4.TH

5.3K 113 8
                                    

AUBREY'S POV

Isang buwan na ang nakakalipas mula ng manganak ako. Isang buwan na din ang kambal. Hindi pa din sila nag kakasakit mula noon. At sobrang saya ng asawa ko sa tuwing uuwi siya galing trabaho.Sa tuwing nakikita niya ang kambal nawawala na ang stress at pagod sa trabaho.

Alas-9 na ng gabi at wala pa din si Kurt. Mukha atang may overtime pa. Kadalasan kasi alas-8 ng gabi ang dating niya sa bahay. I have a simple surprise for him. Hindi niyo naitatanong 1st Anniversary kasi namin ngayon.

Nag luto ako ng sphagetti at nag bake ng chocolate cake. Mula kaninang umaga hinihintay ko siya kung babatiin niya ba ako o hindi. Nakalimutan ata niya sa sobrang trabaho. Kahit simple lang 'to sana magustuhan niya nag effort ako dito ah.

Nilagyan ko ng sapin na pulang tela ang lamesa naka arrange din in order ang mga utensils. Nag lagay ako ng isang kandila sa gitna ng ginawa kong round cake. HAPPY 1ST ANNIVERSARY ASAWA KO.

'Yan ang nilagay ko sa ibabaw ng cake. Nag pa-parlor pa ako matapos kong lutuin at ayusin lahat. Pinag handaan ko din ang su-suotin ko. Isang floral sleeveless dress na above the knee. Nag pagupit din ako lagpas balikat at nag pa relax ng buhok.

Ngayon na lang ulit ako naka pag pa ayos ng sarili ko mula ng nag buntis ako. Maganda naman ang kinalabasan. Sana magustuhan niya. Isinuot ko na ang paired earings, necklace at bracelet na ini-regalo niya sa akin last birthday ko.

Pasado alas-10 na ng gabi wala pa din si tanda. Nakaka panibago kapag gagabihin siya o 'di siya makakuwi pwede naman niya akong tawagan 'diba? Madalas naman siyang tumatawag kapag medyo ga-gabihin siya. Bakit ngayon parang may kakaiba akong pakiramdam. Sinimulan na akong kabahan.

May ginagawang katarantaduhan ang asawa mo!

"L*tse kang inner voice ka! Mabait si tanda walang gagawin 'yon na makakasakit sakin. Naku! subukan lang niya!" sabi ko sa sarili ko habang pabalik-balik na naglalakad sa labas ng balkonahe.

Tawagan mo na kasi! Para hindi ka nag iisip ng kung anu-ano.

Baka na-traffic lang girl.

Baka lowbat cp niya. Walang dalang charger.

Baka may meeting hindi pa natatapos.

"Hwaaaah! Mamamatay na ako kakaisip. Matawagan na nga!"

Ilang beses ng tumutunog pero hindi niya pa din sinasagot. Sa pangatlong subok na tawag ay sinagot naman niya. Pero bakit boses babae.

"Hello? Can I talk to Mr. Arevalo?" sabi ko sa kabilang linya.

"Who's this?" aba't loka-lokang babae 'to ah. Hindi ba naka registered ang number ko sa cellphone ng asawa ko.

"Aheemmm! Siguro naman naka save ang name ko sa cellphone na 'yan!" medyo naiinis na sagot ko sakanya.Nasaan ka bang matanda ka bakit babae ang sumagot. Baka sekretarya niya lang 'to.

"As far as I know before I answer your call. I never seen a name on the screen. Unregistered number will do." Aba ini-english pa ko ng lokaret na 'to. Akala mo ikaw lang

"Oh really? Can I know who you are?"

"I am his fiance! And can I know who you are?" napantig ang tainga ko sa sinabi niya. Namuo ang katahimikan sa mag kabilang linya.

"Hello? Are you still there? Can I know who is this please! So I can tell to my soon to be husband."

"So you're one of my husband mistress!" pasigaw kong sagot.

"I see. You wanna know who I am. Go to his office now!See you!"

"P*NYETA KANG BABAE KA HUWAG NA HUWAG KANG MAG PAPAKITA SA'KIN IMPAKTA KA. DAHIL KUNG HINDI KAKALBUHIN KITA!" narinig ko na lang na ibinaba niya ang tawag.

A life with an old Man [COMPLETED]Where stories live. Discover now