Meeting (Part 1)

14.4K 378 4
                                    

Bria's POV

Dahil maraming nagpapabooked at events sa hotel ngayon ay masyado kaming busy. Kailangan na talaga ng isa pang staff!

Kasalukuyan kaming naglalakad ng kasama kong si Aina para mag ikot ikot ng biglang nagkaroon ng gulo sa daan. May isang lalaking may hawak ng baril na mukhang may kagalit na naroon. Dahil malapit kami sa scene ay di na kami nakaiwas. Bigla kaming tinutukan ng baril ng lalake. Walang nakagalaw sa mga nakakita. Grabeng kaba ang naramdaman ko. Nanginginig na rin sa takot ang katabi kong si Aina.

May sinabi ang isang ale na mukhang kakilala ng nag-amok na lalong nakapagpagalit sa lalake. Babarilin na sana ng lalake ang babae ng bigla akong sumigaw. Nakuha ko tuloy ang atensiyon nito."Wag!"

"Pakialamera! Alam mo ba ang ginawa sa akin nig babaeng yan?"galit na sabi nito.

Nakatutok na sa akin ang baril ngayon. "Hindi."mahinang sagot ko.

"Hindi pala eh bakit nangingialam ka. Anong gusto mo ha? Ito."sabay kalabit nito ng gatilyo.

Shaun's POV

Im with my mom ngayon. Im here in Manila. Nagkaroon kasi ng lead yung isang agent ko na nandito daw ang asawa ko. Nagfile muna ako ng leave, a month.

Papunta kami ni mom sa isang hotel namin to visit my father ng may napansin akong nagkakagulo sa daan. Nagkaroon kasi ng traffic doon dahil sa insidente. Pinagmasdan ko ang paligid. Maybe the agents instinct. May mga pulis na rin roon.

Napatigil ako when I spotted a woman. Its looks like - Pisces! Nakita kong nakatutok sa kanya ang baril. Bumaba ako ng sasakyan at nagmadaling pumunta sa crime scene. Narinig ko pa na tinawag ako ni mom.

Eksaktong pagputok ng baril ay naitulak ko siya kaya lang natamaan ako sa may balikat. Nagkasigawan. Sanay na ako sa ganitong sitwasyon. Nagulat din marahil ang suspect kaya saglit itong natulala na agad kong sinamantala. Habang hawak ang duguan kong balikat ay binigyan ko siya ng matinding sipa sa panga kaya nakatulog ito.

Agad na dumalo ang mga pulis.

Napatingin ako sa gawi ni Pisces. Tulalang nakatingin ito sa akin. Marahil nakilala ako.Lalapitan ko sana siya ng biglang dumating si mommy at ang medical aid. Kinakausap na rin ako ng mga pulis. Paglingon ko sa gawi niya kanina ay wala na ito. Nilibot ko ang paningin ko pero wala na siya.

Loving Mrs. PiscesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon