Chapter 1

51.1K 974 102
                                    

NOT A FAN

Nang magising ako kinabukasan ay masakit ang ulo ko dahil sa nainom kagabi. Though, I still remembered all the things that I've done. Maging ang mga salita ng gunggong na lalaki na 'yon.

I don't care about him, actually. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niya.

Napailing nalang ako bago pumasok sa banyo at nilinis ang sarili. Kagabi ay dumiretso ako dito sa kwarto matapos ang pangyayari sa kusina. Muntik pa akong makatulog sa bathtub, buti nalang ay kinatok ako ni Mommy.

Humarap ako sa salamin nang matapos. I was wearing a flowy white dress. Nakatali ang mahaba at itim kong buhok kaya kitang kita ang malalim kong collarbone.

I looked at myself through the mirror. I have this fierce look on my face, that's why people find me intimidating. Kulay tsokolate ang aking mga mata na nakuha ko kay Daddy. Madami naman ang nagsasabi na malambing ako kung tumingin, at iyon ang bagay na siguradong nakuha ko sa aking ina. I have a pointed nose and cheekbones. My eyelashes are long and my brows is not that thick, sakto lang. At siyempre ang labi kong kahit walang lipstick ay mapula.

I have a milky skin, maputi ang mga magulang ko kaya hindi na ako nagtataka. Kaunting sikat lang ng araw ay namumula na agad ang balat ko. Kaunting dampi lang ng kahit ano ay nagiging sensitive agad.

Nang matapos ako ay napag-desisyunan ko nang bumaba. May naririnig akong ingay sa labas pero baka sila Lolo lang 'yon kaya ipinagsawalang bahala ko.

"Buti naman at gising ka na..." Bungad ni Lola nang makababa ako.

Ngumiti ako bago siya hagkan sa noo. The house is a bit quiet today, kung hindi lang dahil sa music at ingay sa labas ay iisipin kong sensitive sila sa ingay tuwing umaga dito.

"Nasaan po sila Mommy?" Tanong ko nang hindi ko napansin ang aking mga magulang.

"Tiningnan nila ang lupang binili malapit sa Arkala, kasama ang lolo mo. Halos kaaalis lang nila. Gusto ka ngang isama pero tulog ka pa." Sabi ni Lola habang abala sa ginagawang paghihiwalay ng mga bato sa bigas.

Ngumuso ako habang nakatingin sa ginagawa niya. She was holding a bilao. Naka salamin pa si Lola habang tinitingnan ng maiigi ang mga bagay na hinihiwalay niya sa bigas. What do they call this? Hand picking?

"Eat now, Samantha. Tanghali na, wag papalipas ng gutom..." Bilin niya pa.

I just nodded and did what she said. Dumiretso ako sa dining at nakita ko doon ang tatlong katulong na nagliligpit at nagluluto. Tumingin silang lahat sakin at ngumiti. Ngumiti rin naman ako bago naupo, kumuha ng kanin at ang niluto nilang omelette egg.

"Anong gusto mo, jija? Tubig, juice, kape o gatas?" Tanong ng medyo matandang babae. Her smile is so genuine, I suddenly remembered Manang Lila.

"Juice nalang po..." Sagot ko habang titig na titig sa kanya. Sinunod niya ang sinabi ko at maya-maya lang ay naglapag na siya ng juice sa harap ko.

"Ano po ang mga pangalan ninyo?" Tanong ko habang naghihiwa ng omelette at para na din hindi maging awkward.

"Ako po si Ema..." Sagot ng medyo bata. She's thin and she has a bronze color of skin.

"Maria po, ma'am Samantha." Sabi naman ng isang dalaga rin. Morena din siya at maliit ang mukha.

"Ako naman si Yena, ang mayordoma dito." Napangiti agad ako. Tumango ako sa kanilang tatlo.

"You remind me of someone, Nana Yena..." Itinagilid ko ang aking ulo.

Nakita ko naman ang pagngiti niya, mas gumaan ang loob ko.

One Deep Love (Montejo Siblings #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora