"Bakit?" nag-angat siya ng kilay, napansin siguro ang paninitig ko.

I smirked before shaking my head.

"Ang guwapo mo," 

Lumambot ang ekspresyon niya. Nginitian niya ako at hinigpitan ang hawak sa aking kamay. Sabay kaming pumasok sa toy store habang magkahawak-kamay.

"I'm buying for Scott and Kia as well. Bring your niece tomorrow, huh. Mag-eenjoy yun dahil naroon ang mga inaanak ko, for sure." I told him.

Tumango-tango siya. Ako ang pumili ng maibibigay ko kina Keila at Kia habang pinapili ko naman siya para kay Scott. 

"Hi Sir," the cashier.

Naningkit kaagad ang mata ko. Sa tono palang, alam ko na agad eh. Call me judgmental, I don't care. I just know.

"Hello," Vince answered in a friendly tone.

Habang inilalapag niya ang mga laruan sa counter, nakita ko kung papaano humagikhik ang cashier at namula. Si Vince naman ay mukhang walang pakialam. I rolled my eyes. Although it's slightly irritating, naiintindihan ko naman. My man is gorgeous, every girl will like him.

"Hey, let me pay it." awat ko sa kanya nang makitang naglabas siya ng isang itim na card.

Sinulyapan niya ako. Ang mata niya'y nasa'kin habang ang kamay niya naman ay iniaabot na ang card sa cashier.

"Ako na, Miss."

Ngumuso ako at wala naring nagawa nang mahimigan ang kaseryosohan ng boses niya.

Pagkatapos namin sa toy store, we headed towards an Italian resto located inside the mall to have our early dinner there.

"May gagawin ka ba next week?" kaswal niyang tanong.

Nasa sasakyan niya na kami ngayon dahil tapos nang kumain. He's driving while I'm beside him, hugging the bouquet he gave me. Nasa backseat ang mga pinamili namin kanina.

"Next week? Wala naman masyado. Just work. Why?"

"I'm going back to Isla Verde. Gusto sana kitang isama."

My eyes widened. Agad akong nasabik matapos siyang marinig.

"Sige, sama ako! What are we gonna do there? Vacation?" 

Sinulyapan niya ako at nginitian.

"Ipinaparenovate ko ang bahay, gusto kong bisitahin. Next week narin kase ang schedule of relief distribution kaya gusto kong pumunta." paliwanag niya.

"Hindi pala natigil ang pamimigay mo ng ayuda sa mga taga-isla?" nagtataka kong tanong.

"Hindi naman. Bakit mo naitanong?"

"Nagpunta kase ako sa isla two years ago, hindi ko na kayo nadatnan doon ni Esmeralda. Kaya akala ko pagkaalis niyo, natigil narin ang relief distribution."

Isang araw lang ako roon kase hindi ko na talaga sila nakita pa. Nalungkot talaga ako.

"Kahit nasa malayo, sinikap ko parin namang makatulong. Hindi na nga lang ako nakabisita kaya ipinapadala ko nalang."

Kahit nasa malayo?

So he indeed left Isla Verde, huh?

Kumunot ang noo ko at agad na nakabuo ng tanong. Inilapag ko sa aking kandungan ang bulaklak at binakante ang aking kaliwang kamay para mahawakan ni Vince. I smiled a bit as I watch his fingers owning mine.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon