"Key#13"

160 15 3
                                    

"The key of love😎

-------

Pagpapatuloy..

"Akala ko makakapag pahinga na ako kaylangan ko pa mamili. Hindi pa nga nawawala sa isipan ko ung nangyare kanina eh ito nanaman dito siya uuwi at magdidiner siya dito hindi ba siya hinahanap ng magiging asawa niya.

Bulong ni Riza nasa kwarto pa siya at napapaisip parin sa nangyare kanina at lalo na dagdagan yung pag iisip niya sa pag uwi ni Venus sa kanya.

"Uuwi din siguro un kahiya naman na dito siya matutulog. Dito lang siguro siya kakain..

Bulong ni Riza na kinukumbinsi ang sarili. Tumayo na siya at naglinis na ng kunti sa kwarto niya at inayos din ung mga pinamili niya.

Hindi ko naman pwede na pakainin si Madam ng "Wow ulam hehehe..

Natatawang sabi ni Riza habang inaayos niya ung mga pinamili niyang pagkain niya puro easy eat ito dahil un ang gusto niya para makakain agad.

Siguro kaya ako nanghihina dahil ito lang mga kinakain ko..

Malungkot na sabi ni Riza..

Pero napangiti siya dahil sa naisip niyang iluto ngayon.

Alam kuna makapag adubong baboy nga ung mamantika ung matuyo tuyo nakakapaglaway....

Kagat labing sabi ni Riza tumayo na siya ng maayos na niya lahat ng pinamili niya. Ng matapos niya ayusin ang mga yun naghanda na siya para bumili ng lulutuin niya.

Siguro naman hindi siya magagalit sa lulutuin ko makikikain na nga lang siya magagalit pa siya.

Naka ngusung bulong ni Riza lumabas na siya ng unit niya bumaba na siya para umalis at mamili na ng makasalubong niya ang driver ni Venus.

"Maam Riza saan po kayo pupunta..

Oh kuya delo bakit po kayo nandito..

Ah pinabalik kasi ako ni Madam Venus samahan daw ko po kayo mamili ng lulutuin ninyo.

"Ahh ganon po ba. Sige po...

Naka ngiting sabi ni Riza dahil hindi siya mahihirapan mamili at sumakay ng taxi saka nagtitipid siya.

Nakatingin lang ung ibang empleyado sakanya dahil kasama ni Riza ang driver ni Venus sa isip nila ay baka pinasundo ito.

Tila amo naman ng driver si Riza kung pagsilbihan ito napapangiti lang si Riza sa ginagawa ni delo pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse nahihiyang sumakay si Riza dahil sa mga ibang naka tingin sakanila.

Pagkasakay ni Riza ay agad narin sumakay si Delo sa kotse para umalis na sila.

"Maam Riza saan po tayo..

Ah Kuya delo 'Riza nalang po hindi po ako sanay sa "Maam.

Ah sabi po kasi ni Madam Venus "Maam daw po ang itawag ko sainyo.

Ah ganon po ba ah sige po.

Saan ko po kayo dadalhin para mamili maam.

Napakagat sa labi si Riza dahil hindi siya sanay na maam ang itawag sakanya ng ibang tao sanay siya sa Riza lang.

"Ahh my palengke ba dito kuya delo.

Ah opo naman "Maam meron po.

Sige po doon ninyo ako dalhin.

Ok po "Maam..

Ngumiti nalang si Riza at binaliwala nalang niya ung iniisip niyang pakikipaghalikan kay Venus kanikanila lang.

Habang papunta sila sa palengke na sinasabi ni manong delo ay biglang my tumawag sa cellphone nito agad naman sinagot ni manong delo ito dahil sa takot kay Venus napansin ni Riza un pero hindi na niya pinansin ang nasa isip niya ay ung mga bibilhin niya.

Yes "Madam..

Sagot ni manong delo..

"Maam Riza nagpapasundo si Madam Venus.

Napa tingin lang si Riza kay Manong delo hindi na siya nakapag salita tanging nagawa nalang niya ay ang tumango.

Mabilis na nakarating sila Riza kung nasaan si Venus dahil malapit lapit lang ito sa pupuntahan nila.

"Ahh kainis ung lalaking un kung hindi lang..

Gigil na sabi ni Venus agad siya sumakay bababa na sana si Riza dahil lilipat siya ng upuan sa tabi ng driver ng pigilan siya ni Venus.

"Dito kalang sa tabi ko.

Taas kulay na sabi ni Venus tumango lang si Riza at naupo na lang sa tabi ni Venus nagulat siya ng ipatong ni Venus ang ulo nito sa balikat niya at hinawakan pa ang kamay niya.

Sige na Manong delo dalhin muna kami kung saan siya mamimili.

Pikit matang sabi ni Venus.

Ok po madam.

Sagot ni Manong delo agad na sila umalis hindi alam ni Venu kung saan mamimili si Riza.

"Maam Riza "Madam Venus nandito na po tayo..

Napa dilat ng mata si Venus dahil nandoon na agad sila.

Kumunot ang noo niya ng makita niya ang lugar tila nagtaka siya sa babaeng kasama niya dahil ang kilala niyang Riza ay hindi napunta doon..

Ah madam dito nalang po kayo sa kotse mamimili na po ako.

Sabi ni Riza na tila kinakabahan sa pagtitig nito sakanya kaya hindi na niya ito hinintay pa magsalita agad na   siya bumaba..

Wala naman siyang binigay na pera eh bala siya jan..

Bulong ni Riza.. Si Manong delo naman ay tila kinakabahan sa sigaw ni Venus sakanya ngayon dahil doon niya dinala si Riza.

Bakit dito siya mamimili delo...

Sigaw na nga ni Venus

Sorry po madam sinunud kulang po ung gusto niya nagtanong po siya sa akin kung my alam akong malapit na palengke po kaya po ayun dito ko po siya dinala. Mukha pong sanay po siya dito.

Sagot ni Manong delo. Nagulat ito ng bumaba si Venus sa kotse tila kinakabahan siya sa gagawin kay Riza bababa narin sana siya ng makita niya na humawak lang si Venus sa braso ni Rizal na tila nagulat din kay Venuz

Halika na sasamahan kita mamili. Bilisan natin  ang baho dito..

Sabi ni Venus na hila hila na siya napa ngisi nalang si Riza sa kaartehan ni Venus.

Pero tila napapangiti siya dahil parang nawawala ung pagka dimunyo ni Venus pag magkasama silang dalawa.

Naglakad na sila papasok sa loob alam niya na nandidiri si Venus kaya nakahawak ito sa braso niya.

Maputik ung lugar ng palengke at di kanais nais ang amoy doon "Kuya isang kilo nga po ng baboy.

Sabi ni Riza napatingin sakanya si Venus.

Anong lulutuin mo.

Adobong baboy madam ung mamantika siguro ok lang naman po un diba.

Masayang sabi ni Riza napa bitaw sa pagkakahawak si Venus sa braso ni Riza dahil sa pagngiti ni Riza sakanya Ngayon tila natulala siya dahil doon..

Itutuloy...




Pa vote at comment nalang po 😁

"My buyer is Bad Shemale"Where stories live. Discover now