Chapter 7

359 36 39
                                    

BABAE SI SENJU!! ANG GANDA NIYAAA OMG PWEDE NA AKONG MAGING BAKLA

SANZU AYUSIN MO DESISYON MO SA BUHAY

------------------

MONDAY

Y/N

Nasa salon na kami nila Hina at Emma, nagpapaayos na kaming tatlo. Tapos na yung dalawa and ako na yung isasalang sa make-up saka nails.

"Ang ganda natin Emma." Sabi ni Hina at tumingin tingin kay Emma.

"Naks naman ang gaganda." Sagot ko habang inilalagay ang eyelashes ko.

"Pustahan tayo mas maganda si y/n satin." Sabi naman ni Emma at umupo sa couch.

"Sige! 100 pusta ko." Pinagpustahan pa nila ako, sarap maging serial killer.

"Pusta ko 200. Sasabihan ni fuyu na ang ganda ni y/n." Takemichi paki sundo si Hina.

"Sasabihin naman ni fuyu na maganda yang nililigawan niya eh." Tama Emma.

"Btw may chika ako!" Sabi agad ni Hina at tumingin samin.

"Yung crush ni y/n dati? Si Rindou? Pati yung kuya niya si Ran? Nasa states na sila. Kasi nga diba mag me-medicine daw sila magkapatid." Luh talaga ba Hina? Di halatang mag memed yung dalawa, mukha kasing murder.

"Oo maganda kasi Med sa ibang bansa." Dagdag ni Emma. So sinong magsasabi sa kanila na pupunta din ako dun?

"Ikaw pala y/n, diba change career ka? Gulo mo kasi dati, akala namin gusto mo mag f.a, tas mag me-med ka pala." Change career kasi ooperahan ko utak ni Baji.

"Oo tapos una ko kayong ooperahan, lahat ng organ niyo ilalagay ko sa black market." Sabi ko sa kanilang dalawa at tapos na ang make up ko and ngayon nails na ang ginagawa.

"Ikaw Emma, anong gusto mo?" Tanong agad ni Hina.

"Siyempre si Draken." HA HA

"T*nga! I mean sa future mo,profession mo." Pag ka-klaro ni Hina.

"Flight Attendant." Yes pare-pareho dapaat kami na F.A , pero ayaw ko na ngayon. Ayaw kong kasama si fuyu palagi.

"Si y/n lang yung nagbago ang isip. Ayaw atang kasama si fuyu." Di niyo sure.

"Wow! Hindi na ata si y/n to!" Agad akong kinuhanan ng picture ni Hina. Ehe balik loob na sa pagkababae.

"Mag grab nalang tayo, alangan maglakad tayo ng ganitong suot." Sabi ko agad. Binayaran na namin yung salon at hinintay yung grab namin.

A few minutes later andito na yung kotse, sumakay na kami saka pumunta na sa school.

Andito na kami sa harapan ng gate, and grade 10 students lang ang nakikita ko dito. Walang pasok, kasi ball ng grade 10, pumasok na kaming tatlo sa school at agad na dumeretso sa Hall. Nakita namin yung table nung boys and nakaramdam ang ng pagkahiya like mga pre ang popogi nila mukha silang prinsipe! Argh my heart!

"Hala!asaan si y/n?" Alam kong maganda ako ngayon Baji, pero andito ako sa harapan mo.

"Wow, ito na ba si y/n?babaeng babae na." Nice joke kazu, tuluyan kita e.

"Umupo muna kayo. Di pag nag uumpisa." Umupo ako sa tabi ni Fuyu at titig na titig sakin.

"Matutunaw ako, fuyu." Bulong ko sa kaniya at tumawa naman siya.

"Ang ganda mo." Sabi niya. Luh ehe pwede na akong pumanaw.

"Ako lang to lods." Hinampas ko ang balikat niya.

✓┊͙ 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 ┊͙ 𝗮 𝗰𝗵𝗶𝗳𝘂𝘆𝘂 𝗮𝘂 Where stories live. Discover now