Kabanata 1: First Day of Ka-Cornyhan

7 0 0
                                    

~Present~

AKO lang ba? Ako lang ba ang walang ganang pumasok sa unang araw ng eskwela?

I almost stayed up all night kaya kinakain ako ng antok ko ngayon habang kumakain ng agahan. May tinapos kasi akong commissioned portrait at kailangan ko na kasing maibigay ito ngayon sa nagpaguhit sa akin. I drew portraits as sideline pero hindi naman ako kagalingan magdrawing. Tumatanggap lang din ako ng commission every summer kasi mahaba-haba ang free time. I cannot cater na kapag may pasok. Ang hirap kaya magdrawing tapos ang dami ko pang mali-mali sa buhay ay este sa mga gawa ko.

"Guess who's antok right now?" banat ng maarte kong kapatid na si Shelle. I narrowed my eyes at her dahil ako na naman ang nagawang pagtripan ngayon sa harap ni mama. Binigyan ko lang siya nang masamang tingin at binelatan lang ako nito. Napalingon naman si mama sa akin na may dismayadong mukha.

"Di ba sabi ko Isabella na bawal matulog ng madaling araw na?" tanong ni mama na may striktong tono. Napayuko lang ako dahil nagiguilty ako. Sa totoo niyan, hindi alam ni mama na nagpapakomisyon ako sa pagd-drawing ko. Panigurado kasing pagbabawalan ako 'pag nalaman niya. Ayaw niya kasi na may iba kaming pinagkakaabalahan maliban sa pag-aaral.

Tahimik na nagpatuloy na lang ako sa aking pagkain.

Pagkatapos naming mag-agahan ay pumunta na kami ng eskwelahan. Kasabay ko naman si Shelle sakay ng taxi. Hindi naman kami mayaman pero gusto lang talaga ni mama na taxi ang sasakyan namin papuntang school kasi mas safe daw at mas convenient. Wala naman din kasi kaming sasakyan para maghatid-sundo sa amin.

HUMIHIKAB ako habang naglalakad sa lobby ng second floor ng Senior High School building. Nasa floor na ito ang classroom namin kaya nandito ako.

Habang naglalakad ako papuntang room, bigla na lang akong natumba at napadapa sa sahig dahil may kumag na bumangga sa akin.

Aray naman! Letse! Unang araw pa lang, minamalas na ako.

Napainda ako sa sakit pagkabangon ko. Namataan ko naman kung sino ang nakabunggo sa akin nang mapaupo na ako.

"Naku! Sorry unggoy," mapanlokong wika ni Vince at natatawang ilahad ang kanyang kamay upang tulungan akong bumangon.

Letse 'tong lalaking 'to. Unang araw ng pasukan nakikipaghabulan. Tss.

Inirapan ko lang siya at isinantabi ang kanyang kamay. Kaya ko ang bumangon mag-isa.

"Che! Ikaw unggoy!" sigaw ko naman at pinagpagan ko ang aking palda. Dali-dali namang pumasok si Vince sa room. Nakikipag-unahan naman pala siya sa kaklase namin na si Rai. Mga isip-bata talaga tong mga kumag nato kahit kailan.

Nagulat naman ako nang bigla akong yakapin ni Yeri. Kung makayakap din ito, parang ngayon lang kami nagkita after 10 years. Ang hyper naman ng mga tao rito.

"Buti na lang at di ka nagtransfer. Wahhhhh!!" sigaw ni Yeri habang yakap yakap ako. Kumalas naman ako sa pagkakayakap niya kasi nasasakal ako. Papatayin siguro ako nang babaeng 'to eh.

"Di ba sinabi ko naman na sa'yo na hindi ako pinayagan ni mama," paliwanag ko. Sa katunayan niyan, gusto ko talagang magtransfer kasi Arts and Design ang track na gusto kong kunin na hindi ino-offer sa school na ito kaso lang mas bet ni mama na academic track ang kunin ko kaya heto ako ngayon, nasa STEM.

"I love your mom na kasi hindi ka niya inihiwalay sa 'min," pabebe niyang sabi at yinakap ako ulit.

Pumasok na kami sa classroom at lingid sa kaalaman ko na nireserbahan na ako ni Yeri ng mauupuan. Nag-abot ang dalawang kilay ko nang malaman kong sa may gitna ang seats namin. Napabuntong-hininga na lang ako habang papaupo.

That Thing Called LoveWhere stories live. Discover now