4

43 3 0
                                    

"Babe?" mga marahang tapik sa pisngi niya ang nagpabalik sa kanya sa mundo

"Thank God she's okay" a very concerned voice said

"Told you la, she's just very nervous. Tinakot mo kasi" si Key iyon "Hey babe?"

Magmumulat na sana siya ng mata pero nang marinig niyang andun ang lola ni Key, parang gusto niyang mahimatay ulit.

"Excited lang naman akong makilala ang girlfriend mo" parang nakikita niyang nakalabi ang matanda

"You looked like you're going to eat her alive"

Napahagikhik pa ang lola ni Key.
Di nga? Siya ba yung nakakatakot na matanda kanina?

"Seriously apo, is Luck pregnant?" sukat sa narinig ay bigla siyang napadilat sabay nasamid ng laway niya, kandaubo tuloy siya

Hell no! Nahimatay lang pregnant agad?

"Lucky, are you alright?" worried ang matanda habang hinahagod ang likod niya, si Key naman kandabuwal sa kakatawa

Sarap ipakulam.

"I- i'm good" maluha-luha pa siya

Napansin niya na wala sila sa crowd na kinaroroonan nila kanina. Nasa isang marangyang silid sila.

"Lola, she's not pregnant." tumatawa pa rin si Key "She couldn't be pregnant"

"Bakit? Baog ka ba?!" malalaki ang mga matang tanong ng matanda and it was her turn to laugh, si Key naman napatuwid ng tayo sabay tikhim

"Of course not lola!" matigas nitong tanggi

"Then why couldn't she be pregnant? Sabi ng mommy mo nagsasama na kayo ni Lucky"

Natatawa si Luck, hindi na siya natatakot. The old woman is a natural kalog and makulit. No doubt dito nagmana ng kalokohan si Key. Ano kaya magiging reaksyon nito kapag nalaman nito na niloloko lang nila siya?

"Besides gusto ko pang makita ang apo ko sa 'yo"

"Lola, don't worry... Makikita mo pa magiging anak namin" inakbayan siya ni Key "Sa tamang panahon, but for now, we do not have plans of having a baby yet"

"I'm 86 Key! Kelan yang tamang panahon na yan?" his grandmother pouted

"86 na po kayo?" di naman siya makapaniwala, akala niya kaka-earn lang nito ng dual citizenship nito -that is, filipino citizen and senior citizen "Mas bata kayong tignan sa edad nyo"

"Hmmn, i like your girlfriend apo" pa-bibang tugon ng matanda na niyakap pa siya "Magkakasundo tayo"

"Okay, okay, shall we go back to the party?" si Key

"Oh yeah, the party..." iiling-iling ito "Let's go Lucky... As much as i wanted to talk to you the whole night, gusto ka ring makilala ng mga plastic na mga tao sa baba"

"Huh?"

"Lola doesn't like parties babe" bulong sa kanya ng binata

"Wag ka ng magbabe dyan kung bubulong ka lang" palihim niya itong inambahan ng suntok ang binata

He just chuckled.

"Let's go"

***

"Everyone, this is Luck, my girlfriend" natuloy din ang pagpapakilala sa kanya pero bawas na yung kaba niya kasi mabait naman pala yung lola ni Key

She met his whole family. Yung iba tuwang tuwa sa kanya. Yung iba naman hindi. Pero wala siyang paki, trabaho lang di ba, walang personalan.

Nalaman niya na favorite apo pala si Key kaya ganun na lang ang kagustuhan nitong wag madisappoint ang lola nito. The old woman is real worried about her grandson not marrying soon.

Lucky Lee In LoveWhere stories live. Discover now