Chapter 41

1.9K 59 7
                                    

Lyka POV

hindi ko alam kung dapat pa ba akong lumapit kay phoenix ngayon, wala akong lakas na lumapit sa kaniya ngayon.

sinamahan ako nila Eloise at jamie ngayon dito sa likod ng hospital, dito ako dinala ng mga paa ko.

nag-tagal din kami ng dalawang oras dito bago ako tuluyang kumalma, pinahid ko ang luha sa mata ko saka tumayo kaya na patayo din sila.

"s-salamat"

sabi ko habang pinupunasan ang luha ko, madaling araw na din at alam ko na kailangan na din nila umuwi para makapagpahinga.

"k-kaya ko na ang sarili ko, sige na umuwi na kayo. Alam kong pagod din kayo" dugtong ko.

"pero hindi ka naman namin magagawang iwan dito-"

"kaya ko na, may pupuntahan ka pa mamaya diba? kailangan mo din magpahinga at ayoko naman na makabaala pa sa inyo" pagputol ko sa sinasabi ni Eloise.

"are you sure that you can handle yourself now?" tanong naman ni jamie kaya na patango ako sa kaniya bilang sagot.

magsasalita pa sana si eloise ng pinigilan siya ni jamie.

"okay if you said so" sabi ni eloise saka na pairap pa.

"mauuna na kami, tawagan mo nalang kami kung may iba ka pang kailangan"

paalam ni jamie kaya na patango nalang ako sa kaniya, yinakap ko pa sila bago ako tuluyang naglakad palayo sa kanila.

paniguradong tulog na si phoenix ngayon at wala na din sila ate rhea dahil may oras ang pagdalaw ng mga pasiyente dito.

malapit ng mag-alas dos ng umaga, ng makapasok na ako sa loob ay agad akong sumakay sa loob ng elevator.

gusto kong tignan si phoenix bago ako umalis, na kapag-isip isip na din ako kanina at balak ko ng hiwalayan si phoenix.

dahil hangga't na katali siya sa akin ay lalo lang siya madadamay sa gulo ng pamilya ko, alam kong hindi madali ang gagawin ko pero kung ito lang ang tanging paraan para hindi na siya idamay pa ng pamilya ko ay gagawin ko.

hindi ko naman maitatanggi na naging malapit na din ako sa kaniya pero kung may isang bagay man na hindi pa malinaw sa akin ngayon ay yun ang nararamdaman ko para sa kaniya.

na guguluhan pa din ako hanggang ngayon pero ng na kita ko siya kanina na may tama ng bala ay doon lang naging malinaw para sa akin kung ano nga ba ang nararamdaman ko.

biglang nanlabo ang paningin ko dahil sa luha sa mga mata ko kaya na pakagat nalang ako sa labi ko para pigilan ang pag-iyak ko.

na patigil ako ng bumukas na ang pinto ng elevator kaya pinahid ko na agad ang luha sa mata ko saka naglakad na palabas.

sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon at para din akong dinudurog ng paulit-ulit pero kailangan ko ng gawin ito.

isa lang lyka...

isang sulyap lang sa kaniya bago ka umalis....

ng tumigil na ako sa tapat ng pinto ng kuwarto niya ay huminga muna ako ng malalim bago tuluyan iyon binuksan.

naglakad na ako papasok sa loob at maingat ko isinara ang pinto para hindi siya magising, ng tinignan ko ay na kita kong wala ng iba pang tao dito bukod kay phoenix.

ng masigurado ko na wala ng iba pa dito ay maingat akong humakbang palapit kay phoenix na ngayon ay mahimbing na natutulog.

ng makatigil na ako ay muli kong tinitigan ang buong mukha ni phoenix, hindi ko alam kung dapat pa ba namin ituloy ito.

The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)Where stories live. Discover now