Kumunot naman ang noo niya. “Hindi mo ba narinig? Ang sabi ko! Naghahamon ka na naman ng away!? Puro ka na lang away! Wala kang itinulong kala tita mommy,” galit niyang sabi.

Eh? may naitutulong kaya ako. Kumain, mag saing, makipag–wala pala.

Eh, ano naman? Meron kaya. . .” bulong ko sa huli.

Anong meron? Na ano lumamon?!” natatawa niyang sabi at nagsitawanan ang lahat.

Napanguso naman ako, “kapatid mo naman,” sabi ko sakaniya napatigil siya sa pagtawa at tumingin sa'kin.

Ano? Kapatid? Pfftt! Nagpapatawa ka ba? Kase kung Oo? Hindi. naasar ako. Wala akong. Kapatid. Na. Pabigat. Sa. Buhay,” madidiin niyang sabi at matalim naka tingin sa'kin rinig ko ang tawa ng iba.

Inikot ko ang paningin ko at nahagilap nang mata ko ang mga ka section ko. Napakagat nalang ako ng ibabang labi at yumuko.

Alam ko. Kaylan mo ba ako tinuri na kapatid? Hindi 'di ba? Tinuruan mo lang ako mag-aral pero may halong insulto...

Huminga ako ng malalim, “Ganon? Kung ganon ang tingin mo sa'kin? Pero sabi ni Tita kapatid kita. . .” mahina kong sabi.

Hahaha! tapos naniwala ka? Masyado ka pauto. Hinding-hindi kita magiging kapatid. alam mo bakit?” tanong niya.

Ayaw niya ata ako maging sibling check!

Bakit?” taka kong tanong.

Kasi hindi ikaw ang kapatid ko,” saad niya at lumapit sa tenga ko “kasi anak ka lang sa pagkakamali,” seryoso niyang sabi at lumakad paalis.

Lumandas naman ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan, pinunasan ko 'to at huminga nang malalim.

Siguro galit lang siya kaya nasabi niya 'yon, tama. Sabi ni tita...

"Galit lang ang kuya mo, pero huwag mo paniwalain ang mga sinasabi niya. Dahil pag galit siya kung ano-ano sinasabi"

Tumango lang ako no'n. Sa totoo lang naguguluhan na ako, kung ano ba talaga ang totoo, bakit kasi galit sa 'kin si Jaysie? Ano ba ginawa ko.

Pati ano sabi niya kanina?

"Kasi hindi ikaw ang kapatid ko."

Hahaha ang galing mo talaga magpatawa Jays, dahil ako lang naman ang kapatid mo. Ako nga lang ba? Baka naman may iba pa? Oh niloloko lang niya ako o, pinapahiya para masaktan ako?

Kasi kung Oo? panalo na siya.

Lumabas na rin ako dala ang pagkain ko nag bubulungan pa ang mga tao, may nakangisi at masama ang tingin sa'kin.

Heyy! Bitch!! I'll make sure you can't enter here again tomorrow!!” biglang sabi ng babae nakaaway ko.

Edi h'wag!

wala ako pake magbabaon na lang ako ng pagkain bukas, madamot itong school na ito pati ako pinagdadamutan tsk.

Ano ba kase kasalanan ng SGL?! Naalala ko si ishang nag-aral siya dito two years ago. Mag tanong kaya ako sakaniya? pero hindi naman niya sagutin nang maayos gf pa naman siya ni Jaysie. tsk!

Lumakad na ako nilampasan ko ang mga kaklase ko. Actually, hindi sila lahat kaunti lang sila. Andito na ako sa tapat ng room pero pumunta ako sa first room na abandonado, kumuha ako ng upuan at umupo doon bago kumain.

Habang nakain ako. I saw my classmates, papunta sila sa classroom pero nakita ako ni Jp at tinaasan ng kilay kaya tinasaan ko rin siya ng kilay.

Inirapan ko siya at kumain na lang lumapit siya sa'kin habang naniningkit ang mata.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon