= CHAPTER 42 = _A Girl Named Lyka_

18 0 0
                                    

// I FOUND FOREVER WITH YOU //

 

= CHAPTER 42 =

 

_A Girl Named Lyka_

 

Lyka’s POV:

 

** Hello po sa inyong lahat, siguro naman po kilala ninyo ako pero kung hindi, naiiintindihan ko, minsan lang kasi akong nagpaparamdam sa istoryang ito, hehe. But anyway, yun nga, I am Lyka Dante, HRM rin gaya ni Khen pero major in bartending po ako, I’m a 3rd year student like him in the same university, actually, we’re batch mates and we’ve been friends since high school. I’m an expert and well talented in terms of flaring as they say, kung sa bagay, eto kasi talaga ang gusto ko, ang paglaruan ang mga bote, haha. Gusto ko rin kasing magtayo ng sarili kong bar soon at gusto ko rin na ako mismo ang gagawa at magtitimpla ng sarili kong mga wine, oh diba something uncommon yet fantastic.

** The real thing is that matagal na akong may gusto kay Khen at kung gaano man kabilis ang panahon, ganun din katagal ang paglilihim ko tungkol sa lihim kong pagtingin sa kanya. Alam kong modern days na ngayon pero ayaw kong umabot sa puntong kailangan pang ako talaga ang manligaw sa kanya, I’m not that desperate but yes, I mean it, I’m really into him and it sounds so sad na hindi niya ramdam yun, kahit ako na mismo ang nagpapakita sa kanya ng nararamdaman ko but yeah, it’s never too late naman eii and I am never giving up.

** I know na nililigawan niya na si Theena pero nililigawan pa naman diba tsaka marami kayang suitors si Theena, lalo na ngayon na siya ang bagong Miss        EMU, for sure, di mabilang na suitors ang magkakandarapa sa kanya and isa pa, nakita ko na rin yung isa ring nanliligaw ni Theena once dito sa school, si, si, sino nga yun, ah oo si Timothy or TJ kung tawagin nila at sa tindig pa lang, I can really sense na mahal niya si Theena at alam kong mahirap siyang karibal ni Khen sa puso ni Theena. Si Khen naman kasi eii, nandito naman sana ako, naghihintay nalang sa kanya, ewan ko ba kung bakit dun pa siya kay Theena na walang kasiguraduhan. Kung sa kanta pa lang ng Itchyworms, “Akin ka nalang, akin ka nalang, iingatan ko ang puso mo”. Khen, akin ka nalag please? :3

< NP: Akin Ka Nalang by Itchyworms >

** Haiist, para akong loka’loka dito, aii baliw na nga siguro kasi kinakausap ang sarili sa harap ng salamin, hawak’hawak pa talaga ang cellphone kong may wallpaper ni Khen, oo, ssshh, stalker kasi ang peg ko sa kanya when it comes to his pictures, nagnanakaw ako ng mga pictures niya from face book eii, kung minsan sa Instagram rin, oo, inaamin ko na, ganyan ako kabaliw sa lalaking yan, at wala akong pakialam kung kadalasan hanggang sa pictures lang ako.

** Ako nalang kasi ang palaging umaanyaya sa kanyang lumabas eii, masyado na kayang obvious pag ganun pero ewan ko ba, palagi ko kasi siyang namimiss eii, eii pa’no naman kasi, etong si Khen di man lang ako nakikita, palagi nalang si Theena, kainis much na talaga : (

( Napahiga nalang ako sa kama ko habang patuloy na kinakausap ang wallpaper ni Khen sa cellphone ko )

Ako: Alam mo Khen, kung ganun lang sana ako kadisperada, niligawan na sana kita eii, kaso hindi, hindi ako ganun. Bakit si Theena pa, nandito naman ako diba? Oo nga’t napakaganda ni Theena pero di naman ako panget diba?

// I FOUND FOREVER WITH YOU //Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon