whatever you want with it... it's up to you. I'll always support your decision," Dad said and gave me a faint smile.

Now that he mentioned it, I honestly don't know what to do with my shares. Should I just sell it too? But I don't want to sell my shares to Cad. Kung sa iba ko ibebenta 'yon, malamang magagawan pa rin ng paraan ni Cad para mabili 'yon.

Chasing the Forbidden (SERIE FEROCI 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon