•PROLOGUE•

2.9K 76 3
                                    

Please, tama na, h-hindi ko na kaya.”

Nanginginig ang boses na turan ko sa lalakeng nasa harap ko. May hawak siyang sinturon at akmang hahampasin na naman ako.

Sobrang sakit sa pakiramdam. Hindi dahil sa pisikal na sakit, kun’di sa isiping ang lalakeng nananakit sa’yo ay ang lalakeng buhay mo.

Gusto ko nang sumuko. Gustong-gusto ko. Pero hindi ko magawa. Ako daw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito siya. Kung bakit naging demonyo siya. Dahil ako daw ang  rason kung bakit namatay ang pinakamamahal niyang si Solenn.

‘Maybe I deserved to be treated like this.’

Hilam sa luha ang mga mata ko nang dakmain niya ako sa leeg. Galit. Sobrang galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Tikom ang bibig at nanginginig sa galit.

Kung puwede lang sana kitang patayin ay matagal ko nang ginawa!”  Sabay tulak sa’kin dahilan upang mapasub-sob ako sa sahig.

Bakit nga ba hindi niya ako kayang patayin?  Kung iyon ang makakapag-pasaya sa kan’ya? Bakit hindi niya magawa?

—Deejee_sai

Slave Of A Heartless Demon Where stories live. Discover now