Chapter 4 - Insult

Start from the beginning
                                    

_ _ _

D A R W I N

x


This day napagdesisyunan kong iwasan ang lalaking mayabang na yun. Kumukulo ang dugo ko sa kanya, napakayabaaang!

So bumaba na ako papuntang kusina para magkape and then what a perfect timing? Andun din sya. Wow world, are you joking? Very funny.

Kamalas-malas pang makakasalubong ko sya. So agad na kong kumaliwa habang nakatingin lang ako sa sahig.

Then suddenly i felt something on my head malambot na matigas, and when i look straight, bumangga ako sa chest nya.

"Sorry". Bulong ko, at di nya ko pinansin.

So kumanan ako, pagkanan ko kumanan din sya. Okay universe, stop playing your game with this man!

"Can you please dont block my way, chumachansing kalang e". Usal nya na kinainis ko.

Wow kapal talaga! Kung alam mo lang kung gano ko napagdesisyunang iwasan ka ngayon!!!

"Pwede ba Andrei, wala kong panahong para makipagbiruan sayo, kung dadaan ka, dumaan kana kasi may gagawin pa ako". Sagot kong mahinahon pero deep inside gusto kong hilain pailalim yung tenga nya!

"Tsk". Sabi nya sabay umalis.

Aaarrrrggggg!!!!!

This man! Bwisiiiittt syaaa!!!

x


Tahimik akong nagbabasa sa may garden, damang dama ko ang preskong hangin at magagandang huni ng mga ibon. Perfect spot para magbasa. Natigil lang ang pagbabasa ko nang lumapit sakin si tita Siesta.

"Oh hello Darwin, mahilig ka palang pagbasa? Anong binabasa mo?". Masiglang tanong nya at umupo sa tabi ko.

"Ah opo medyo mahilig po akong magbasa, eto pong binabasa ko tungkol to sa mga vampires hehe". Sagot ko naman.

"Ow! Interesting! Nga pala may napili ka na bang kurso na kukunin mo for college?". Balik na tanong nya.

"Opo, gusto ko pong mag Architect". Nahihiya kong sagot.

Bata pa lang ako hilig ko na ding gumawa gawa ng mga bahay, naalala ko nga noon bawat tao dito sa mansion ginawan ko ng sketch ng magiging bahay nila. I don't know pero gustong gusto ko talaga magdrawing ng mga bahay, buildings at kung ano ano pa.

"Oh?!! Same kayo ni Andrei, Architect din ang kukunin nyang kurso sa college. I don't understand nga e kasi hindi naman sya mahilig sa drawing, but as a mother, i will support him with his decision". Sabi ni tita Siesta.

WHAT??!!!!

Same kami ng kukuning kurso ni Andrei? So there is a possibility na maging magkaklase kami?

How on Earth?!!

Ngumiti nalang ako ng pilit kay tita. Maya-maya napansin naming nakabihis si Andrei na papalabas sa pinto. Agad naman itong tinanong ni tita Siesta.

"Where are you going Andrei?". Wika ni tita.

"To the mall". Plain na sagot ni Andrei.

Really? Ganyan sya sumagot sa mommy nya?

"Oh Darwing samahan mo si Andrei baka maligaw yun". Lumingon sakin si tita Siesta.

"WHAT?!"

"Ano po?"

Sabay naming sabi.

"Mom, kaya ko pong mag-isa, at saka may google map naman". Pagtanggi ni Andrei.

"Andrei, maganda mood ko ngayon, wag mo kong inisin please, iba dito sa probinsya kesa sa syudad, mabuti nang may kasama kang maalam sa lugar dito which is si Andrei at saka magkaibigan kayo diba? So why don't you bond? It's been 10 years din, and you two need to catch up with each other". Pamimilit pa ni tita.

"But mom". Halatang inis na din si Andrei base sa tono ng pananalita nya.

"No buts Andrei, it's either lalabas ka with Darwin, or you stay here". Matigas na pagkakasabi ni tita Siesta.

"Okay fineee! Let's go Darwin". Pagsuko ni Andrei na halatang napilitan lang.

"Sige na Darwin samahan mo na yun, bantayan mo yung mga ginagawa nyan at baka magwaldas nanaman ng pera". Pabulong na sabi ni tita Siesta.

"S-sige po tita". Nahihiya kong sagot at sumunod na kay Andrei.

Anong gagawin ko ngayon? Ang awkward naman Lord help meee! Halata namang ayaw akong makasama ni Andrei.

What if, itulak nya nalang ako sa daan habang umaandar yung kotse, or baka  bugbogin nya nalang ako.

Ano ba tong mga naiisip ko. Siguro naman hindi yun magagawa ni Andrei sakin.

Sa lalim ng pagiisip ko ay di ko namalayan na nandito na pala kami sa parking area ng mansion.

"Ano pa hinihintay mo? Na pagbuksan kita ng pinto? Ano ka babae? Pasok!". Naiinis nyang usal.

Hindi nalang ako sumagot at binuksan ko nalang ang pinto ng kotse at pumasok na sa loob.

"Tsk, pinili pa talaga ang backseat ah, ginawa pa akong diver". Narinig ko pa ang huling sinabi nya pero mas pinili ko nalang wag pansinin yun

Bago pa man kami lumarga ay may sinabi pa sya.

"Listen to me Darwin, this will be the last time, gusto ko after this lumayo ka sakin. Dahil ayokong magkaroon ng kaibigan na bakla". At sabay pinaharurot ang kotse.

Hindi ako nakasagot dahil sa sinabi nya gusto kong maiyak pero kailangan kong lakasan ang loob ko. Bat ganun sya magsalita? Bat parang galit sya? Naiiyak man ako ngunit hindi ko pwedeng ipakitang apektado ako sa sinabi nya. I don't want to look vulnerable in front of him.

I feel insulted in a way na apektado ang buong pagkatao ko.

_ _ _

We should really guard our tongue sometimes don't we? because what we say could mean so much and affect someone, we should think before we speak, and be sensitive.

good boy

With My Childhood Friend (bxb)Where stories live. Discover now