Chapter 2 - Pretty

Start from the beginning
                                    

"Pero kanina nung magkasalubong sila ay hinihingi rin daw ni Kuya Cliff ang mobile number mo."

Doon napatingin si Pretzhel sa pinsan. Dalawang kilay na niya ang nakataas.

"Buti na lang hindi dala ni Brian ang cellphone kaya hindi niya naibigay. Pero sabi ni Kuya ay a-attend na lang daw sila at narito ka naman daw pala," nag-aalalang salita ni Abby.

Tumango siya. Well, mas mabuti iyon kung gano'n. Mas mapapadali ang pag-uumpisa niya ng plano. "Okay lang iyon, Abby."

Ha! Magbabalikan pa yata ang dalawa. At gagawin niya ang lahat para hindi sumaya ang dalawang iyon. Kung noon ay siya ang sinaktan nina Clifford at Brigitte, gagawin naman niya ang lahat para ibalik sa dalawang iyon ang sakit na ibinigay sa kanya noon.

Nagtagis ang ngipin ni Pretzhel. Lintik lang ang walang ganti. Sabi nga, 'Hell hath no fury like a woman scorned'.

And she's not just scorned. She was belittled and trampled upon before. Both of them left a huge dent on her confidence. Good thing she got back up. She took off and started running. And how, it's time for her to win the race. If they thought they broke her, they got another thing coming. They might have won the battle before, but she'll go all out to win this war today.

"Okay. Pero mauunawan ko naman kung gusto mo munang umalis."

Ngumiti siya. Ang pag-alis dito ang huling gusto niyang gawin. Kung pupunta si Clifford dito mamaya ay mas mabuti. Hindi kasasayang ang effort niya sa pamimili ng damit na isusuot. Damit na kinailangan pa niyang itago sa loob ng 3/4 sleeve polo shirt dahil kapag nakita ng kuya niya ay tiyak na hindi siya palalabasin ng bahay.

"Kaya ko na siyang harapin ngayon. At saka magkikita't magkikita kami ni Clifford. Masyado nang matagal na panahon ang pag-iwas ko sa kanya. Panahon na para magharap ulit kami. Don't worry. I can handle myself now. Alam ko na ang dapat kong gawin," puno ng kumpiyansang salita ni Pretzhel.

"Sure ka? Paano kung-" napatigil ito sa pagsasalita. Lumampas ang tingin sa kanya "Si Kuya Cliff," paanas na salita nito.

Bahagyang nanigas ang likod ni Pretzhel kasabay ng biglang pagkabog ng dibdib. Huminga siya nang malalim at kinastigo ang sarili. Ipinaalalang hindi siya dapat maapektuhan sa presensya nito.

Tahimik na itinuloy niya ang skirting.

Bago pa niya nakita si Cliff ay naamoy na muna niya ito. Hindi ito nagbago ng pabango. He still smelled like the forest - fresh with a hint of woody radiance. Manly. Hunky. Inviting. Intoxicating.

Ipinilig niya ang ulo.

Focus, Pret. Focus! Paalala niya sa sarili.

"Good morning, Pretty," bati ni Clifford.

Pretzhel's heart throbbed when she heard him call her that. A scene played in her mind.

"Rose for you, Pret," Clifford murmured as he lead her in the middle of the dance floor.

Pretzhel giggled. "Thank you!"

Kumunot ang noo nito, "Uminom ka? Lasing ka ba?"

Sunod-sunod siyang umiling, "Hindi. Dalawang tagay lang. Pampalakas ng loob para hindi ako mahiyang makasayaw ka."

Umiling si Clifford, bakas ang disapproval sa mga mata. Makalipas ang ilang sandali ay muli iyong nagsalita. "Thank you for selecting me as your last dance, Pret. But you know what this symbolizes, right?"

"Of course, Clifford. Kung hindi ikaw ang last dance ko ay hindi na lang ako magpa-party. And I know what this symbolizes. You are the special man of my life. The man that I will willingly offer my all. My heart. My body. My soul. Pero alam mo naman na iyon, di ba? And I am of legal age na. Pwede mo na akong ligawan." Pretzhel grinned.

MISSION 3: Claiming YouWhere stories live. Discover now