Tumingin siya sa sapatos niya and he shrugs only.

"Hindi naman basta-basta masisira agad iyan."

Huminto kami sa bilihan ng isda at pinagtitinginan naman si Leon.

"Mirus, Leon? Kumain muna kayo dahil marami pa akong bibilhin." sabi ni Mommy.

"Yes, Mrs. Miracle." Tumango naman si Leon.

"Tawagin mo akong Tita!" Mom exclaims.

"Pasensya na, Mrs— Tita." Bigla siyang nautal.

"Nagpapabata ka na naman Mom." I laughed.

Pinaalis na kami dito at talagang pinagtitinginan kami ni Leon. Napatingin ako sakanya with his usual expression kaya napailing na lang ako.

Feel na feel naman niya.

"May nakita akong mga stall banda dito. Wait, kumakain ka ba ng street foods?" Ginaya niya ang tono ko kanina when I asked him earlier.

"Dapat ayan ang tinatanong ko sa 'yo." I pouted.

Ngumiti siya sa akin and he grabs my wrist papunta sa sinasabi niya.

Kung makangiti wagas, feel na feel ang kagwapuhan niya.

Kumakain si Leon ng isaw at ako naman ay Calamares na madaming sibuyas at suka.

Talagang inikot namin ang buong stall at panay kain lang ang ginawa namin. Ngayon ay kumakain kami dito sa harap ng halo-halo pati sa banana cue stall.

"Grabe, hindi ko alam kung ano kakainin ko." Hindi ko rin naintindihan ang sinabi ko dahil puno ang bunganga ko ng pagkain.

"Eat slowly."

Binaba muna ni Leon ang pagkain niya at tinanggal niya ang coat niya. Napatalikod ako dahil maganda ang mga design sa mga paligid at nakakaagaw pansin din.

Naramdaman ko na niyakap ako ni Leon kaya nagulat ako sa ginawa niya. Talagang sinandal niya ang mukha niya sa kaliwang balikat ko.

"A-ano ginagawa mo?" I gasped.

"Your body drew the attention of a few men." sabi niya.

I'm wearing a denim shorts dahil ayaw ko mag pantalon, mainit sa pinas.

He kneel his left knee in front of me dahil nilagay niya ang coat sa waist ko para takpan ang hita ko. Hindi niya tinali sa harap ang coat, he tied it to my right waist para fully covered.

"There." At tinignan niya ang kabuuan ko.

Tinutulungan ko siyang ubusin ang halo-halo niya while he's busy rolling up his sleeve to his elbow.

Napatingin ako sa kamay niya, maugat ang braso niya pero 'yung tama lang lalo na sa kamay. Yeah, attractive lalo na at maputi pa si Leon.

"Gentleman, huh? Anyway, thanks. Balik ko na lang kapag nalabahan ko na." Nginitian ko siya.

"Anytime." Then, he ruined my hair.

Mamaya ka sa 'kin!

"Tara baka hinahanap na tayo—"

"Bili muna tayo ng Adobong Isaw, the manok one. Favorite kasi nila Kuya 'yon e." I bit my lower lip.

Bumalik ulit kami sa pinagbilhan namin kanina and I bought ten orders dahil mag-aaway kami mamaya nila Kuya kapag nagkaubusan na.

Bumalik na kami kay Mommy at mabilis ang lakad namin habang hawak ni Leon ang kamay ko.

Nakita namin si Mommy na bumibili sa gulayan at tumulong naman kami ni Leon dahil madami nga siyang pinamili.

Constellation of Love Season 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon