Chapter 2

520 43 24
                                    


Y/n

Nasa loob na ako ng campus ngayon, naglalakad papuntang room. Naka palda ako ngayon na hanggang knees saka blouse na may ribbon kasama na yung high socks saka blackshoes na may konting takong, nakakainis yung uniform dito, dapat pantalon nalang or slacks nalang eh. Nagmumukha tuloy akong babae which is babae naman talaga ako.

Nasa tapat na ako ng room namin, nakita ko na ang buhok na mabaha ni Baji oo nga pala kaklase ko tong lalaking to. Pero buti hindi namin kaklase sila Fuyu saka Tora, mas mababa grades ni Baji kung kaklase namin yung dalawa. Pero matalino naman si Baji, kinokopya kasi palagi yung sagot ko. Wala e palagi nalang ako na ba-black mail kesyo ipapaabang daw ako sa Toman. Sarap saksakin ng lapis sa mata.

"Y/n!! Pakopya habang wala si Ma'am." Nakikipagdaldalan to kanina pero ngayon umupo na sa tabi ko, at dali dali niyang binuksan ang bag ko na nasa desk ko na.

"Sige lang." Tipid kong sagot at umupo sa upuan ko at kinuha na niya ang notebook ko.

"Pogi ba si pareng Fuyu?" Tinatanong pa ba yan?! Siyempre oo. No hard feelings pero pogi naman talaga si pareng Fuyu.

"Bakit mo natanong?" Kinausap ko siya habang kinuha ko ang ballpen ko sa bag at notebook ko ng first subject.

"May roleplaying sila ngayon. Naka costume sila, siya yung main lead dun. Kung maganda daw yung performance nung section nila, sila daw yung ilalaban sa intrams." Kailan pa nagkaroon ng theater play ang intramural?! Pakulo ng school ang galing sobra.

"Good for him." Sagot ko nalang at iniisip kung anong klasing roleplay yung gagawin nila. Bahala siya di kami bati.

"May kissing scene daw dun." Ehem!ehem! Wag niya talaga akong kakausapin, di ko na siya i-seseminar bumanat. Sino naman kaya yung babaeng kikiss niya?! Yuck ewan ko sayo fuyu bahala ka sa buhay mo.

"Hala Y/m teka lang ang sakit nung ballpen! Aray! Yung palad ko mabubutas na." Nakita kong muntik ng dumugo yung palad ni Baji hala matatarak ko na sana yung ballpen, buti nalang sinabi niya. Kasalanan mo to Fuyu!

"Bakit galit na galit ka ata?" Tinatanong pa ba yan?! Edi sa sinabi mo! Nako nako Keisuke! Gawin kitang daing!

"Ito na pala yung notebook mo, tapos na akong mangopya." Nilahad niya yung notebook ko saka ko nilagay sa bag ko.

Wag niyo akong kausapin,yung   manliligaw ko may ikikiss na iba! Hala ka y/n diba crush mo si Hina?! Don't tell me crush mo na din si Fuyu?! Hindi pwede, Emmaaaa help me!!

"Ok class good morning." Nagising na ako sa katotohanan, andito na pala yung teacher namin.

Bad trip yung morning session ng klase namin, di nga ako naka perfect sa 50 items quiz, biruin mo 49 lang ako?! Tapos yung name pa ng paper ko is Y/n Matsuno!! (A/n; Matsuno sn ni fuyu sabi ni google, ginoogle ko para sure) yung sn ko ay l/s jusmeyo kasi so Baji chismoso masyado.

"Y/n! Tara na lunch na." Tawag ni Baji sakin, pero tinanguan ko lang siya. "Una ka na, may gagawin lang ako sa cr." Sabi ko saka umalis na siya sa room.

Lumabas na din ako sa room at pumunta sa cr at umihi. Argh boset na yan Fuyu sarap mong ipakain sa daga naiinis na ako sa sarili ko. Bakit ako nagkakaganito.

------

Author

Nang umalis ka sa cr, nasa canteen na ang iba at ikaw nalang ang hinihintay duon. At ng nakarating dun si Baji agad nagtaka ang lahat dahil hindi ka niya kasama, lalong lalo na si Chifuyu. Kasi alam niyang hindi ka nalalate kumain kasabay sila.

"Iniwan mo si Y/n no?! Patay gutom ka talaga Keisuke!" Tinignan ni Kazutora si Baji na ngayon ay kumakain na ng yakisoba.

"Duhzxc sAbi NiyAsndn daWssd mAunAkfks nA aKohidj." Sagot niya kay Kazutora at punong puno ng pagkain ang bibig niya.

"Baka galit siya sainyo." Singit naman ni Takemichi na kumakain ng kanin at curry.

"Wala naman kaming pinag-awayan ni Y/n." Tipid na sagot ni Chifuyu at hindi parin ginagalaw ang pagkain dahil hinihintay niya si Y/n.

"Oo nga hindi sila nag-away." Sabi ni Kazutora at sumubo na ng pagkain nito.

"Ikaw Baji? Nag away ba kayo ni Y/n?" Turo ni Kazutora kay Baji na kain parin ng kain.

"Hindi." Tipid niyang sagot.

"Hindi kaya alam niya na ikaw yung lead sa roleplay niyo na may kissing scene?" Agad na suggestion ni Takemichi pero wrong move siya dahil sinuntok na ni Chifuyu ang tinidor.

"Hina mo naman, tinidor lang sinusuntok." Asar ni Kazutora dito.

"Sinabi mo ba Baji-san?" Tumingin naman si Baji na parang painosente pa ito.

Alam na ni Chifuyu na sinabi ni Baji yun sayo, pero wala siyang alam na pati yung kissing scene nasali, kasi wala naman talagang kissing scene dun. Dahil  ang theme ng roleplay ay 'kriminal gang' at hindi niya alam kung saan napulot ni Baji ang kissing scene na yun. Pero ang alam lang ni Chifuyu ngayon ay hanapin ka at sabihin ang totoo sayo, at kahit anong mangyari dun ka-klaruhin niya ang sarili niya sayo dahil manliligaw mo siya.

--------

(A/n; y/n tombs niyo selos)

Wala munang banatan ngayon, kasi nga magselos si Y/n. Sa wed nalang yung banatan nila extreme pa sa extreme.

✓┊͙ 𝗽𝗮𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 ┊͙ 𝗮 𝗰𝗵𝗶𝗳𝘂𝘆𝘂 𝗮𝘂 Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum