"Dito po ba si Mr. Stell Ajero?" Tanong nung driver. 



"Yes po, ako po si Stell. Wala naman po akong inorder na pagkain ngayon, kanino po yan galing?" I asked back. 



"Uhm, ang sabi po dito.." Tinignan niya yung cellphone niya. "Paulo, sir. Paulo lang po ang name  na nakalagay dito. Bayad na yan sir! Huwag po kayong mag-alala." 



"Sige po. Salamat," Tinanggap ko yung delivery niyang pagkain na galing Mcdo.



Pagka-alis niya ay agad akong pumasok. I opened my phone to message him. 



To: Pau 

Really, Pau. Salamat sa food. 



From: Pau 

Your welcome. My concert is upcoming already, I hope to see you there. 



I put my phone down and prepare for another taping. After shooting, we have a 1-day rest bago kami magstay-in sa Sagada. Pau had his rehearsal right now, yun ang sabi ng isang staff sa akin. Napagisipan ko narin na pumunta. I want to see how he performs in front of people. Matagal narin nung huli ko siyang napanood, almost a year ago.



Days passed, it was already Saturday. Ngayon na ang concert niya, kaya maaga akong nagising. I was planning to go there around 1pm. 3pm kasi ang actual start, pero dahil madami ang pupunta kailangan kong agahan. 



I wear a plain nike shirt with my jogger pants, pairing it with a pair of my Adidas shoes. Dala ko rin ang mask at cap ko. I part of me still doesn't want media to know my personal lives. Especially here, kasi alam ko na kapag nakita nila ako, may chances na kumalat yun all over the internet. 



Nang makarating na ako, kalahati na ng venue ang puno. Agad kong inabot ang ticket sa naghahandle noon sa may booth bago ako pumasok. Dahil nga VIP iyong ticket na binigay niya sa akin, sa harapan ako nakaupo. Almost two hours rin akong naghintay, bago pa man magsimula ang event. 



He was currently singing Hanggang sa Huli. His second single. Kinanta niya rin lahat nang nasa Album niya I'm in the Zone. Wala akong nagawa kundi pumalakpak at ma-amaze sa performance niya. Minsan ay nagtatagpo ang mga mata namin, kaya alam ko na aware siyang pumunta ako. 



Nang matapos, he thanked everyone who attended. I also started to take pictures of him, bago siya bumaba ng stage at bumalik nasa loob ng backstage. Hindi pa nagtatagal noong makapasok siya sa backstage nang tumawag siya sa akin. He was asking if I sneak out. 



[Kaya mo bang makapunta sa backstage?] 



"Yeah. On my way na," I answered. Binaba ko narin ang tawag niya. 



Pagkapasok ko sa backstage ay agad ko hinanap ang dressing room dahil nandoon daw siya. I saw how his reactions changed nang makita ako. 



"Bakit mo ko pinapunta dito?" 



"Kamusta yung performance ko? Ayos ba? Are you... proud of me?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. 



I smiled. "Kahit noon pa naman, Pau. You always have ways to impress and make me proud." 



"Even... Inside those three years of us apart? Ang sabi ni Josh sa akin noong inimbitahan ka niya pumunta, ayaw mo.. " 



"Ang sabi ko lang sa kanya ayoko. Pero hindi ko sinabing titigil ako sa pagsuporta sayo. " 



***

havenlyjah

Above the OceansWhere stories live. Discover now