Malakas ang pagkakasabi ni Waffle na parang may pinaririnigan. May nginuso siya sa'kin kaya agad akong napalingon at nakita kong nahati sa dalawa ang lapis na hawak ni Khirro. Nakakuyom na rin ang palad niya.

Binalik ko ang tingin sa kanila at naka 'lagot ka' sign sila pero nagkibit-balikat lang ako.

Bahala siya diyan. Naguguluhan na talaga ako kay Khirro. Minsan pinapakita niyang concern siya sa'kin na parang gusto niya ako pero napakahirap lang kasi parang may pumipigil sa kaniya at worst gusto niyang magpapigil.

Uwian na at nasa labas na ng room si Kuya. Naglalakad kami papuntang parking lot.

"Saan ka pumunta kuya? "

Sinigurado ko namang mahina lang ang boses ko.

"Hoshino's, nag-aya lang si Yevehn, my highschool friend. "

"Ganun ba? Hmm... Nakita ka na ni Ace? Makikipaglaro na naman sa'yo 'yon ng ML. "

"Yes, nakausap ko siya kanina at alam niya ring ako ang susundo sa inyo ngayon. "

Nasa harap na kami ng sasakyan nang bigla niya akong hinawakan sa kamay at pinaharap.

"Khirro's approaching. Play along with me. " I nervously nod my head.

"Just act normal. I'll do the rest. "

He pulled me close to him and cupped my right check.

"Ang expert mo talaga pagdating sa mga ganitong landian no? " He caress my cheek smoothly.

"Expert agad? Hindi ba pwedeng may alam lang? "

Natawa naman ako sa sinabi niya. Sinipat niya nang mabuti ang mukha ko.

"Visible sa mga mata ko ang mga pimples mo. "

Nasuntok ko nga sa dibdib pero pinigilan niya ang mga kamay ko at niyakap ako.

"I'm just joking, Aestheng. With or without pimples you're still beautiful inside and out. Don't worry if someone will punch me today. "

"What? "

He kissed my forehead pero may humila sa'kin at may lumagapak na kamao sa pisngi ni Kuya na ikinabagsak niya sa semento.

"Khirro?! "

Pati ako nakaramdam ng takot sa nakikita kong galit sa mukha niya. Nakakuyom ang mga kamao niya at sobrang sama na nang tingin niya kay kuya.

Aalalayan ko na sanang tumayo si kuya pero hinawakan ako ni Khirro sa braso.

"Let go of my wrist, Khirro. Bakit mo sinunstok si Caesium?! "

"I need to! "

"Hindi naman siguro makatwiran na kung kailangan mong suntukin ang isang tao ay basta-basta ka na lang manununtok agad?! "

"He's pissing me off, Aestherielle! "

"What did I do huh?! "

Nakatayo na ngayon si kuya at hawak ang labing pumutok.

"This girl is mine dude! So back off! "

My jaw almost drop because of what he said.

"Kailan pa siya naging sa'yo ha? Mabuti pa nga ako gumagawa ng paraan para maiparamdam kung paano ko kamahal si Aestherielle. Eh ikaw? Hindi diba? So how can you say that she's yours?!"

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now