Special Chapter: Summer Outing

Start from the beginning
                                    

***

"GOOD MORNING ELSAAAAAA!" Masiglang bati ni Ashley kay Gian sa tapat ng bahay nila. Napagpasyahan kasi nilang sabay pumunta kila Monique para daw "sweet".

"Tss." Sabi ni Gian sabay ngisi. "I missed you, Panda." Bukod kasi sa vacation na to, ngayon na lang ulit sila nagkita after graduation. 

Lumapit si Ashley at agad na niyakap si Gian saglit. "Tara na?" Tanong ni Ashley.

"Wait." Hinawakan ni Gian yung kamay ni Ashley habang nakasandal sa kotse. Tinititigan niyang maigi si Ashley habang hindi naman ito mapakali.

"G-gian... naiilang ako." Hindi na mapigilan ni Ashley yung ilang at kilig na nararamdaman niya sa pagtitig ni Gian.

"I know. I can see you blushing." Halatang nagpipigil ng ngiti si Gian pero pinipilit niyang magpakaseryoso.

"Bat kasi... ganyan...ha?" Hindi makatingin si Ashley sa mata ni Gian. Para bang nakukuryente yung mata niya.

"I'm just testing if my charms still affects you." Sabay alis ng tingin at binuksan na yung pinto ng kotse.

Napahilamos na lang si Ashley sa mukha niya.

"Hay! TISS ka talaga, TISS!" Namumulang kinuha ni Ashley yung bag niya tsaka pumasok na sa sasakyan.

"Patay na patay ka pa rin sakin." Natatawang sabi ni Gian sabay upo sa tabi nito.

"Aha! Kaya pala kung makatitig ka kanina, gandang ganda ka sakin!" Malakas na sabi ni Ashley. Natatawa naman yung driver ni Gian sakanilang dalawa sa likod.

"I told you, I'm just testing." Sabi ni Gian.

"Whooooo! Wag ako Elsa. Obvious kaya kanina, kulang na lang tumulo yung laway mo oh. May pa wait wait ka pang nalalaman diyan."

"HA-HA-HA! Gandang-ganda sa sarili."

"Bakit, hindi ba ako maganda?" Biglang tanong ni Ashley sabay tumitig nanaman sakanya si Gian.

"OY TAMA NA! KINIKILIG NA AKO, WAG MO NA KONG TITIGAN!" Sigaw ni Ashley.

"Never think you're ugly. Not even the word  pretty can define your beauty." 

Napakagat na lang ni Ashley sa labi niya at dahan-dahang pinisil yung panda na stuffed toy sa sobrang kilig. 

***

"Gands bat hindi mo suot yung blue at black na dress?" Tanong ni Bryan.

"Cause I'm wearing white and gold, siguro?" Mataray na sabi ni Monique.

"Sayang naman, mas bagay sayo yun e. Masyado kaya yang maiksi."

"Pogs, PAREHAS lang sila ng design. Pinagkaiba lang nila yung kulay!"

"Kahit na. Mas maikli pa rin yan. Balak mo bang mang-akit ng ibang lalaki don?" Mahinang tanong ni Bryan.

"Oo bakit?! Mangaakit ako ng life guards don. Tsk."

"Grabe naman, nagtatanong ng maayos e."

"Wow. Ang ayos ng tanong mo, hindi namimintang."

"Gands, sirang kotse ka ba?"

"Hay! Eto nanaman kami. Bakit?!" 

"Bilis mong mag-overheat. Palamig ka muna." Sabi ni Bryan sabay abot ng ice cream na maliit.

"San to galing?" Tanong ni Monique. Ngumuso si Bryan dun sa ref nila Monique.

"Sa ref niyo."

"Pogs, goma ka ba?" Tanong ni Monique.

Clash of the Campus Royalties (CCR) - (PUBLISHED)Where stories live. Discover now