1

72 3 0
                                    

"Ano po?!" bulalas ni Luck habang kausap sa telepono ang police officer sa lugar nila

"Nakakulong ang kapatid mo. Nasangkot sa holdapan." ulit ni Officer Cruz na nakilala na niya personally dahil suki sa presinto ang kakambal niya "Huli sa akto kaya mahirap maabsuwelto"

"Talaga po?" lumapad ang ngiti niya "Wag na wag nyo po siyang pakakawalan ah" bilin pa niya bago ibaba ang telepono

The news made her day. Mabuti at siya ang nakasagot ng tawag at hindi si Mira, her mother.

Angelo, her twin brother is a drug addict. Ilang beses din niyang tinangka na siya na mismo ang magpakulong sa sarili nyang kapatid. Pero laging nakaharang ang kanilang ina kahit sinasaktan ito ni Angelo kapag high ito.

Apparently, Mira loves her son so much.

"Ma, pasok na po ako" humalik siya sa inang naghahain ng breakfast - not for her, she doesn't eat breakfast - para yun kay Angelo na umaga usually dumadating

Wala siyang planong sabihin dito na nasa kamay na ng batas ang paborito nitong anak. Even if Mira care less about her, mahal na mahal niya ito at ayaw niya itong nasasaktan. Kaya nga hindi pa siya naglalayas, her mother needs a protector kapag nananakit si Angelo. Takot kasi sa kanya ang kambal niya, hindi siya nito masaktan dahil alam nito kung gaano kalaki ang galit niya dito at sa kanilang ama. Kahit paano nirerespeto ni Angelo na siya ang bumubuhay sa pamilyang inabandona ng tatay nila. But unfortunately for her, hindi iyon nakikita ni Mira.

While she grew up hating her father and her brother, Mira hated her too for a reason she never understood.

Pero sanay na siya doon, mahal niya ang ina kaya okay lang yun sa kanya. One day, she will realize she still have a daughter.

"Sige" was her mother's short reply

"I love you ma" wala na siyang nakuhang sagot kaya umalis na siya

Luck became a certified man hater when Angelo started doing drugs. Her twin brother then was her last hope kaso wala eh. Kaya ayun nagtuloy-tuloy ang pagiging man hater niya. Hindi naman up to the point na nanglalahat na siya but nevertheless, wala na siyang pinagkakatiwalaan pa.

Men are all the same.

"Ang ganda ata ng ngiti natin" her best friend and co-teller Crystal told her

"Good news Crystal!" napayakap pa siya sa kaibigan tapos nagkwento siya

"Really? Aba eh magandang balita nga yan" sabay silang pumasok sa bangkong pinapasukan nila

"Finally, makakatulog na ako ng mahimbing"

"Eh si tita Mira?"

"Ayon, di ko pa sinasabi. Masasanay din yun na wala si Angelo"

"Naku, eh sana nga"

"Crystal naman, good vibes lang" kahit naman siguro matagal, makakamove on din si Mira, she is positive about it. Baka nga this time malaman na nito na may isa pa itong anak

"Okay good luck"

***

It was a Monday morning kaya naman when the clock struck 9am, dagsa agad ang mga clients nila. Automatic ng nilunod ng trabaho ang lahat ng mga isipin niya sa buhay.

"Naku, look who's coming..." mayamaya ay tila naiihing sabi ni Crystal and she was forced to stop whatever she was doing para lang ngumiti sa bagong dating. Si Key Adams, ang one of the country's most eligible bachelor and their biggest client as well kaya naman lahat sila mula sa gwardiya hanggang sa branch manager nila, ay required na ngumiti sa pagdating nito. Syempre yung kay Luck ay pilit to the bones. Why would she offer him a genuine smile kung may reputasyon itong womanizer? "Kung ganito ba lagi tuwing umaga, sulit na sulit na!"

Lucky Lee In LoveWhere stories live. Discover now