"Napag-isipan mo na ba ang proposal ko?" Malakas ang aura ng kayabangan nitong si Herbert. Kahit siya na kapwa lalaki ay nahahanginan rito, lalo na siguro si Destiny.

"First of all, wala akong proposal na natanggap. You didn't kneel in front of me with a ring asking for my hand in marriage. Second, kahit na mag-propose ka, no pa rin ang sagot ko." She tapped her fingers on the tables. Naiirita na nga ito.

"Come on! You've been with several man, I don't think na kailangan ko pang lumuhod sa harap—"

"Hey!" Biglang rumagasa ang dugo pataas ng ulo niya. What a bastard! "Wala kang karapatang pagsabihan ng ganyan si Destiny."

"Who are you? Are you dating him?" turo sa kanya ni Herbert. "You can spend the night with me kung wala kang gagawin." He wrapped his arm around her shoulders. Sa isang iglap ay nasa sahig si Herbert, sakal-sakal ni Destiny. Hindi na dapat siya nagulat dahil alam niyang may muay thai session ito every sunday.

"Sino ang nagsabing puwede mo akong hawakan?" Her dangerous tone pierce through his spine as if she's planning to do something bad to Herbert. Herbert tapped on the floor while gasping for air. "No one touches me without my permission. Ungkatin mo pa ang proposal and I will make sure that your father's company will burn to the ground." She released his neck, agad na bumangon at tumakbo palabas si Herbert.

"Filthy bastard!" Hinalughog ni Destiny ang bag, binuksan ang sanitary wipes, pinunasahan ang kamay pati na rin ang balikat na hinawakan ni Herbert. Although her shoulders were covered, patuloy pa rin ito sa pagpupunas.

Napag-isip-isip ni Siggy, kahit kailan ay wala silang naging skin contact ng boss niya. She didn't shook his hands when he was hired. Maging sa mga business deals ay siya ang nakikipagkamay.
"Are you okay?"

"Yes, thank you." The waiter came back with their order, sinilbihan rin sila ng sake bago sila iniwan. Napakakulay ng lamesa dahil sa assorted sushi, kumuha siya ng salmon nigiri at isinawsaw sa  dipping sauce. Nabitin sa ere ang pagsubo niya nang makarinig ng kakaibang tunog. A sound of man and women moaning like having sex. "What's that?"

"My phone." Kinuha nito ang cellphone na may pulang case sa handbag at sinagot ang tawag. First time niyang narinig ang alert tone na iyon. Napaka-eccentric ng boss niya. Isinubo na niya ang nigiri bago pa malaglag sa chopsticks. "Yes, and I have a guest. Thank you." Hindi na niya inusisa kung sino ang tumawag kay Destiny, kumain na lang siya dahil gutom na siya.

"Blowfish." She took the sashimi from the serving plate. "A very poisonous fish but the Japanese managed to create a delicious delight from it." She dipped it to the sauce and popped it in her mouth. Nahinto ang mga mata niya sa mga labi ng dalaga, the way she chew her food is sensual. Stop it! Usap-usapan ay walking pheromone si Destiny, maski sino ay mapapalingon kapag dumaraan ito. He agreed dahil pagpasok pa lang nila sa restaurant ay nakuha na nito ang atensyon ng lahat. Noong una ay naitanong niya sa sarili na paanong nagkaroon ng dyosa sa lupa, cheesy man pero iyon ang unang pumasok sa isip niya noong makita niya si Destiny.

"Excuse me for asking,  pero hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko."

"Pray tell." Ibiniba ni Destiny ang chopsticks.

"During my interview, nabanggit mo ang insidente sa Mindoro at sabi mo hindi tinanggap ng nanay ko ang reward for finding you. I heard na mahigit isang milyon ang reward. What really happened back then?"

"I was kidnapped." Casual nitong sagot.

He was rendered speechless for a second. Ang nakita niya noon ay batang biktima ng kidnapping!

"Pero hindi na kita nakita pagkatapos."

"I went to US for therapy." Dinampot nito ang chopsticks at kumuha ng California roll. "Hindi mo ako naalala."

"I was confused back then. Hindi nag-sink in sa utak na ikaw pala 'yung na-kidnap na anak ng businessman. Nagbaba siya ng tingin. "I'm sorry for what happened." For two years ay kinimkim niya ang mga tanong na iyon, ayaw niyang i-open up ang nangyari almost ten years ago dahil alam niyang hindi biro ang pinagdaan ng boss niya. She even went to other country para lang magpa-therapy. "Wala kang bodyguards."

"Nagkaroon ako ng bodyguards pero pinaalis ko rin matapos mailibing ni Daddy. May mga bantay ako noong bata ako pero na-kidnap pa rin ako. My conclusion, bodyguards are useless. Anyway, have you ever been to a club?" A mischievous smile appeared on her lips. Bigla siyang kinabahan. Ano na naman ang tumatakbo sa utak ng boss niya?

"Club? Night club?" tumango ito. "Yes."

"We will go right after our dinner. Ibibigay ko ang address. But let us get dressed for the occasion first."

Chained DestinyWhere stories live. Discover now