The Jerk: Twenty Three

Start from the beginning
                                    

Calm down, Delia. Ashton is Micko’s friend. You are here because this is what Micko wants. Hwag kang mag isip ng ibang bagay na walang kinalaman sa pagbisitang ito. You are being unfair to Micko.

“Let’s go?” nakangiting offer ni Micko.

Tumango ako at sumunod sa kanya sa pagpasok sa Hospital. Mas payapa ang environment ng Hospital kapag ganitong oras. Hindi ko alam kung tapos na ba ang visitang hours sa mga ward kaya medyo tahimik na— pero dahil sa isang private room si Ashton naka-admit, maaari parin kaming bumisita.

The nurse and staffs in the Hospital are now talking in low and hush voices. I wonder how they often did it. Noong naconfine ako, I remember my nurse having a soft voice like an angel lalo na kapag kailangan niya akong gisingin sa gabi para i-monitor o bigyan ng gamot.

Nang marating namin ang tapat ng pintuan ng kwarto ni Ashton, biglang nawala ang lahat ng conviction ko na para kay Micko lang ang pagbisitang ito.

I know nasasaktan ko si Ashton dahil sa ginagawa kong pag iwas sa kanya. And I know I’m being unfair to him lalo na at ako lang ang taong nakakakita sa kanya. Pero kung hindi ko gagawin ito, ako naman ang masasaktan. Lalo na kapag bumalik na sa dati ang lahat.

Pumasok kami ni Micko sa kwarto. Gaya ng ibang private rooms na katabi nito, tahimik ang loob ng kwarto ni Ashton. Nandoon parin ang ilang gamit tulad ng bola ng basketball at RC cars sa sahig, ganoon din ang mga cards at napakaraming basket ng prutas sa mesa.

Pero napansin ko na kahit paano, fresh ang mga bulaklak na nasa vase, ilang unan mula sa sofa ang nasa sahig, nakusot din ang bahagi ng kurtina kung saan natutulog si Ashton— ibig sabihin kagagaling lang dito ng mga taong bumisita sa kanya.

“He’s getting better and better.” sabi ni Micko na inilagay sa upuan ang mga throw pillows na nasa sahig. Napansin ko agad ang saya sa boses niya.

“Ang sabi ng Doctor ano mang araw mula ngayon maaari na siyang magising. We all hope he will wake up soon. Masyado ng mahaba ang pahinga niya.” Nakangiting sabi nito.

Umupo ako sa sofa samantalang pumunta naman siya sa kinaroroonan ni Ashton para hawiin ang mga kurtinang tumatakip sa kanya. Halos matigilan ako nang muling magkita ang mukha ni Ashton.

Kahit na mula sa kina-uupuan ko napansin ko ang pagbabago sa kanya. Hindi na siya pale gaya ng dati. Mas maayos na din ang paghinga nito. At ilan sa mga nakakabit na medical apparatus sa katawan niya ay inalis na. Hindi ko mapigilan na matuwa. You are going to be okay Ashton.

“Alam mo bang minsan na kitang nakwento sa kanya?”

Natigilan ako dahil sa narinig. “H-Hah?”

“Madalas niya kasi akong nahu-huli na nakatingin sayo noon kaya nagtaka siya.” Napakamot si Micko sa ulo niya. “Sinabi ko ang totoo, na ikaw ang unang nakilala ko sa Jefferson High.”

I bit my lips. Did Ashton even recognize me that time?

“Hindi ko alam kung magkakilala kayo ng personal. Pero nalaman ko na nangaling kayo sa i-isang grade school hindi ba?”

“H-Hindi kami close.” sagot ko. “Hindi ko siya gaanong kilala.”

It was a lie. Hindi ko halos mailabas yon sa bibig ko. Dahil alam ko sa sarili ko na ngayon, kilala ko na si Ashton, hindi lang ang Ashton na nakikita at hinahangaan ng lahat. Kundi ang totoong Ashton, magulo, nakakairita, pero madalas maalalahanin, at parang bata na naghahanap ng attention. Pero hindi kailangan na malaman ni Micko ang lahat ng ito.

“Naintindihan kita.” sagot niya. “Kahit sa grupo namin ilan lang talaga ang mga taong malapit sa kanya. Madami sa kanila ay may takot sa kanya. Ang iba naman lihim na kinai-inisan siya. Kapag napapansin namin yon pinagtatawanan nalang namin. Masyadong mababaw ang dahilan na yon para isipin pa.”

The Jerk is a GhostWhere stories live. Discover now