Chapter 24

2.9K 111 0
                                    

Klea POV

"Tell me, miss. Bipolar ka ba?" sabi niya kaya napatigil ako sa pagtawa at sumimangot.

"Oh? Sumimangot ka na naman. Kanina umiyak ka tus tumawa tapos ngayon sisimangot ka?! Baka bipolar ka talaga," sabi niya kaya binatukan ko siya. "Naku, miss. Feeling close, makabatok ah," sabay himas sa ulo niya.

"Deserve mo yan," pagsusungit ko, narinig ko naman ang mahina niyang tawa kaya napatingin ako sa kanya. 

"Bakit ka pala umiiyak?" tanong niya kaya bumalik na naman sa isip ko ang nasaksihan ko kanina.

"Narealize ko tuloy kung bakit ako umiyak, I should've not wasted my precious tears for nonsense reasons pero.. Ang sakit eh," my voice crack, and my tears once again fall. 

"Buti nalang boy scout at palaging handa,  eto pa oh.  Umiyak ka lang, marami akong panyo," sabi niya at inabot ang panyo sa'kin kaya tinanggap ko na naman ito at pinunas sa mata ko. 

"Thank you," sabi ko at huminga ng malalim. "Sayang effort ni Hana, kumalat ata make up ko."

"Medyo lang," natatawa niyang sabi kaya ngumuso ako at ginamit ang panyo para punasan ang mukha ko.

"Makalat ba?" tanong ko kaya tumitig siya sa akin, tumagal pa kaya nagsalita ulit ko. "Hoy, tinatanong kita!"

"Ay sorry, hindi naman na makalat. You know what miss, you're so beautiful,"

"Inborn," sabi ko kaya napangiwi siya.

"My name is Shawn, a shadow manipulator. You are?" he said and offer his hands for a handshake.

I accepted his hands. "Klea, fire charmer,"

"Nice name. Anyway, mukhang may gagawin ka ah," sabi niya at tiningnan ang kasuotan ko kaya nanlaki ang mata ko.

"Shit," I murmured and stood up. "Thank you for your time, Shawn. I have to go," sabi ko at natatarantang naglakad papuntang tent.

"Hatid na kita," napatingin ako sa gilid ko at nakitang si Shawn ito, pinabayaan ko nalang siya hanggang nasa harap na kami ng tent.

"Dito na ako. Thank you nga pala ulit," sabi ko at ngumiti. 

"You should always smile, you look more beautiful on it," he said.

"Bolero ka talaga, sige bye!" sabi ko at pumasok na sa loob ng tent, lahat sila ay busy na.

"We've been searching for you, tapos makikita kong nakikipag usap ka lang pala sa isang lalaki?" bungad sa akin ni Charles kaya patago naman akong umirap.

Kung hinanap nila ako dapat nakita agad nila akong nahanap lalo na't 'di naman ako kalayuan sa tent 'no.  Atsaka, wala namang masama kung makipag usap ako diba. Epal talaga.

"Klea, andiyan ka lang pala," sigaw ni Hana at hinila ako paalis sa harap ni Charles. "Ang oa talaga kahit kailan ni Charles, akala mo kung sino," bulong niya sa akin at pinaupo sa harap ng salamin. 

"Kita mo mukha mo, Klea? Anong nangyari diyan?" tanong niya kaya ngumuso ako habang tinitingnan mukha ko.

"Wala namang mali sa mukha ko ah," sabi ko at hinawakan pa pisngi ko. Wala naman kase talaga, the makeup was already gone but that's doesn't ruined my face.

"Alam mo kung anong nangyari sa mukha mo?" tanong niya kaya umiling ako. "Nawala ang ngiti," sabi niya kaya tumahimik ako.

"Don't mind it. Lagyan mo nalang ako ng kaunting makeup," sabi ko kaya huminga siya ng malalim bago tumango at nag umpisa ng maglagay ng kolorete sa mukha ko.

Magical Academy: The Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now