Huminga ako nang malalim at diretso siyang tinitigan sa mga mata. He stated back at me, his brown eyes were too focused as if he's ready to listen whatever I'm going to say. Para bang handa siyang tanggapin at pakinggan ano man ang sasabihin ko.

"Sa nakikita ko sa'yo, Gabriel, ikaw ang klase ng tao na hindi takot tumanggap ng pagkakamali. The reason why you're not offended whenever I tried to correct you is because you're open-minded. You created a room in your heart where you can improve yourself."

Hindi siya sumagot kaagad. Tinitigan niya lang ako, tila naghahanap pa ng isasagot sa akin.

"I'm willing to be corrected in any way if it's you who's going to do—"

"Welcome to Belleza House of Steak!"

Hindi ko na naintindihan pa ang sinabing iyon ni Gabriel nang matabunan siya ng boses ng isa sa mga waiter ng restaurant. Lumingon ako sa main entrance at tiningnan kung sino ang pumasok roon.

My eyes blinked twice when I saw the menacing and dangerous Hellios. Sa paraan pa lang ng pag-hakbang niya papasok, masasabing siya ang tipo ng lalaki na hindi puwedeng banggain nino man. His aura screams power and authority. Diretso ang tingin niya, bahagyang salubong ang makakapal na kilay. Like Gabriel, he's also wearing a dress shirt only that his was in the shade of black — his favorite color, I guess.

Kung hindi pa siya umakbay sa isang babae sa tabi niya, hindi ko pa malalaman na may kasama pala siya. When I looked at the woman beside him, I noticed that just like Hellios, she got tattoo on her skin. I'm sure that she's not Florence. Kumpara doon, mas maganda ang kasama niya ngayon at mukhang mataray.

Forgive me Lord for I have judged someone without basis.

Girlfriend niya? Akala ko si Florence ang nobya niya? Bakit iba ang kasama niya ngayon? Kung mayroon mang pagkakatulad si Florence at ang babaeng kasama ni Hellios ngayon, iyon ay ang parehas silang may mga tattoo sa balat.

"Is that my cousin?" I heard Gabriel ask.

Nilingon ko siya at nakitang sa direksyon rin sila nina Hellios nakatingin. Bago pa ako makasagot ay tinawag niya na ito.

"Samael!"

Hindi kaagad ako nakagalaw. Pakiramdam ko, sa mga sandaling ito ay may madidilim na mga mata ang nakatingin sa amin.

"Uy, si Gabriel!" Boses 'yon ng babae.

I breathed a sigh for I suddenly felt uncomfortable for some reason. Nang tumingin ako sa gilid ay naabutan ko na roon si Hellios at ang babaeng kasama niya. Hellios eyes were already anchored on me. They're intense and perilous. Tipid akong ngumiti sa kaniya pero hindi siya ngumiti pabalik. Tila siya iritado dahil medyo busangot ang mukha niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng kaunting pagkapahiya.

"Hi, Gab! Long time no see." sabi nung babae saka tumingin sa akin.

"Likewise, Thali. Kailan ka pa nakauwi? Don't tell me you and Samael went home together?"

Hindi napuknat ang tingin sa akin nung tinawag ni Gabriel na Thali. Her green eyes even narrowed into slits as she looked at Hellios. Kaya lang, sa akin nakatingin si Hellios na tila ba ako lang ang nakikita.

Galit ba siya?

Kaagad rin namang nagbawi si Thali ng tingin at tiningnan si Gabriel.

"We did! Anyway, you may want to introduce me with your date?"

Gabriel chuckled. "Oh, this is—"

"Ma'am Chloe, excuse me po. May tawag po mula sa Papa n'yo. Gusto daw po kayong kausapin ngayon." Sumipot bigla ang isang staff sa gilid ko para sabihin 'yon.

Tumango ako. "Pupunta na ako. Thank you."

Maingat akong tumayo mula sa upuan ko saka tumungo kay Gabriel at sa gawi nina Hellios at Thalia.

"Excuse me for the mean time, Gabriel. I have to talk to my parents," I said before facing Thalia's direction. "Excuse me, Ma'am."

Tiningnan ko si Hellios, naabutan ko pa rin siyang nakatitig sa akin. Ngumiti ako at kaagad na rin umalis sa direksyon nila. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may mabigat na kung ano sa dibdib ko. Hindi ko rin matukoy dahil hindi naman ako sigurado.

Tumagal nang ilang sandali ang naging usapan namin ni Papa tungkol sa restaurant. Kaya naman nang bumalik ako kay Gabriel ay halos paubos na rin ang pagkain niya.

"Sorry, Gabriel. Medyo napahaba ang usapan namin ni Papa." paumanhin ko nang makaupo pabalik sa pwesto namin.

"No, it's alright. Actually I have to leave now for there's an emergency meeting at the office. I hope you don't mind."

Umiling ako. "No problem. Don't pay the bill for these. Libre ko na dahil nakakahiya at hindi rin kita nasamahan kumain."

He wiped his lips using his table napkin and shook his head. "I won't let you. Alam kong ikaw ang may-ari nito pero hindi mo ako kailangan i-libre."

Natigilan ako. Bakit pakiramdam ko ay nainsulto siya sa sinabi ko?

"Wala akong ibang ibig sabihin, Gabriel."

He smiled at me. "Of course. I know what you're trying to imply. But I got this, Chloe. Saka mo na lang ako i-libre."

Hindi ko na ipinilit pa ang gusto ko dahil ayaw kong masamain niya ito. He bid his goodbye to me. Saktong pag-alis niya ay siyang pagkakita ko kay Hellios at Thali na papalabas na rin ng restaurant. Tila sila nagmamadali habang hawak ni Hellios si Thali sa bewang. They didn't pay me a glance as if they really didn't see me.

Anong nangyari? Bakit sila nagmamadali? At saka si Hellios, galit ba siya sa akin? Bakit hindi niya ako pinapansin? If he's mad at me, is it because I prayed over him the last we saw each other? Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noon. Ayaw niya ba talaga?

What do you expect, Chloe Elizabeth? He's an Atheist. Of course he didn't want that.

Ngumuso ako sa takbo ng isip ko. "Gusto ko lang naman na maraming blessing ang dumating sa kaniya kasi mabait siya."

I let myself get busy the whole afternoon. Kapag wala na masiyadong ginagawa ay sinasagot ko ang ilang queries sa Instagram tungkol sa mga rosary bracelets.

Pagdating ng ala-6 ay nagpaalam na ako sa mga staff ng restaurant na uuwi na. Mamaya pa ang close namin pero hinahayaan ko na sila dahil gabi na rin naman at hindi na ganoon ka-bugso ang mga customer hindi gaya kanina.

Pagkalabas ko ng main entrance ay kaagad akong napahinto nang matanaw si Hellios hindi kalayuan sa akin. He's sitting on the hood of his black luxury car, feet crossed while hands inside his pockets. Seryoso siyang nakatingin sa akin na tila ba inaasahan niya nang lalabas ako rito.

"Hellios..." pabulong na tawag ko.

Just before I could ask him what he's doing here, he stood up and walked towards me without leaving my eyes.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin