Nakakainis! Pinag ti-tripan ata ako ng babaeng 'yon. Pwes hindi magandang biro. Mula ng ibaba ng babaeng 'yon ang tawag hindi na ako mapakali.

"Kalma lang Aubrey! Baka naiwan ni tanda kung saan ang cellphone niya kaya iba ang naka sagot. Oo gano'n nga. May tiwala ako sa asawa ko." kumbinsi ko sa aking sarili.

Kinse minuto na ang lumipas pero wala pa ring Kurt na dumadating. Nag pasya na akong puntahan siya sa opisina. Naka salubong ko pa si Nanay Aida pababa ng hagdan.

"Oh iha. Gabing-gabi na 'di ka pa natutulog. At saan ang punta mo iha? Delikado na sa daan." sabi ni nanay Aida bagong katulong namin sa bahay at taga alaga ng kambal.

"Nay Aida kayo na ho munang bahala dito sa bahay at sa kambal. May aalamin lang ho ako. Babalik din po ako kaagad Sige po." at kinuha ko ang kamay niya at nag mano at tuluyan ng umalis ng bahay.Saktong paglabas ko siya namang dating ng taxi. Agad akong sumakay dito at nag tungo sa opisisina.

----

Sa Kompanya

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Lalo na at paulit-ulit kong narirnig ang boses ng babeng kausap ko kanina. Sinita ako ng guwardya ngunit hindi ko na lamang siya pinansin. At nag patuloy lang ako sa paglalakad.

Sumakay ako ng Elevator at dumiretso sa opisina ni tanda. Ang pinag tatakahan ko lang ay naka patay ang ilaw nito. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nangapa sa dilim. Ngunit limang segundo pa lang ang lumilipas ay biglang bumukas ang ilaw. Ikina-gulat ko ang nakita ng mga mata ko.

Si....

Si...

Si...

Si tanda naka suot ng pink na long sleeves at may itim na kurbata. Kagat kagat ang tangkay ng pulang bulaklak. Nakatayo 'di kalayuan sa lamesa. Lamesang puno ng pagkain.

Napa kagat labi na lang ako ng ma-realize ko kung anong mayroon sa loob ng opisina niya. Nag lakad ako palapit sa kanya at mahinang sinuntok ang tiyan niya.

"Araay! Ang sweet mo talaga asawa ko kahit kailan." pabiro niyang sabi at mabilis akong hinagkan.

"Hep!Hep!Hep! May kasalanan ka pa sa'kin matanda ka ah. Akala ko na kalimutan mo na kung anong mayroon sa araw na ito." sabi ko

"Pwede ba 'yon? Ito ang araw na dinala kita sa harap ng altar. Nangako sa isa't-isa." panimula niya. Kasabay noon ang magandang background melody song.

"Can I have this dance?" tanong niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay.

Shocks niyaya niya akong sumayaw.

Ginabayan niya ang kamay ko at inihawak iyon sa mag kabila niyang braso. Hinawakan naman niya ako sa mag kabila kong baywang. At nag simyla na niyang igalaw ang kanyang mga paa.

"Nakakainis ka! Hindi ako marunong sumayaw! Hindi ako prepared!"

"Hindi prepared? Sa hitsura mong 'yan?" pang aasar pa ni tanda.

Idinikit ni tanda ang noo niya sa noo ko.
"Ang sarap mong asarin! Kaya mahal na mahal kita eh. Happy 1st Anniversary my lady!" Hinawakan niya ang mukha ko at hinuli ng dalawang mata niya ang mga mata ko.

"You and our child is the best gift I ever had!" maikli niyang mensahe bago niya halikan ang mga labi ko.

"Happy 1st Anniversary din tanda! Este asawa ko! Teka nga kaya ako na papunta ng wala sa oras dito sa opisina mo dahil sa siraulong babaeng sumagot ng phone call ko." nakita ko namang napakamot siya sa ulo at halos umabot hanggng tenga ang ngiti niya.

"Huwag mo kong idaan sa killer smile mo ha tanda! Nasaan na 'yang babae mo ha!"

"Ano ba asawa ko wala akong babae! Napaka TH mo! Planado 'yon para maka punta ka dito. Kung hindi ko ba ginawa 'yon pupunta ka?"

"Hindi! Eh sino nga kasi ang babaeng 'yon?" tanong ko ulit sa kanya.

"As far as I know before I answer your call. I never seen a name on the screen. Unregistered number will do. I am his fiance! And can I know who you are? I see. You wanna know who I am. Go to his office now!See you!" dire-diretsong sabi ng babaeng nasa likuran ko. Maarte niyang binigkas ang mga sinabi niya kanina sa pag uusap namin sa phone.

"G*ga ka talagang babae ka! Letse ka! Halika rito ng makalbo kita!"

****

End of Chapter 4

a/n:

Sorry sa matagal na update. Busy lang po ako. Huwag po sanang mag sawa sa pag hintay ng updates. Thankyou!

Thanks din po sa pag babasa.

Vote-Comment-Share.

A life with an old Man [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon