Panimula

10 0 0
                                    

 ~a month ago~

TRUTH OR DARE.

Isang typical na larong unang pumapasok sa isipan ng mga tao kung wala ng ibang larong maisip. Ika nga nila, exciting daw ang larong ito kasi may nagkakaaminan ng katotohanan, nagkakapikunan at may nagiging taong walang-hiya dahil sa kung anu-ano lang ang pinanggagagawa dulot ng DARE. Kaya naman heto kami ngayon, nakasilampak sa buhangin, naglalaro ng truth or dare. At ang malawak na dagat ang saksi ng aming paglalaro. 

"Okay, I'll spin the bottle na ha," anunsyo ni Timothy, ang baklang kaklase namin. Siya iyong tipong cheerful, matalino at may leadership skills. Four years niyang binuhat itong seksyon namin.

Oo. Four years.

Buong Junior High School kong kaklase ang mga kasama ko ngayon sa kung tawagin naming "outing". We're on our summer vacation.

Tim spinned the bottle and unfortunately, it stopped and pointed at me. One thing that I hate about truth or dare is when ako ang tatanungin. Mas gusto ko pang magtanong kaysa tanungin.

"Truth or Dare?" Vince asked. Siya ang kaharap ko kaya siya ang may pagkakataong tanungin ako. Si Vince naman ang tipong easy-go-lucky pero matalino rin. Hindi naman siguro maipagkakaila na mga matatalino ang mga estudyante sa seksyon namin kasi nga kami ang section A na ayon pa sa kanila, "It is the section with brilliant minds." Tss. Kalokohan.

"Truth," walang pagdadalawang-isip kong sagot habang nakahalukipkip. Ayoko ng dare kasi ayokong mabiktima ng mga walang kwentang challenge. Mariin naman akong tinignan ni Vince kaya tinaasan ko siya ng kilay at tinignan na rin siya nang mariin para ipamukha sa kanya na hinding-hindi ako magsisinungaling sa itatanong niya.

"Sino ang crush mo?" tanong niya at sinagot ko ito agad.

"Si D.O.," sagot ko sabay ngiti. Long time crush ko naman talaga ang K-pop idol na si D.O. Cute kaya niya.

"No, I mean crush mo rito?" pahabol na tanong ni Vince.

"Rule number 1. Only one question," wika ko at binelatan si Vince. Hindi na ito nagpumilit na magtanong pa dahil may consequence kapag hindi sumunod sa rules. Dismayado naman itong inikot ang bote.

"Nakatakas ka doon ah," bulong sa akin ni Yeri na nasa tabi ko. Si Yeri naman ang close friend ko sa klase.

"Wala rin naman akong maisasagot sa pahabol na tanong niya dahil wala akong crush sa klase natin ano," mahinahong paliwanag ko naman sa kanya.

Crush? Sa seksyon namin? Naku, malabo. Sa totoo niyan, wala akong ibang crush kundi ang mga artista, fictional characters, o mga kpop idols lang. Sabi nila, abnormal daw ang taong walang crush na totoong tao o reachable. Siguro nga abnormal ako. Wala kasi akong oras maghanap ng crush o gumawa ng crush.

Huminto ang ulo ng bote sa harap ni Joshua at ang lapad-lapad ng ngiti ni Yeri na siyang tatanong sa kanya.

"Truth or dare?" tanong ni Yeri. Napailing-iling na lang si Joshua tsaka sumagot.

"Truth."

Excited namang nagtanong si Yeri.

"Sino ang crush mo sa seksyon natin?" masiglang tanong ni Yeri. Duh! Bakit ba patok na patok ang crush reveal kapag truth? Mukha namang kinikilig si Yeri matapos niya itong itanong. Anong meron sa babaeng 'to? Parang kinikiliti. Tss.

Tutok na tutok naman ang lahat kay Joshua. Matagal-tagal rin bago siya nakasagot. Bago pa siya makasagot, may moment na nagkasalubong ang tingin namin at ngumiti siya habang tinitignan ako. Pagkatapos ay napayuko siya na nakangiti pa rin at tumingin uli siya sa akin.

Teka, anong meron sa mukha ko?

"It's Bella," sabi niya at nalilito ako bakit sinabi niya ang pangalan ko. Ba't niya ako tinawag? Wait, ibigsabihin...

"OMG! Crush mo si Bella?" tanong ng isa ko pang kaklase.

Shucks! 

Nakita kong tumango si Joshua and hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Ramdam ko ang init na nananalaytay sa mukha ko.

What the heck is he saying? No way!

"She's been my crush ever since I met her."








© 2023, scaredycaaat. All Rights Reserved.

♥️✍️

That Thing Called LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora