Chapter 4 - Research

Start from the beginning
                                    

At lalo lang nakadagdag sa galit sa puso niya ang reaksyon ng lalaki.

How dare him?

Gano'n ba talaga ang tingin nito sa kanya? Gano'n kababa? Dahil ba minsang ini-offer niya ang sarili niya rito ay tingin nito na io-offer na niya ang sarili sa lahat ng lalaking nakakasama? Hindi ba nito naisip na nakakainom siya noong gawin niya ang kapagahansang iyon?

Yeah, sure. She'd been bold and daring before, directly telling him he can have her body and all, but she only offered her body to him on that single occasion, and she's so intoxicated that time.

Pero kung gano'n kababa ang tingin nito sa kanya ay hahayaan niya. Mas ipakikita pa niya sa lalaki na marami siyang alam pagdating sa sex. Lalo siyang magpre-pretend na master na niya ang topic na iyon.

A sex connoisseur.

Iyon ang nagtulak sa kanya para alamin ang lahat ng pwede niyang malaman tungkol sa sex. Minus na actual sex part, of course. Ibibigay lang niya ang sarili sa lalaking sigurado siyang mahal niya. At mahal siya. Sa lalaking alam niyang worthy.

This maybe selfish to others but she vowed to be with someone na alam niyang mas mahal siya kesa mahal niya. Sabihin na ng lahat na mali iyon, pero sa tulad niyang naranasan ang rejection at ibasura ang pagmamahal na handa niyang ibigay, iyon ang pinaka logical na gawin.

Kung may naitulong man ang rejection at ang ginawa nina Clifford at Brigitte sa kanya, iyon ay ang pahalagahan ang sarili. Ang unahin ang sariling kapakanan. Dahil at the end of the day, sarili lang niya ang tutulong sa kanya para bumangon at muling sumaya.

Oo nga't gwapo si Clifford, pero letse talaga ang lalaking iyon!

Noong kabataan niya ay inilabas nito ang sultry at daring side niya. At ngayong malaki na siya ay ang bitchesang side naman niya ang inilalabas ng lalaki.

Clifford really is bad for her. He is toxic. A vice Pret knew she should not entertain and needed to immediately flush out of her system. And she will. Gaganti lang muna siya.

Nagtagis ang ngipin niya.

Clifford is bringing out all her bad sides. All her worst attitude and attributes.

"I can't believe you're asking me about that, Pret." Pulang-pula ang magkabilang pisngi ni Redge. Halatang hindi komportable sa mga tanong niya.

Huminga siya nang malalim. Pilit niyang kinotrol ang nabuhay na emosyon sa dibdib at nag-focus sa babaeng kaharap.

"Come on! I need to know how sex feels. I haven't experienced that and I'm curious. Alam kong naranasan mo na iyon," nanunudyong salita niya na nagtaas-baba pa ang kilay, "Hindi ka makakapagkunwaring walang alam kaya ikaw na lang ang tatanungin ko."

Lalong namula ang buong mukha ni Redge. Pati tenga nito ay namumula na. "You really are like your Kuya. Parehas kayong walang filter."

Nagkibit-balikat siya. "We've got the same genes. Pero wag mong ibahin ang topic. Basta absolutely no specific positions and whatnots, just how it feels."

"Are you serious?" Redge reaction was totally floored.

Nagkibit-balikat si Pretzhel, "Just doing research. Walang malisya, curious lang talaga. So, how was it?"

Umiling ito. "I won't answer any of your questions, Pret. What happened between Gab and I will stay between the two of us. If it's research you want, go and buy books."

"I did that already. Pati nga articles sa internet binasa ko na. Nanood na nga rin ako ng porn," balewalang sagot niya. Na talagang ginawa niya pag-akyat niya sa kwarto matapos nilang mag-usap ni Clifford sa kusina.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now