Ikawalong Pahina

42 5 0
                                    

September 19, 2008
7:46 p.m

Dear Diary,

Tatlong linggo na kami naging maintenance ng comfort rooms ni Clay at sa loob ng tatlong linggo na iyon ay panay ang pang-aasar niya pero habang tumatagal, mukhang mas ikinatuwa pa 'yon ng puso ko dahil palagi kaming nagkakaroon ng oras na kami lang dalawa. Okay lang na asarin niya ako ng asarin basta kasama ko lang siya buong araw.

Crissa

***

September 30, 2008
6:31 p.m

Dear Diary,

Sobrang saya ko ngayon dahil sa wakas, dumating na rin ang araw na hinihintay ko kung saan matatapos na ang pagiging taga linis namin ni Clay ng comfort rooms. Sa sobrang saya ko nga kanina, ganadong-ganado at todo bigay na ako sa paglilinis para kahit papaano may ambag naman ako sa cleanliness ng sk'welahan.

***

"CRISSA!"

Agad akong lumingon nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ni Clay. Nakangiti siyang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

"Hindi ka pa rin tapos diyan?" mapang-asar niyang tanong nang makitang may hawak pa rin akong tabo at mop.

Pinandilatan ko siya ng mata. Palibhasa kasi lalaki siya. Sanay naman ako sa ganitong gawain sa bahay pero hindi sa ganito karaming cubicle!

Tinalikuran ko siya at nagpatuloy sa ginagawa nang agawin niya sa 'kin ang mop at siya na ang nagpatuloy no'n.

"Ako na, para sabay na tayong mag lunch," aniya nang akma kong bawiin 'yong mop.

Napangiti ako. He's giving me hopes again kahit alam kong wala lang ang lahat ng ito sa kan'ya dahil ako lang din naman itong nakakaalam ng nararamdaman ko para sa kan'ya.

Hindi ko na namalayan nakatunganga na pala ako sa kawalan habang nakangiti.

"H'wag ka munang magsaya riyan baka biglang i-extend ni Gng. Almante itong suspension natin,"

"Alam mo ikaw! Panira ka talaga ng moment," nakasimangot kong ani.

"Ikaw, panira ng learnings!"

"Ano?!"

"Kung hindi dahil sa 'yo, edi sana, nasa loob tayo ngayon ng classroom at natuto ng mga leksiyon!"

Aba!

"Ah, so, sa 'kin mo lang sinisisi ang lahat ng 'to? To tell you, ha? Kung hindi ka lang bastos, edi sana, wala tayo rito!"

Pages Of Love | ✓Where stories live. Discover now