Chapter 1

3.6K 9 0
                                    

Napasukan ni Rizza Maine na nag-iimpake si Ritszard "Saan ka pupunta?" tanong niya nanatiling nasa bukana lang ng pinto.
Liningon siya nito "sasama na ako kay Karen, maglilive-in na kami" itinuloy ang pagsisilid ng damit sa maleta. "patay na si mama, aalis na ako rito."
" paano si Richie boy isasama mo ba?"
Bigla nitong naibaba ang hawak na damit humarap sa kanya waring may nasabi siyang kakatwa " tutal mag-aasawa ka na rin lang e di isama mo na si baby, pati si nana Sela para kumpleto ang makakalakhang pamilya ng kapatid natin. "
" nagpapatawa ka ba.!? Wala pa akong trabaho, nag-aaral pa ako, sa katunayan si Karen pa ang sasagot sa iba Kong pangangailangan, kaya hindi ko siya maaaring isama. "mahinahon pero madiin ang bawat kataga.
Biglang nag init ang ulo niya" nag-aaral pa rin ako! At kailangang mag trabaho! Sinong makakatuwang ko sa pag-aalaga sa kanya!? Ha..! Ha..!? "mataas na ang boses
Siyang pagtawag ni nana Sela" Ritszard andito na si Karen hinahanap ka " ipinaghehele ang hawak na sanggol.
Agad lumabas ng silid ang lalaki di man lang siya pinansin na lalo niyang ikinainis nag-uusap pa sila. Sunod siya.
Sinalubong ito ng girl friend ng yakap at halik kahit kaharap sila walang pakialam nakita niyang napailing si nana lalo tuloy siyang nainis sa mga ito. Di siya tuluyang bumaba ng hagdanan nanatili siyang nakatayo sa huling baitang nakahalukipkip.
" love, handa ka na ba?" malambing nitong tanong di bumibitaw sa pagkakayakap sa nobyo.
"love kuwan... ( napakamot sa ulo) may problem" sagot nito
" what's the problem love?"
" k-uwan... Kasi..."
" something wrong?" salubong ang kilay ng magandang babae.
" k-asi..."
" kasi isasama nya si Richie boy at si nana Sela para may tagapag alaga." si Rizza Maine ang sumagot. Tuluyang bumaba ng hagdan.
" what.!? Why.!?" gulat
"alangan namang sa akin maiwan magsisixteen pa lang ako, bubuo na rin lang kayo ng pamilya e di isama nyo na ang baby." sabi pa niya
"Hindi maari..! Wala pa akong balak magka anak!" May pag-iling pa.
"Ritszard is nineteen and you, if I am not mistaken is twenty six may stable job and ready ng magpamilya so, simulan nyo na ngayon pa lang kay Richie boy."
" No..! No... Nooo..!"
" Pwede ba Rizza Maine, Iwan mo muna kami..!" yamot
"Basta.!!! Isama nyo ang bata..." tumalikod na siya at lumabas puntang bakery. Inakyat Naman ng may edad na yaya ang baby sa silid nito.
" Ritszard Hindi maari! nag-aaral ka pa! Paano ang mga panganga- ilangan ng bata? Wag mong sabihin ako pa rin ang sasagot, at siguradong malimit mamemerwisyo ang batang iyan, ayoko ng maingay!"
" Pero kapatid ko siya." Anas nito
" At kapatid rin siya ng babaing iyon" may padyak pa.
" Pero napakabata pa niya." katwiran niya
" Paano natin maeenjoy ang pagsasama natin? kung ganyang nag sisimula pa lang tayo ay magkakaroon na agad ng responsebilidad! isa pa ano yan buy one take two.!?" gigil
Malalim na buntong hininga ang pinawalan niya nakadama ng inis" Di ba ikaw ang may gustong mag live-in tayo! sabi mo pa tanggap mo ang kapatid ko, ituturing na sariling kapatid bakit ngayon ganyan ka! "sumbat niya
" Oo nga! Pero di ko naman naisip na kasama siya sa responsibility na kailangan Kong tanggapin, (napailing) OMG love, inalok kitang maglive-in tayo dahil nasasagwaan ako sa sitwasyon nyo ng babaing iyon! Di kayo magkano-ano! "
" Tulad ka rin ng karamihan sa mga taga rito malisyoso! (napailing) di ko pwedeng pabayaan ang kapatid ko!!! "
" Masisisi mo ba ako.? nagseselos ako. "amin nito.
" WALA kaming ginagawang masama! "pigil ang
damdamin
" kaya!? " puno ng pagdududa" your step sister is
beautiful"
"for god sake Karen!!! (hindik) she's so young only fifteen!!!"
"okey, sige naniniwala na ako(huminga ng malalim bago)bakit Di mo siya dalhin Sa D. S. W. D. tatanggapin siya roon dahil pareho pa kayong menor de Idad."
Puno ng sama ng loob "kung yun pala ang dapat di sana'y noong palang una, sa ospital pa lang. (umiling-iling) di ko pwedeng ipaampon ang kapatid ko! kundi mo siya matatanggap kapwa tawad tayo!" madiin ang bawat kataga
"Ritszard!!!" namilog ang dati ng bilog na mga mata ng dalaga.
"Sorry Karen..! Good bye." binuksan ang pinto walang nagawa ang babae kundi magmartsa palabas isinara ang pinto.

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now