"Hindi naman kami nagtatabi."

"Kahit pa, 'no! Madalas kayong umalis nang kayo lang! Mabuti pa no'ng una, eh, magkakasama tayo—tapos libre mo! 'Tsaka napapadalas na kasi talaga, Max. Napapansin ko 'yan. Hindi na lang ako nagre-react kasi alam ko namang may disiplina ka sa sarili mo. Naku! Kung sa mommy ko, hindi pwede 'yan! Pero hindi na tayo dapat na nagsisisihan pa dahil nangyari na. Nandyan na 'yan."

Pakiramdam ko dinaganan ako nang pinakamalaking problema sa mundo. Parang gusto ko tuloy ipagpatuloy ang pagparoo't parito niya.

"Ikaw lang naman ang naninisi," nakangiwing aniya.

Pinandilatan ko siya. "So what's your plan? Did he say anything?"

Nagulat ako nang mabilis na mangilid ang mga luha niya. "Kanina paggising ko ay handa na siya pauwi. Hinintay niya lang akong makapagbihis tapos umalis na kami. Nag-agahan kami sa labas pero hindi na namin napag-usapan pa ang tungkol doon. Ni hindi na nga siya nagsalita masyado," napapahiya niyang sabi. "Kung ako man ang tatanungin, hindi rin 'ata ako handang pag-usapan namin 'yong nangyari kagabi. Nahihiya ako."Nagkandautal-utal ang hambog.

"Wow! Kanina ka lang nahiya? Kung kailan may nangyari na? At saka ano ang nakakahiya ro'n? May karapatan kang magsalita tungkol do'n dahil ikaw ang babae. Ikaw ang nawalan. Ikaw ang naagrabyado dito, Max. Hindi ka dapat nahihiya at ikaw dapat ang pumapalag. Dapat ka lang pumalag. Kaysa 'yong ganiyan na magrereklamo ka't mag-aalala kung kailan tapos na," asik ko.

"Hindi naman ako nagrereklamo."

"Psh! Hindi? Ano 'yang inarte mong 'yan kung gano'n?"

"Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko," mukha siyang problemadong-problemado.

"Eh, di pag-usapan ninyo? Dapat lang na pinag-uusapan ang bagay na 'yan. Ano? No'ng ginagawa niyo 'yon—walang hiya-hiya? Kung kailan tapos na saka kayo magkakahiyaan? Kalokohan! Sana habang ginagawa niyo 'yon, eh, inisip mo kung ano ang kahihinatnan! Grabe! Sana tinanong mo siya kung ano na ang plano ninyo? Gano'n! Hindi 'yong—king ina, ano? Touch and run? Ulul siya!"

"'Yang bibig mo, 'wag ka ngang maingay?" sita niya pero hindi ko siya pinansin.

"Paano kapag may nabuo diyan?"

Umiling siya nang umiling. "Hindi. Hindi. Alam kong walang mabubuo."

"At paano ka nakasisiguro?" pinandilatan ko siya.

"Nangyayari lang 'yon kapag nag-meet ang similya niya at itlog ko," aniya na seryosong-seryoso, pinaiiral ang katalinuhan matapos magpakatanga.

Nalaglag ang panga ko. "Ha!" Gusto kong matawa. At talagang naisip niya pa 'yon, ah? Henyo! "Hindi! Wala akong tiwala diyan sa bibig mo, eh!" Dinuro ko pa ang labi niya. "Alam mo, matalino ka, ngayon ka lang naging tanga! Hindi ko akalaing papayag ka sa gano'n, Max. Oo, mahal mo siya. Oo, mahal ka niya. Oo, masaya kayo. Oo, satisfied at kontento kayo sa isa't isa. Oo, mayabang ka at siya naman ay gwapo—pero, Max...mali, eh. Maling-mali! Alam mo bang iyan na lang ang meron ka?" Hindi siya nakasagot sa 'kin. "'Yon na lang ang pwede mong ipagmalaki sa kaniya pagdating nang tamang panahon."

Lalo syang nangamba, nangingilid ang mga luha pero hindi umiiyak. Mayabang pa rin ang king ina, eh! Nalagasan na nga ng kaluluwa! Psh! "Anong gagawin ko?" tanong niya.

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon