"Aah, ang sweet naman ni kuya Nathan. Look baby oh, may mga babasahin ulit sayo si Mommy bago ka matulog." Ani Karylle sa anak.

"Kumusta naman kayo ni Nathalie dito?" Singit ni Bea nang makalapit saka nakipag-beso sa kanya.

"Ito, hindi muna makalabas ng bahay dahil sa mga media na nakaabang sa labas." Aniya. "Maupo muna kayo."

"Nahirapan nga kaming makapasok dito kanina dahil sa mga reporters. Hindi talaga kayo titigilan hangga't hindi kayo na-iinterview. Anong bang balak nyo?" Usal ni Dingdong.

"Tita Mommy, pwede po ba kaming maglaro ni Baby Nathalie?" Biglang tanong ni Nathan.

"Sige, pero huwag sa labas ng bahay ha? Doon kayo sa taas maglaro, sa playroom ni Nathy. Wait lang. Papasamahan ko kayo kay Ate Lalaine." Ani Karylle.

Nagpaalam muna si K sa mga kaanak upang tawagin si Lalaine. Pagbalik niya ay may dala na siyang meryenda kasunod ang dalaga.

"Meryenda muna kayo," alok niya.

Agad na pumunta sa itaas sina Nathan habang akay naman ni Lalaine si Nathalie.

"Anak,nasaan nga pala si Vice?" Tanong ni Ginang Chacha.

"Oo nga K, parang hindi ko sya nakita pagdating namin" Segunda ni Bea saka kumuha ng juice.

"Nasa opisina nya. Baka late na sya umuwi kasi marami raw syang gagawin." Sagot niya.

"Baka umiiwas lang sa media na naghihintay sa labas," - Dingdong

"Hon, ano ka ba." Saway ni Bea sa fiance.

"Joke lang. Pero malay mo, di ba?" - Dingdong

"Ang hirap nga ng ganitong sitwasyon eh. Parang gusto ko na tuloy bumalik sa bahay. Naisip ko nga minsan, baka hindi nakatulong sa anak ko ang paglipat namin. Kasi, wala naman syang kakilala dito. Walang makakalaro. Hindi tulad sa atin na maraming bata, at doon sya lumaki." Pahayag niya.

"Anak, pag-usapan nyo muna ni Vice ang tungkol dyan. Alamin mo muna kung ano ang desisyon nya. Ipaliwanag mo sa kanya kung ano ang mas makabubuti sa anak nyo." Wika ng kanyang ina.

"Pero bago nyo pag-usapan 'yan. Siguro unahin nyo muna ang kung anong isyu ang kumakalat ngayon. K, huwag mo sanang mamasamain pero, para kasing naging sunod-sunuran ka sa gusto ni Vice. Bakit hindi mo nalang sagutin kung ano ang mga tinatanong nila tungkol sa inyo. Alam nating lahat na hindi matatapos ang isyu hanggat walang nagbibigay ng pahayag sa inyong dalawa." Ani Dingdong.

"Naguguluhan na nga ako eh. Pero kapag ginawa ko 'yan, baka lalong lumaki ang isyu. Baka lalo kaming pag-usapan. At natatakot ako para sa kalagayan ni Nathalie," - K

"Bakit hindi nalang kayo kumuha ng trauma specialist? Para mapabilis ang paggaling ni Nathalie. Sa tingin ko, kailangan nya ng therapist na makatutulong sa kanya. Suggestion lang naman." Sabat ni Bea.

"Pag-uusapan muna siguro namin ni Vice ang lahat ng ito. Hindi naman pwedeng ako lang ang magpasya." Sagot niya.

"Sige anak. Basta balitaan mo nalang kami kung ano ang mapagkakasunduan ninyo ha?" Wika ng kanyang ina.

Marami pa silang napag-usapan tungkol sa kalagayan ni Nathalie at pati na rin sa pagtira nila sa bahay nina Vice. Sa tagal ng kanilang pagkukwentuhan ay hindi na nila namalayan ang mabilis na paglipas ng oras.

Kung hindi pa tumunog ang alarm ng cellphone ni Dingdong para sa oras ng pag-inom ng gamot sa nangyaring aksidente ay hindi pa nila mapapansin na wala nang sikat ng araw.

"Oh, ang bilis yata ng oras. Six o'clock na pala." Ani Dingdong.

May dinukot itong maliit na pakiti sa bulsa. "Kailangan ko nang uminom ng gamot. Para sa mabilisang pagrecover ng katawan ko mula sa nangyaring trahedya."

MARRIED At First SightWhere stories live. Discover now