naglakad na ako patungo sa pinakamalapit na comfort room dito para linisan ang sugat sa kamao ko at para din makapagpalit ako ng suot ko dahil punong-puno ng dugo ang suot ko ngayon.

habang naglalakad ako ay na papakapit ako sa gilid dahil na wawalan ng balanse ang buong katawan ko.

ng makarating ako doon ay agad akong humawak sa door knob saka binuksan iyon, kahit na nanlalambot ang mga tuhod ko ay pinilit ko pa din pumasok sa loob.

sinara ko na ang pinto saka naglakad palapit sa sink at agad kong binasa ang kamay ko. Madaming dugo ang umaagos kasabay ng tubig papunta sa butas at mula pa iyon dito sa dugo sa kamay ko.

pinanood ko ang pag-agos noon habang pilit kong tinatanggal ang mga dugo sa kamay ko, pilit kong tintanggal iyon kahit pa na nasasaktan ko na ang sarili ko.

agad kong binasa ang buong mukha ko para kumalma ako kahit papaano at para magising din, na pahilamos nalang ako sa mukha ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

tanging lakas ng tunog ng puso ko ang naririnig ko ngayon. Na gulat ako ng marinig kong may kumakatok sa labas kaya agad ko ng tinapos ang paghuhugas ng kamay ko saka nagpunas na.

agad kong tinungo ang pinto at ng mabuksan ko iyon si chasin ang unang bumungad sa akin dala ang first aid pati na ang extra dress na dala ko.

"kinuha ko na din yung phone niyo ma'am lyka"

sabi nito saka binigay pa sa akin kaya kinuha ko na iyon at tumango nalang sa kaniya, isinara ko na uli ang pinto saka lumapit sa sink at ilinagay sa ibabaw ang first aid na dala ko pati na nag phone at dress ko.

binuksan ko na iyon saka kumuha ng bulak at linagyan iyon ng alcohol, idinikit ko na iyon sa sugat sa kamao at na painda nalang ako sa hapdi pero pinagpatuloy ko pa din ang paglilinis.

mas gusto kong alcohol ang ipanglinis ko dito at hindi ako basta-bastang gumagamit ng kung ano para malinisan ang mga sugat ko dahil baka lalo pang lumala, may ilang gamot kasi na bawal sa akin kaya iniiwasan ko talaga na magamit ang mga iyon.

ng na tapos ko ng linisan ay linagyan ko na ng bandage ang buong kamay ko saka pinutol na at ibinalik sa loob ng box.

kinuha ko na nag dress ko saka pumasok sa loob ng cubicle, tinanggal ko na ang suot ko saka isinuot ang dress ko.

ng maisuot ko na ay binuksan ko na agad ang pinto saka naglakad na palabas, itinupi ko ng maayos ang hinubad ko saka ipinatong muna sa ibabaw ng sink.

ilinigpit ko din ang mga ginamit ko saka tinapon sa basurahan ang mga bulak na nagamit ko. Na patigil ako ng marinig kong tumunog ang phone ko kaya na patingin ako doon saka kinuha iyon.

ng binuksan ko ay isang unknown number ang na kalagay sa message kaya binuksan ko ang message at binasa.

From: Unknown

Did you already recieve my gift to you?
my dear sister? I hope you like it.

Na patigil ako sa paggalaw ng mabasa ko ang laman ng message, I suddenly burst in anger when I read the message.

hindi ko na tinapos ang pagliligpit na ginagawa ko dahil kaagad akong tumakbo palabas doon at nagmamadaling nag-tungo sa elevator.

damn it!

pinindot ko ng paulit-ulit ang button ng elevator para bumukas pero hindi na ako makapaghintay na mapuntahan siya kaya lumipat ako sa kabila at pinindot ng paulit-ulit ang button hanggang sa bumukas ang isa kaya agad akong tumakbo papasok doon.

agad kong pinindot ang first floor na button, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil para na akong sasabog sa galit ngayon.

ilang sandali pa ay bumukas na ito kaya wala na akong sinayan na segundo at agad na lumabas doon pero na patigil ako ng makasalubong ko si ate rhea.

The Innocent Doctor and The Heartless Mafia Lord (COMPLETED)Where stories live. Discover now