PART46:TRUTHAGAINSTLIE

6 2 0
                                    

ZEYRON POV.

Narito ako sa dati naming bahay ni Zeon.Nasa kwarto kong saan ako na mamalagi pag narito ako.Nakaharap ako sa computer ko at malinis na sinusulosyunan ang problema ng kompanya namin.Hindi ito alam ni Mama.Dahil ang lugar na ito ay nagmistulang secret place para saamin ng kapatid ko.

"Ang dami palang problema ng kompanya.Bakit ba naman nakikisabay pa ito gayong na wawala pa si Zeon." sabi ko sa sarili ko.

Lahat ng files ng kompanya ay binuklat ko .Manging ang mga dating stock holders ng kompanya ay inalam ko.Wala namang kahinahinala sa kanilang lahat.

Binuklat ko ang isang brown envelope na nag lalaman ng mga importatnteng bagay tungkol sa kompanya.Napatigil ako sa pagbuklat sa envelope ng may maramdaman ako isang bagay na nakaumbok.Agad ko itong kinuha.

" USB...Bakit may USB dito?" tanong ko sa sarili ko.

Agad ko naman itong isinaksak sa laptop na gamit ko.Agad akong nagtungo sa files ng drive.

"Ze&Zey Group of Company" Basa ko sa isang title ng document.I click it para maopen.Nag antay muna ako ng ilang segundo bago ito na buksan .

" Last Will...Anong katangahan to."

Nakapaloob rito sa dokomento ang last will ni Papa.Nakasaad rito na ang 90% ng kayamanan at kompanya ay nakapangalan kay Zeon.At ang 5% ay kay Mama habang ang 5% Pa ay saakin nakapangalan .Sa kadahilanang ako'y nawawala at hindi pa makita.Kung siya man ay mamatay lahat ng kapangyarihan niya ay mapupunta kay Zeon.Pag bumagsak naman ang kompanya at hindi makabangon.Si Zeon ay magpapakasal sa anak ni Servy Sandoval nasi Destiny Sandoval.Upang matulongan ang pagbangon muli ng kompanya.Walang sinuman ang maaaring makapagpabangon muli ng kompanya ng Ze&Zey Group of Company kundi si Zeon Daniel Acuzar lamang.

Agad na nagngingit ang bangang ko sa galit.Alam kong alam ito ni Mama.Pero bakit niya ako ipinagpipilitan .Nakakainis.Alam niyang ang tanging kasagutan sa lahat ng ito ay ang kapatid ko pero bakit napakamakasarili niya.Wala talaga syang puso.Hindi ko talaga alam kong bakit ko sya naging ina.Sa lahat ng tinatamasang kayamanan at karangraan ay hindi sa kanya.Pero pilit niyang inaangkin at baka pa niya akong idamay roon.Nakakainis na kakagalit ang ugaling meron ang aking ina .

Tumayo ako sa aking study table rito sa loob ng kwarto .Buo na ang desisyon ko kailangan kong makita si Zeon sa madaling panahon upang maiangat ang kompanya at mapasakanya ang nararapat na kayamang kanya naman talaga .

"Kailangan kitang mahanap Zeon ..please lang mapahanap ka na saamin..." Turan ko sa sarili ko.

Napabalik naman ako sa ulirat ng biglang tumunog ang aking cellphone .Nang makita kong si Shane ito ay agad ko nangsinagut ang tawag.

" Hello..." Balakatak na sabi nito sa kabilang linya.

" Hello...napatawag ka Shane" bati ko rito.Grabe ang sakit niya sa taenga.Paano kaya ito na pag shashagaan ni Destiny at Zeon.


"Congratulations Kuya Zey...ikakasal ka na pala kay Ace Congratulations ulit" Turan ni Shane sa kabilang linya.Nagtaka naman ako sa sinabi nito.

" Saan mo naman na laman yan?" nalilitong turan ko.Sa pagkakaalam ko wala pa akong pinagsasabihan.Ngayon ko nga lang na laman na ikakasal kami ni Destiny..ay sila pala ni Zeon dahil sya ang totoong tagapagmana ng lahat ng ito.

" Ayyy..Kuya Zey...magwatch ka ng tv...ibinabalita ngayon sa buong mundo ang pag sasanib pwersa ng dalaqang nag lalakihang kumpanya sa Asia....Napaka un---" Hindi ko na siya pinatapos mag salita at agad na bumaba ng kwarto upang magtungo sa salas upang buhayin ang tv.

" Totoo po bang ikakasal na nag nagiisa ninyong anak na babae na si Ms.Destiny Sandoval sa nag iisang anak ng Ze&Zey Group of Company? Totoo rin po ba na matagal siyang nawala ako nakuha ng sindikato sa inyo?." Tanong ng isang reporter kay Tito Servy.

Huminga muna si Tito ng malalim .Bago ito sumagot.

"Totoo ang lahat ng iyon...Ang anak ko ay magpapakasal kay Zeyron Nathaniel Acuzar na anak ng may ari ng Ze&Zey Group of Company.At Totoo na dating nawala ang anak ko sa amin.Pero ngayon ay bumalik na ito." Sagot ni Tito sa tanong ng reporter.

" Ano po ang naging reaksyon ninyo para ri--" hindi ko na tinapos pa ang mga sinasabi nila at agad na umalis .Hindi na ako nagabala pang patayin ang tv.Kailangan kong kumilos. At mag ingat siguradong nakaabang na ang media saakin upang makuhanan ako ng statement sa mga nangyayari.At sigurado din akong nakaabang na ang mga kalaban ng mga negosyo ng magkabilang panig

Dilikado buhay ko nito...Sigurado ako.

ME and the GIRLS(COMPLETED)Where stories live. Discover now