Sa bagay, kasalanan ko rin naman. Bakit pa kase ako umasa gayong wala naman na akong natatanggap na mensahe mula sa kanya, hindi ba? Ni ha ni ho, wala.

Ang tanga mo rin, Claudine eh. Masyado kang naging loyal. Masyado mong sineryoso ang malabo niyang pangako. Ayan tuloy. Nganga ka ngayon.

"Claui!"

Halos mapaigtad ako sa sigaw ni Gio sa aking likuran. Nilingon ko siya at nakitang tumatakbo na papalapit. He stopped in front of me. Napahawak siya sa kanyang tuhod at dibdib dahil sa paghahabol ng hininga.

"A-Are you okay?" he asked me.

I laughed without humor.

"And you're seriously asking me that? After you left Scott for a fucking perfume?" 

Lumunok siya at unti-unting tumayo nang maayos. He looked at me guiltily.

"Sorry. I will not defend myself. Ako ang accountable dito," pag-amin niya.

Ngumiwi ako. Nakita ko naman ang pagsunod ng mga security guard sa kanya. The three guards stopped behind Gio.

"Nakita na po ba, Ma'am?"

Tipid akong tumango. Narinig ko ang buntonghininga ni Gio, tila ba nabunutan ng pagkalaki-laking tinik.

"Scott-scott!" 

Nilingon ko si Scott na ngayon ay nakangiting nakikipag-usap kay... Kia. Tatlong metro lang ang layo niya mula kay Gio pero parang wala siyang narinig. He seemed so attached to the little girl. Well, I'm not really surprised. Scott is amiable. Charming na bata at hindi isnabero. 

"There he is. Thank you for the help, Sir, Ma'am. Pasensya na po sa abala," paghingi ng dispensa ni Gio.

"Walang problema, Sir. Basta sa susunod, sana bantayan niyo na nang maigi ang anak niyo ni Ma'am." the lady guard smiled at me.

Sa hindi malamang kadahilanan, napasulyap ako kay Vince. Unlike his light aura earlier, he looked dark now. Magkasalubong na ang kilay at malamig ang mga mata. Bahagya ring nakatiim ang kanyang bagang. My heart skipped a beat when his eyes met mine. I immediately looked away when I saw how his eyes turned a shade darker as soon as it landed on me.

"Makakaasa po kayo-"

"Uh, hindi po namin anak ang bata." putol ko sa sasabihin sana ni Gio.

Matalim ko siyang tinitigan. Ang walanghiya, hindi man lang itinama ang narinig! Gustong-gusto pa! Umaliwalas bigla ang mukha, eh!

At ikaw naman, Claudine. Ano naman ngayon kung mapagkamalan kayo? Bakit mo gustong itama? May gusto ka bang paringgan na wala kang anak? 

"Ah ganoon ho ba?"

"Ayos lang yan, Ma'am. Mabibiyayaan din kayo sa tamang panahon."

Umawang ang labi ko. Itatama ko na sana ang sinabi ng isa pang guwardiya nang sumulpot sa harap namin si Scottie, hawak-hawak na ngayon ang kamay ni Kia.

"Tito, tita, can I play at Kidzoona with her?" he flashed his puppy eyes.

Nagkatinginan kami ni Gio at wala naring nagawa. Paano kami makakatanggi kay Scott? 

"Okay, Scott-scott. Just one hour, okay?" 

Scott smiled so wide. 

"One hour lang kung ayaw mong bumuga nang apoy si Tita," dagdag ni Gio.

Sa inis, hilaw ang ngiting naibigay ko sa mga bata. Binura ko naman agad 'yun nang makita ang takot na dumaan sa mata ni Kia.

"Where did you find him?" 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon