Nasa bintana ako at pinagmamasdan sila ng mabuti.

Bata pa sila kumpara sa mga pulis na kilala ko sa Maynila. They are on their mid 30's, I guess. Ang isa ay chinito, manipis ang labi, katamtaman lang ang tangkad pero matikas ang pangangatawan. The other man is tall with dark complexion at naka-side ang kanyang buhok.

Where are these policemen came from?

Naalarma sila nang lumabas ako. Wala na akong makitang mga tao kahit alas-syete pa lang ng gabi, si Nanay naman, natulog agad pagkadating dahil sa pagod. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol dito.

"Ma'am, bawal po kayong lumabas ng bahay." SPO1 Llantos, 'yan ang nakalagay sa nameplate niya. Ang isa naman ay si SPO1 Madrid.

"Hindi ko kayo kailangan dito,pwede na kayong umalis." Malamig na sabi ko at humakbang. Hindi manlang sila natinag, humarang pa sa dadaanan ko.

"Pasensya na ma'am. Utos ni Mr. Sullivan. Kung gusto niyo po, sasamahan nalang namin kayo." Saad ni SPO1 Madrid.

Pinasadahan nila ng tingin ang katawan ko at mabilis din nag-iwas, bumalik sa dati nilang kinatatayuan at hindi na nagsalita pa.

Sa mga sumunod na araw,ganoon palagi ang nangyayari. Nakakalabas naman ako,pero dahil aali-aligid sila, I decided to just stay in my fucking room until I became bored in hell!

Sabi ni Nanay, kailangan ko daw ang proteksyon para hindi ako mapahamak. Fuck that protection! Kahit naman meron ako niyan, napapahamak pa rin naman ako ah? So, what's the use?

Gumising ako ng maaga at siniguradong wala na si Nanay, 24 oras din nagbabantay ang dalawang pulis sa labas, iba-iba bawat araw. Dumaan ako sa dalampasigan suot ang itim na jeans at itim na racerback.

Pasulyap-sulyap saakin ang mga mangingisda na naghahanda ng maglayag.

The cool wind, fine white sand, seashells and corals in the wide seashore and the gentle sound of the waves give me a peace of mind.

Nag-enjoy din akong mamulot ng mga maliliit na kabibe at korales na magustuhan ko.

Sumilip ako sa matataas na damo at nakita ang mga lalaking naka-army gray t-shirt, nakakalat, nagbabantay sa checkpoint. Buti nalang, hindi nila ako napansin dahil nakatalikod sila saakin, ang iba naman, nagkakape at abala pa sa ibang bagay.

Umakyat ako sa burol and of course,did my usual exercise. Stretching and more. Why the hell do I need protection? Kaya ko naman ang sarili ko at hindi ko kailangan ng tulong o proteksyon ng ibang tao.

"Miss? Bawal dito ah? Anong ginagawa mo dito?" Hinarangan ako ng anim na army pagkababa ko ng burol sa pag-aakalang walang nagbabantay. May mga nakasabit na baril sa leeg nila at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nahati sila sa dalawa nang lagpasan ko sila at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa ako nakakalayo nang may humablot sa braso ko kaya nabitawan ko ang mga kabibeng dala. Marahas kong binawi iyon at matapang na humarap sa kanila.

"Pasensya na, Miss. Utos ng mga Sullivan na hindi na pwedeng gumala dito." Sabi ng isang matangkad na lalaki.

"Ano ka ba naman, pre. Hindi siya gumagala." Sabat ng maitim na lalaki at naglakad pa sa harap ko habang hindi natatanggal ang tingin sa katawan ko. "Mukhang nagpapa-ganda ng katawan. Alam mo miss, hindi mo na kailangan magpaganda, maganda ka naman eh."

"At sexy pa!ano, miss? Pwede mo naman kaming samahan maligo!"

Sabay-sabay silang nagtawanan at pinalibutan pa ako. Hindi ko inaasahan na ganitong uri pala ng alagad ng batas ang pinabantay nila sa buong baryo. Mas masahol pa sila sa mga holdapper na 'yon eh!

"Ano,Miss? Sasama ka na ba—" Mabilis ko siyang kinuwelyuhan at handa na ang kamao kong ilapat sa magaspang niyang pagmumukha kung hindi lang may nagsalita. Inilayo ang lalaki saakin at napaatras sila.

"Tama na 'yan!" Sabi naman ng isang pulis kasama ang iba pang army sa likod nito.

I need to talk to the Sullivans. I need these policemen out of my sight! I don't need them. I don't need the help! Why can't they just fucking fade away?

The tricycle stopped in front of a tall cast iron gate na may nakasulat na "Hacienda Sullivan" sa itaas at may baging pa na nakapalibot, sinadyang ilagay doon.

"Magandang tanghali, Nay Wilma!" Bati ng security guard kay Nanay at bumaling saakin. "Magandang tanghali, Miss." Bati niya na mukhang nahihiya pa. I didn't glance at him because I'm busy looking at the big and wide mansion in front of me.

"Pamangkin ko, Ben. Magandang tanghali rin sayo."

"Nay Wilma, hindi mo naman sinabi na may pamangkin ka pala. Pasok po kayo."

I talked to Nanay last night that I needed to talk to the Sullivans. Ayaw niya pa sana baka bumuka ulit ang sugat ko but I'm fine enough. Hindi ako baldado para ikulong at alagaan.

Iginiya na ako ni Nanay papasok sa loob ng napakalawak na bakuran. The stone pathway were in the middle of the green bermuda grass. There's a garden in front. May balon pa akong nakita sa gilid, at iilang taong nag-aayos ng mga pananim na orchids at iba pa.

Tumitigil sila para bumati kay Nanay at nagtatakang napapatingin naman sila saakin.

The house looks old but is well maintained. There is enough space to build further. It is beautiful and located in a safe place. There is a garden in front. May itim na SUV at isang itim na pick up na nakaparada sa garahe.

Nagkalat din ang mga uniformed and armed men sa paligid. Mukhang mga body guards. Hindi nakawala saakin ang mga malalagkit nilang tingin tapos ngumingisi pa na para bang may nakakatawa.

"Magandang tanghali, Nay Wilma!" A girl wearing white bestida, hanggang tuhod ang haba, naka-braid ang kanyang buhok at may bitbit siyang basket.

"Sofia, ikaw pala. Magandang tanghali din sayo." Bati ni Nanay sa kanya. Bumaling si Sofia saakin at binigyan ako ng pekeng ngiti.

"Hi, Rielle. Kakausapin mo ba sina Don Idefolso? Sikat na sikat ka na dito sa buong baryo ah?" Patuya niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay. What is she talking about?

Naglakad siya sa gilid ko at nagsalita. "Huwag kang pasikat sa mga Sullivan, lalo na kay Cross." Bulong nito saakin at nilagpasan ako. Lumapit sa mga security guards. "Magandang umaga mga Kuya! May dala akong pananghalian para sa inyo!" Maligayang sabi nito.

"Naku, Sofia! Nag-abala ka pa! Pero, salamat!"

Those men really fond of that stupid-plastic-bitchy girl, huh? But when it comes to me? What a two-faced stupid bitch she is!

"Magandang tanghali, Senyorito!"

"Senyorito!"

My eyes darted to the man wearing maong and topless, ang kanyang puting damit ay nakasampay sa kanang balikat niya habang may mga kahoy na nakalagay naman sa kaliwa at suportado ng kanyang mga braso. Umaagos ang makintab niyang pawis sa kanyang dibdib and fuck! His hard chest ay nakabalandra na naman!

Dumako agad ang tingin niya saakin at ibinaba ang mga dalang panggatong. Nagpunas ng pawis gamit ang puting towel na nasa bulsa niya sa likod.

"Hi, Cross! Nag-lunch ka na ba? May dala ako, paborito mo, tara na sa loob." Aya sa kanya ni Sofia at ipinakita pa ang mga dala niya.

"Mauna ka na sa loob, Sofia. Kakausapin ko lang saglit si Nanay Wilma. Susunod ako." Sinasabi iyon ni Cross habang nakatitig saakin.

Si Sofia naman, pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha. Hinarang ni Cross ang katawan niya para hindi ko na makita ang girlfriend niya. Nagbihis siya at lumapit saakin.

"Magandang tanghali, Senyorito!" Si Nanay.

"Magandang tanghali din po, Nay Wilma." Si Cross.

Napakunot noo ako. Pabalik-balik din ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Senyorito? Si...Cross?

Breaking the Stoneheart (La Tierra de Conde Series #2)Where stories live. Discover now