Chapter 10: Prom

424 33 0
                                    


" Ano mga pare, ready na ba kayo sa plano natin?" tanong ni Tonsy kila Borj at Junjun

"Oo naman pare. Kami pa ba?" Sagot ni Junjun

"Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig ano? Kahit ang pagkanta sa harap ng napakaraming tao eh gagawin niyong dalawa." wika muli ni Tonsy

" Siyempre tol. Malapit na matapos ang 3rd year life natin, hindi na siguro masama kung aamin na tayo sa mga nararamdaman natin. Mahirap na baka maunahan pa. Tsaka si Borj naman ang kakanta, mag2nd voice lang naman ako at gitara." ani ni Junjun

"At talagang sa prom mo pa naisip magtapat kay Jelai huh." sabat muli ni Tonsy

"Ano ka ba Tonsy, perfect timing lang 'to. Para sweet at romantic. Di ba Borj?" wika ni Junjun

"Huh? Oo.. Oo." sagot ni Borj

"Huy, Borj! Ayos ka lang ba? Huwag mong sabihin gusto mong umatras, e sa iyo nga nangaling yung idea na kantahan si Roni." sabat muli ni Junjun

"Hindi pare, wala nang atrasan 'to pero medyo kinakabahan lang ako, paano kung sa plano natin na ito, mas lalo siyang mailang at mas lalo akong hindi pansinin, eh di palpak ang plano natin?" wika naman ni Borj na medyo kabado na sa maaring maging resulta ng kanilang plano

"Alam mo pare, huwag mong pangunahan ng negative thoughts, sige ka baka magkatotoo." sabi ni Tonsy na pilit pinapalakas ang loob ni Borj

"Sana nga Tonsy." saad ni Borj

"Huwag ka ng mag-alala diyan Borj, mabuti pa magrelax na muna tayo habang hindi pa nagsisimula ang program." wika ni Junjun 

Pumunta na ang magkakaibigan sa kanilang upuan habang naghihintay magsimula ang program. Habang naghihintay ay dumating naman ang magkakaibigang sila Jelai, Missy at Jane.

"Hi guys!" bati ni Missy sa mga kaibigan " How do we look? Do we look pretty?" Nakangiting tanong ni Missy sa mga kaibigan

"Uy, kayo pala. Hi, girls!" bati ni Tonsy sa mga dalaga

"Ahhmm. Junjun, Borj. pwede ko ba kayo makausap?" tanong ni Jelai 

Hindi na nagtanong ang dalawang binata at agad na lang sumunod sa dalaga. Lumabas muna ang magkakaibigan sa may reception area ng hotel kung saan dinaraos ang kanilang prom upang makapag-usap sila ng maayos. 

"Anong plano natin? Di ba ngayon natin pag-uusapin kayo ni Roni?" tanong ni Jelai kay Borj

"Alam mo Jelai, huwag ka nang mag-alala. May plano na kami." nakangiting wika ni Junjun

"Huh? Eh ano? Wala ka naman nabanggit sa akin. Ilang araw na kitang kinukulit at tinatanong pero wala ka namang sinasabi" tanong muli ni Jelai

"Basta, kami na ang bahala. Magrelax ka na lang at mag-enjoy. Di ba Borj?" saad muli ni Junjun na hindi nawawala ang ngiti sa labi

Ngumiti na lamang si Borj. 

Pabalik na sana ang magkakaibigan sa loob ng venue hall ng kanilang prom ng hindi na nakatiis si Borj at tinanong na si Jelai kung nasaan si Roni dahil hindi pa niya ito nakikita at hindi rin kasama ng mga dalaga noong pumunta sila sa table kanina. 

"Teka Jelai. Nasaan nga pala si Roni?" tanong ni Borj

"Ahh. Ehh.. Ano kasi. Papunta na 'yun. Kasabay niya ang Kuya Yuan niya. Medyo na late lang ata sila ng alis sa bahay, hindi naanticipate yung traffic. Pero huwag ka mag-alala Borj, darating si Roni" nakangiting wika ni Jelai

"Dapat lang noh kung hindi sayang ang plano namin." saad ni Junjun

"Eh, ano ba kasing plano niyo talaga?" tanong muli ni Jelai

Unexpectedly YouWhere stories live. Discover now