"Is she having a date right now?" Mapanganib nyang tanong na mukhang nahalata ni Osang ang inis sa boses nya.

"Naku Sir nagkamali lang---"

"Don't lie to me!" Hindi na napigilan ni Train ang magtaas ng boses. Napatalon naman si Osang.

"May sinabi po ba akong nakikipag-date sya---"

Tumalim ang tingin nya rito.

"Don't you dare lie to me. " May diin sa bawat salitang binitawan nya.

"Nasa rancho po si Senyorita Carly may kasamang lalake. Feeling ko nga po nagdi-date ang mga yun. Sinubukan kong pigilan pero ayaw po papigil, kaya yun, masaya silang magkasama ngayon."

Mas lalo pang tumalim ang tingin ni Train kay Osang. Kumuyom ang mga kamao nya at nagngingitngit sya sa galit.

Dalawang araw lang sya nawala, may bago na agad na umeeksena?!

What the fuck?!

Lumabas si Train at naghanap ng golf cart. Agad syang sumakay doon at minaneho iyon papuntang rancho. Mabuti na lamang ay kabisado na nya ang daan papunta rito.

Nagtatagis ang ngipin nya na lumabas ng golf cart.

"Nanalo ulit ako. Mukhang kinakalawang ka na!"

It was Carly's voice and he was sure with that. Pero bakit ang saya ata ng boses nito?

Umingos si Train. It looks like she's really having fun with that bastard!

"Carly..."

Napahinto ang dalaga at nag angat ng tingin sa kanya. Mukhang nagulat ito nang makita sya pero agad din itong nakabawi at nawalan ng emosyon ang mga mata.

"What are you doing here?" She asked him with her arms crossed on her chest.

"Hindi na ba ako pwede rito?" He asked back. Tinaasan sya nito ng kilay pero walang lumabas na salita sa bibig nito.

"You're really a pro Carly! Natalo mo na naman---" Natigil sa pagsasalita ang paparating na lalake nang makita sya.

Bahagya itong lumapit kay Carly na kinainis naman nya.

"Who's that?" Bulong na tanong nito kay Carly na rinig naman nya!

Humakbang palapit si Train at hinaklit ang braso ni Carly palapit sa kanya.

"I'm Train Salvatore, her future husband. " He said.

The guy's eyes widen.

"What?!" Narinig nyang angal ni Carly.

Nilingon nya ito.

'Manahamik ka muna, mamaya tayo magtutuos.'

"Salvatore? Are you related to Olivaro Salvatore? Anak ka ba nya?"

Walang ganang ibinalik nya ang tingin sa lalake na ngayon ay may tipid na ngiti sa mga labi.

"Yeah, 29 years na. " He said coldly.

The man chuckled and extended his hand.

"I'm Kallil. "

Tinignan nya ang kamay nito at kahit labag sa loob ay tinanggap nya pa rin ang pakikipagkamay nito.

"Anak ni Alena at Ybarro?"

Natahimik ito at maya maya lang ay tumawa na ng malakas.

"You're so funny dude!"

Tumatawa pa rin ito habang nakahawak sa tiyan.

Tss baliw!

Mariin ang pagkakahawak nya kay Carly habang hinihila ito palayo.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now