Chapter 16: My Leap of Faith

Comenzar desde el principio
                                    

Matapos manalangin ay ilan sandali pang umupo ang dalawa sa loob ng chapel. Makalipas ang ilang sandali ay naglakas loob na ring magsalita si Borj.

"Hmm. Alis na tayo?" tanong ni Borj kay Roni

"Sandali lang Borj.." tugon naman ng dalaga habang nakatitig sa mata ng binata.

Nagbuntong hininga lamang si Borj. 

"Sorry, Borj.. Galit ka ba sa akin?" mahinang wika ni Roni na labis na ikinabigla ni Borj. 

"Sa totoo lang Roni. Hindi ko din alam kung ano ang nararamdaman ko. Ano bang nangyari sa atin? Bakit bigla na lang tayong nawala? Bakit bigla mo na lang ako iniwasan ulit. May mali ba akong nagawa? Nasaktan ba kita ng hindi ko namamalayan?" tanong ni Borj sa dalaga

"Sorry, Borj, Hindi ko alam kung paano magsisimula. Hindi ko rin alam kung ano ang mga salitang dapat kong sabihin. Pero gusto ko lang malaman mo na mahalaga ka sa akin." tugon ng dalaga

"Mahalaga? Kung ganun bakit ka pilit na lumalayo?" tanong muli ni Borj

"Dahil nagseselos ako! Nagseselos ako sa mga babae na napapalapit sa'yo at naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko dahil alam kong wala akong karapatan. Dahil ano ba tayo? Ano ba ko sa'yo? Wala naman kasing tayo." tugon ni Roni

Nagulat si Borj sa mga narinig niya. Hindi naman agad nakapagsalita si Borj at tumitig lang sa kawalan. 

Nang hindi na nagsalita pa si Borj ay tumayo na si Roni at may iniabot na sobre sa binata. 

"Pasensya ka na kung naabala kita, Borj. Nandyan na lahat ng gusto kong sabihin sa'yo dahil tama nga ako baka hindi ko masabi sa personal. Mauuna na ko...Salamat" agad ding lumabas ang dalaga habang naiwan si Borj sa kapilya hawak ang sulat na bigay ni Roni

________

Matapos basahin ni Borj ang sulat ay agad siyang tumakbo palabas ng kapilya upang hanapin si Roni dahil malakas ang pakiramdam ng binata na nasa loob pa ito ng unibersidad at malakas ang kutob niya kung saan ito matatagpuan at hindi nga siya nagkamali. Nakita niya si Roni sa loob ng science garden na nakaupo sa isang bench at humihikbi. Agad namang nilapitan ng binata si Roni.

"Huwag ka nang umiyak. Alam mo namang ayoko kitang nakikitang umiiyak e" sabay abot ng panyo sa dalaga

"Borj? Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ni Roni

"Ako pa ba? Sabihin na lang natin na kilalang kilala na kita." nakangiting wika ni Borj

"Tse. Akala mo lang yun." tugon naman ni Roni

"Oh tingnan mo 'to, magkakaayos pa nga lang tayo magsusungit ka na naman" natatawang sagot ni Borj sabay ginulo ang buhok ng dalaga.

"Ano ba yan." kunwaring inis na tugon ni Roni

Saglit na nagkatitigan ang dalawa sabay nagtawanan.

"So, hindi ka na galit?" tanong ng dalaga

"Hmm. Hindi naman ako nagalit. Tampo at naguluhan lang siguro. Pero ang magalit sa'yo, hindi ata mangyayari 'yun."

"Ah kaya pala parang nanunumbat ka kanina huh. Hindi ka pa galit nun, Sir Benjamin?" 

"Alam mo Ronibabes este Ronalisa, hindi ako galit at huwag na nating pag-usapan dahil baka nga matuloy na ang galit ko. Ang kulit mo e noh." tatawang tawang sagot ni Borj

"Doon nga pala sa tanong mo sa sulat kung ano nga ba tayo, eh nasasayo naman yun kung anong gusto mong mangyari e." wika ni Borj habang labis na nakatitig sa mga mata ni Roni.

"Nanliligaw ka ba?" tanong ng dalaga

"Hindi pa ba? Ilang beses ko na bang nasabi ang 'Mahal Kita'? Pero para sa'yo kahit ilang ulit, ilang beses pa kitang ligawan e walang problema sa akin. Dahil sigurado ako sa nararamdaman ko sa'yo. Ngayon, ngayon mismo nanliligaw na ko." wika ni Borj na abot tenga ang ngiti

Unexpectedly YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora