Epilogue

3.7K 106 217
                                    

Kung may bagay man akong pinagsisisihang nagawa, iyon ay ang labis na pagtitiwala at paghanga sa aking ama.

Gamit ang likuran ng palad ay pinunasan ko ang dugo sa gilid ng aking labi, dulot ng malakas na suntok ni Papa. Masakit iyon subalit wala akong panahon upang uminda pa. Pagak akong napatawa at hinarap siya.

"Bakit, Pa? Totoo naman ah? Walang matinong ama ang kayang magtaksil sa pamilya!"

Alam kong mali ang sumagot sa magulang, subalit sa ngayon, ay hindi ko na kaya pang pigilan ang aking sarili.

Umamba ito ng isa pang suntok ngunit hindi natuloy sapagkat mabilis na napigilan ng braso ni Mama.

"Wala kang alam, Remuel," mariing saad nito at dinuro ako.

Walang alam? Tangina, nagloko siya! Nakuha niyang mambabae sa kabila ng lahat ng ipinangako niya kay Mama! Nakuha niya kaming pagtaksilan! Alam ko ang lahat!

I scoffed before I slowly shook my head, letting go of all the admiration and trust I had left for this man.

On that very moment, I promised myself that I will never be like him. Hinding hindi ko magagawang lokohin ang babaeng mamahalin ko sa hinarap.

"I know everything, Pa. I know that you're nothing but a worthless man."

Iyon na ang huling beses na nakita ko siya. Pagkatapos ng tagpong 'yon ay dali-dali niyang nilisan ang bahay upang sumama sa kabit niya, sa kabila ng pagmamakaawa ni Mama.

Totoo ngang wala nang mas sasakit pa kaysa masaksihan mismo ng dalawa mong mga mata kung paano nadudurog sa sakit ang mga mahal mo sa buhay. Kaya ninais kong matulungan sila na makalimot. Dahil simula ngayon, ako na ang tatayong haligi ng aming pamilya.

It took weeks before I finally persuaded my mother to leave our house as well. Sa bawat sulok kasi ng tahanang iyon ay puno ng mga ala-alang hindi na namin nais pang balikan, kaya't mas mainam na kalimutan.

Mabuti na lamang ay may kakilala siya't mabilis kaming nakahanap ng mauupahang apartment sa Quezon. Higit na maliit kumpara sa dati naming tinitirhan subalit mainam na, tatatlo lang naman kami.

Isang tanyag na arkitekto si Papa, samantalang pagtuturo naman ang propesyon ng aking ina. Kaya ngayong mag-isa na lamang ay doble kayod si Mama sa pagtatrabaho upang matustusan ang mga pangangailangan namin ng kapatid ko.

"Ma, kung tumigil muna kaya ako ngayong taon? May alok na trabaho sa akin sa may terminal si Kuya Mon," usal ko isang araw pag-uwi ni Mama galing sa paaralang pinagtatrabahuhan. 

"Ano bang pinagsasabi mo r'yan? Hindi ka pa nga nakaka-graduate ng senior high school!" singhal niya nang marinig ang suhestiyon ko. Wala sa sariling napakamot ako sa aking batok.

"Kapag po ba nakatapos ako, puwede nang magtrabaho muna? Mag-iipon din po ako, Ma."

Umiling siya at sinamaan ako ng tingin. "At bakit ka mag-iipon? Mag-aasawa ka na ba? Hindi pa tayo naghihirap, Lycus. Kaysa sa pinipilit mo akong payagan ka, mag-aral ka na lang ng maigi o 'di kaya ay ituloy ang pagsusulat ng mga kanta. Doon ay suportado kita."

Bumuntonghininga ako at tumango na lamang, hindi na nagpumilit pa. Tama siya, gagalingan ko na lang sa pag-aaral para kapag nakatapos ay makalipat kami sa mas maayos at mas malaking tirahan.

Wilted Galad (Cornelia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon