"Hindi ko siya inaagaw. Unang una pa lang akin na siya. Alam mo 'yan. Kinekwento ko siya sainyo, Blake! 'Wag ka namang talo talo!"

"Sabihin mo ng talo talo ako! Wala akong pakealam! Akin na siya. Kasalanan ko bang iniwan mo siya?! Tanga ka. Alam mo 'yun?! Napakatanga mo!"

"Gago! Magkakaibigan tayo! Ganiyan kaba?! Talo talo! Hindi ka totoong kaibigan!"

"Sa pagkakatanda ko, hindi ko naging kaibigan ang isang katulad mo."

"Tama na please." Pagmamakaawa ko habang umiiyak.

Nasa tabi ko na ngayon sila Jai at inaalo ako. Tinignan ako ni Blake at Kurt at lumapit sakin si Blake.

"Shh, stop crying, baby. I'm sorry." Aniya.

Lalapit na sana si Kurt pero nakita kong binulungan siya ni Ian.

Kumuyom ang kamao niya at umigting ang bagang niya bago magsalita.

"Hindi pa tayo tapos, Garcia." Aniya at akmang lalabas na ng bumukas ang pinto.

Nakita ko doon ang dalawa kong kapatid at si Ate Love.

"Kylie? Anong nangyari?" Nagaalalang tanong sakin ni Ate at tumakbo papunta saakin upang patahanin ako.

Hindi ako umimik. Hindi ko kayang magsalita dahil iyak pa din ako ng iyak.

"Ikaw? Tangina. Bakit bumalik ka nanaman, ha?" Galit na sigaw ni Kuya kay Kurt.

"I just want your sister be mine again."

Tumawa si Kuya ng sarkastiko. "Be yours again? Pinagloloko mo ba kami? You've been in a relationship with Lovely for how many months!"

"It's just a relationshit! Hindi ako naging masaya dahil gusto ko si Kylie! Gusto kong siya ang gumagawa ng mga sweet na bagay na ginagawa sakin ni Lovely noon! Gusto ko siya!"

"Fuck it! Niloko mo si Lovely! Pinaniwala mo siyang mahal mo siya! Pinaniwala mo siyang siya lang!"

"Then tanga siya! Tanga siya kasi naniwala siya na mahal ko siya kahit ang totoo ay hindi. Hinding hindi dahil laging si Kylie ang mamahalin ko. Siya la--"

Malutong na sampal ang natanggap ni Kurt kaya't napahawak siya sa pisngi niya.

"Oo na! Alam ko ng hindi mo ko sineryoso! Na hindi mo ko kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo kay Kylie! Pero putangina naman! Pwede bang 'wag mo ng ipamukha sakin? Masakit kasi e! Sobra!" Umiiyak na sabi sakaniya ni Ate Love.

Tumayo naman si Ericka at Ara at nilapitan si Ate Love upang aluhin.

"Alam ko naman e! Alam kong hinding hindi magiging ako ang mahal mo! Alam ko. And I'm so stupid to let myself in that situation! I'm so stupid to love a user like you! So damn stupid!" Ani Ate Love at humagulgol na.

"Hindi ko sinabing mahalin mo ko ng sobra sobra. Hindi ko sinabing ibuhos mo lahat."

"Bakit mo siya niligawan kung hindi mo pala siya mahal?"

Humingang malalim si Kurt at tumingin saakin. Hinawakan naman ng mahigpit ni Blake ang kamay ko.

"Gaya nga ng sinabi niya, I'm a user. Ginamit ko lang siya para makamove-on kay Kylie. Pero hindi, hindi ko pala kaya."

Para akong nanlambot para kay Ate Love. Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Kurt kahit hindi iyon para sakin. Nasasaktan ako para kay Ate Love.

Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Blake sa kamay ko at sinugod si Kurt at pinaghahampas siya.

"Hayup ka! Manloloko ka! Napakamanloloko mo. Hindi ka karapatdapat para kay Ate Love!"

Tuloy lang ang paghampas ko sakaniya ng maramdaman kong may humahawak na sakin.

"Baby, tama na."

Umambang susuntukin ni Kuya si Kurt ngunit napigilan siya nila John.

"A guy like you deserves a love from no one."

Ngumisi si Kurt kay Kuya.

"Bakit mo ba pinagtatanggol 'yang babaeng 'yan? Mahal mo ba siya? Pwes, sayo na. Sayong sayo na siya dahil hinding hindi ko siya aagawin sayo."

Kumawala si Ate Love sa yakap nila Ericka at tumapat kay Kurt.

"Ang tanga ko no? Dahil minahal kita. I assumed, Kurt. Sayo na 'yan." Sabi ni Ate Love at tinanggal ang kwintas. "Salamat sa mga kasinungalingan na sinasabi mo saakin. Salamat dahil pinafall mo ko. Salamat dahil pinasaya mo ako gamit 'yang mga kasinungalingan mo. Salamat, dahil hinayaan mo akong mahulog sayo at kahit kailan hindi mo ko sinalo. Maraming salamat! At sorry ha? Kung nasasakal kana saakin noon. Mahal na mahal kasi kita to the point na bawat galaw mo gusto kong malaman makasigurado lang na wala kang nilalanding iba! Fuck shit. Mali na pala ang maging possessive kapag mahal na mahal mo 'yung tao." Aniya at tumalikod na para tumakbo paalis.

"Umalis kana." Sabi ni Kuya kay Kurt.

Binangga ni Kurt si Blake bago pa man siya makaalis.

Hinawakan ko si Blake sa kamay at pinakalma siya. Niyakap niya naman ako bigla.

"Please, akin ka lang. 'Wag mo kong iiwan kahit anong mangyari. 'Wag mo kong iiwan, baby. Please." Pagmamakaawa niya.

Ngumiti ako. "Hinding hindi mangyayari 'yun. I promise."

Campus QueenWhere stories live. Discover now