RomancePH's Build a Contest

316 7 7
                                    

The Wattpad Filipino Block Party 2021


Build a Contest with WattpadRomancePH

Sa mga followers ng @WattpadRomancePH, hindi na bago ang mga writing contests na buwan-buwang ibinibida sa profile

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa mga followers ng @WattpadRomancePH, hindi na bago ang mga writing contests na buwan-buwang ibinibida sa profile. Kada buwan, isang patimpalak na may kakaibang tema o twist ang inaabangan ng mga talentadong manunulat upang salihan at maipamalas ang kanilang mga talento. Tuwing nakatatanggap kami ng daan-daang mga submission, nabubusog ang aming mga puso sa pagmamahal at pasasalamat para sa inyong lahat. Kaya upang ipakita ito, iniimbitahan namin kayo na tulungan kami sa pagbuo ng panibagong contest na aming iaalay sa inyo.

Simple lamang ang proseso, ang kailangan mo lamang gawin ay bumoto! Gamit ang inline comments, iboto ang aspeto na iyong nais mapabilang sa contest na ito. Ang aspeto na may pinakamaraming komento ang mananalo.


Mga katanungan:

1. Maaari ba akong bumoto ng higit pa sa isang beses?

-Oo! Hindi mahalaga kung limang beses para sa iisang aspeto, o tig-iisang boto sa bawat aspeto ang iyong gawin. Ang aming bibilangin ay ang pinakamaraming boto sa pagsasara ng botohan.

2. Anong dapat kong ikomento para mailagay ito bilang boto?

-Kahit ano! Maaaring isulat mo na, "gusto ko 'to!" o 'di kaya naman, isang random na salita lamang gaya ng, "yay!".

-Pakatandaan lamang na ang mga komentong lalabag sa Content Guidelines at Code of Conduct ay hindi maisasama sa pagbilang.

3. Kailangan bang follower ako ng WattpadRomancePH para makaboto?

-Hindi po! Ang lahat ang welcome na bumoto .


Mga Pagpipilian

Tema:

Heartbreak

New Love

Reconciliation


Lugar:

Concert

Amusement Park

Book Store


Pangunahing Tauhan (1):

Singer

Negosyante

Abogado


Pangunahing Tauhan (2):

Doktor

Florist

Stylist


Mahalagang Bagay:

Kape

Aklat

Ballpen


Magsasara ang botohan kasabay ng pagsasara ng AmbassadorsPH Block Party. Inaasahan namin ang iyong pagboto!

Wattpad Filipino Block Party 2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon