Isang linggo na ang nakalipas simula ng magkasakit si Xander. Nang umaga ding yon ay nakauwi na ko. Naghahanda na rin kasi sila sa Battle of the bands na gaganapin next month. At si Xander ang vocalist nila. Ako naman? Wala naman ganong nagbago aside sa pagiging representative ko sa upcoming pageant dito sa school. Feeling ko nga hindi ko naman kaya.
Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon at naghahandang pumasok.
"Iris yung gown mo ako na bahala ha? Excited na talaga ko!" Grabe ang masyado syang excited no?
"Bryan naman! Kahit wag na alam ko namang hindi ako mananalo don" sabi ko. Totoo naman kasi. Mas maganda si Louisse at ung iba pang mga representative.
"Hay! Kaya hindi ka nagiging kasing beauty ko e. Kulang ka sa confidence" reklamo nya.
"Eh ikaw kasi hindi naman confidence tawag dyan. Kapal ng muka!" Asar ko.
Sumama naman bigla ang tingin nya sakin.
"Grabe ha! Grabe" sabi nya na lang.
"Ano gravy? Asan?" Bara ko sa kanya.
"Ugh! Ang sama sama mo talaga" sabi nya sabay walk out.
Tignan mo yon palagi na lang nagwawalk out. Pikon tss.
Sinuklay ko na lang ang buhok ko tsaka ko kinuha ang bag ko. Namimiss ko na sila Em. Ang huling text kasi nya sakin pupunta daw sila sa probinsya nila.
"Ano ba! Antagal mo" reklamo ng bakla.
Inirapan ko na lang tsaka ko sumakay sa kotse. Sana pumasok na sila Em.
----------
Pagdating na pagdating ko sa school agad akong dumiretso sa locker ko.
Nadaanan ko pa sila Louisse at ang mga alipores nya na naguusap. Ni hindi man lang ako hinarang. Nakahinga naman ako ng maluwag. Siguro napagod na sila sa araw araw na pagirap at pagharang sakin.
Nang buksan ko ang locker ko halos himatayin ako sa dami ng ipis, daga at palaka nito.
"AHHHHHHHHH!" napatakbo ako sa takot. Nakita ko namang pinagtatawanan ako nila Louisse at ng mga tao sa hallway.
Hindi ako makahinga. Napaupo nalang ako sa hagdan ng bigla ako makaramdam ng kakaiba. Parang... parang ...
"AHHHHHH IPIS!!!!" Sigaw ko. Nagtatatalon ako sa takot. Kung kanina hindi ako makahinga mas lalo ngayon dahil nasasabayan pa ng pagiyak ko.
Bigla nalang ako nahilo. Unti unting nagdilim ang paningin ko at hindi ko alam ang nagyayari. Naririnig ko na lamang ang mga sigawan.
Unknown's P.O.V
Nakita ko na lang si Iris na nanghihina at iyak ng iyak pero ang mas kinagulat ko ay nang makita ko sya himatayin. Agad kong sinigawan lahat ng tao na nagtatawan.
"MGA G*GO BA KAYO? NAKITA NYO NG HINIMATAY TAWA PARIN KAYO NG TAWA. PWES SASABIHIN KO SA INYO. WALANG NAKAKATAWA MAGSITAHIMIK KAYO O IPAPAOFFICE KO KAYONG LAHAT!" sigaw ko.
Nagsitahimik naman sila. Agad kong nilapitan si Iris at binuhat para dalhin sa clinic. Ayokong nakikita syang nasasaktan. Ayokong makitang umiiyak sya ng paulit ulit.
"Ano nangyari?" Tanong ni Ate Beth sakin.
"Ate Beth hinimatay po si Iris dahil sa sobrang takot."
"Sige sige. Ilapag mo sa kama malapit doon" sabay turo nya sa pinakamalapit na kama sa mesa nya.
Tinignan nya ito at sinuri.
"Ok lang sya. Masyado lang natakot. Pagpahingahin mo na muna"
"Sige po Ate Beth thank you po" sabi ko sabay upo sa tabi ni Iris.
Nanahimik lang ako doon at pinagmasdan ang maamo nyang muka. Kahit anong gawin kong pagkalimot sa nararamdaman ko sa kanya hindi ko magawa. Ano ba kasing ginawa mo sakin?
Pinilit kong hindi umiyak. Bakla man pakinggan pero nasasaktan din ako. Masakit din para sakin to. Dahil alam kong may mahal na syang iba.
Alam kong masaya na sya sa piling ng iba. Pero hindi kita iiwanan.. hinding hindi. Pangako.
Irisian's P.O.V
Nagising ako ng makita ko sa tabi ko si Dom. Nakauwi na sila? Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Pero ng maalala ko ang nangyari kanina unti unting nalukot ang muka ko. Bakit ba ako na lang ang lagi nilang nakikita?
"Gising kana pala!" Masiglang sabi ni Dom.
"Oo. Kailan pa kayo nakauwi?" Tanong ko.
"Kagabi pa. Pagod si Em kaya hindi na nakapagtext sayo" Sabi nya. Napatango naman ako.
"Ah. Eh nasan si Em?" Tanong ko.
"Bumili lang ng pagkain mo" sabi nya.
Tahimik lang ako tumango tsaka inisip ang mga nangyari. Hindi ba talaga nila ko titigilan? Ano bang kasalanan ko.
"Hush..." sabi ni Dom habang pinupunasan ang luha ko. Palagi na lang akong mahina. Palagi nalang ako minamaliit.
"Dom bakit ganon? Diba mabait naman ako? Ok naman ako diba? Pero bakit palagi nila kong tinitignan na parang lahat na ng lalaki sa mundo nilalandi ko? Bakit kung tignan nila ko para kong may sakit? Nagsasakripisyo na nga ko para kay Xander diba? Para sa relasyon nila ni Louisse. Ako dapat yung nasa posisyon nya e. Ako dapat na bestfriend. Pero ano? Nagtitiis ako sa ngitian, kindatan namin?" Litanya ko habang patuloy sa pagtulo ang aking mga luha.
"Shh. Andito ako. Kung ikaw nagsasakripisyo para sa kanila , ako ang magsasakripisyo para sayo." Sabi ni Dom.
Niyakap ko sya ng sobrang higpit.
"Salamat. Salamat ng sobra" sabi ko. Kung wala siguro sila baka kinain na ko ng takot. Baka wala na ko ngayon sa eskwelahan na to.
"Andito lang ako. Ill be your light" tahan sakin ni Dom.
Tumango ako. Maya maya ng matigil na ko sa pagiyak. Dumating si Em dala dala ung mga pagkain.
"Ano? Kain?" Masigla nyang bati.
Tumawa nalang si Dom.
"Hindi kain. Lamon" sabi nya sabay pisil sa kamay kong kahawak ng kamay nya ngayon.
Buti pa sila andito para sakin. Xander kailan mo ba ko maaalala? Kailan mo ba ko aalagaan gaya ng ginagawa nila?
-----------
A/n:
WAZZZUUUUPPPP! HAHAHAHAH. Eto na ang promise update ko kasi 4k na sya. OMG! Special chapter will be posted maybe kapag madami ng nagtanong a'right? Labyu all.
XxsmlxX
glittersglim
YOU ARE READING
B.B.F (Boy BestFriend or Best BoyFriend)
Teen Fiction"A boy and a girl can be just friends but eventually one of them will fall for the other. Maybe temporary, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe just maybe FOREVER" ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Copyrights @glittersglim (credits for the st...
