Chapter 19: Let's talk

5.9K 114 2
                                    

Zianne's POV

Tapos na yung conference papunta na kami dun sa bundok kung saan kami magca-camping. Kaso si Christian nagkaproblema sila sa company nila at kailangan na niya bumalik sa Manila.

Nandito kami sa carpark para mag-paalam sa isa't isa, nakausap ko pa nga kanina yung gf niya tapos todo sorry pa siya kasi di na daw ako matutulungan ng boyfriend niya. Sabi ko naman ok lang. At heto pa, narinig ni Charles yung problem ni Christian kaya naman nag-offer siya na sa kanya na ako sumabay kasi nga pagdating dun kami rin naman ang magkakasama kaya tinanggap ko na yung offer wala yung car ko eh.

Nakatagilid ako kaya medyo kita ko si Charles na nasa car niya na hinihintay ako.

"Zi yung Prince Charles mo oh hinihintay na ka dun" sabi ni Christian.

"loko ka talaga" hinampas ko ng mahina sa braso niya.

"salamat nga pala sa pagtulong mo ha, hay nako bakit mo ba kasi ako iiwan dito? Di ko alam ang gagawin pagdating dun sa camping".

"Basta tumawag ka lang pag may kailangan ka, sorry talaga ha".

"Ok lang yun ano ka ba".

"sige na mukhang naiinip na yung driver mo oh. Haha bye bye na Zianne, nice meeting you, mag-iingat ka lagi ha". Sabi nya.

"Opo tatay, salamat nakilala kita" ini-hug niya ako kaya naman ganun din ako sa kanya. Tapos nun umalis na siya at kumaway na lang ako. Tapos pumunta na ako sa car ni Charles.

Kumatok ako sa window kaya binuksan niya yung seat sa tabi niya, lahat kasi ng bags namin nasa likod. Maliit lang yung car na dala nya ngayon pang dalawa lang talaga.

"Sorry natagalan ako" sabi ko habang inaayos ang gamit ko sa bag.

"ok lang" yun lang ang sinabi nya tapos saka siya nag-start patakbuhin yung kotse.

Charles POV

Kanina pa akong naghihintay dito ah, buti naman aalis na yung Christian asungot na yun. Ang tagal naman talaga ni Zianne, ano kayang pinag-uusapan nila.

Aba talagang loko yung Christian na yun ah makayakap sa girlfriend ko wagas, Ay ex na pala, pero kahit na future girlfriend ko pa rin si Zianne kasi di ko siya titigilan hanggang sa maging kami ulit.

Ang tagal naman nung yakap na yun, nagseselos na ako dito ah.

Hayun sa wakas umalis na din yung asungot na yun, nagkunwari akong seryoso nung pumasok siya tapos nag-sorry pa siya sabi ko naman ok lang.

Tahimik lang kami kaya binuhay ko yung radio tapos saktong nag play yung 'Mahal pa rin' ni Sam Milby kaya napatingin siya sa akin tapos umiwas naman agad. Nakinig na lang ako tapos sya naman naglaro na lang dun sa Ipad nya.

Malapit na rin kami sa pupuntahan namin pero biglang kumulo yung tiyan ko kaya napatingin siya sa akin.

"Nagrereklamo na yang mga anaconda jan oh, pakainin mo na" sabi niya sa akin habang tumatawa.

Yung mga tawang yun gustong gusto kong makita ulit yun araw araw.

Dahil nga sa gutom na ako eh naghanap kami ng makakainan, sakto naman na may isang maliit na karinderya na malapit sa highway kaya tumigil muna kami doon.

Nag-order kami ng kung ano ano tapos kumain na kami. Di naman kami maarte kasi nung kami pa naman eh lagi rin kaming kumakain kung saan kami abutan ng gutom.

Pagkatapos naming magpakabusog umalis na rin agad kami, sabi ko sa kanya matulog muna siya at gigisingin ko na lang pag nakarating na kami. Hindi na naman siya tumutol siguro napagod na rin, kaya hayun bagsak.

Di ko mapigilan na mapatingin sa kanya, mas gumanda pa talaga siya. Natigilan ako ng bigla siyang magsalita akala ko gising na siya pero mukhang nananaginip kaya naman huminto muna ako sa gilid at tumingin ako sa kanya.

"Charles bakit ang sakit pa rin? Bakit siya pa ang pinili mo? Bakit si Clarise pa. Sana ako na lang." yun ang mga sinabi niya, tiningnan ko siya may tumutulong luha sa mga mata niya kahit tulog siya tuloy tuloy pa rin ang pagpatak ng mga iyon. Pinahid ko yung luha na tapos lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya. I kissed her forehead tapos nag-start na ulit akong mag drive. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang lahat ng nangyari, na kahit kelan ay hindi ko siya pinagpalit kay Clarise. Dahil walang makakapalit sa kanya dito sa puso ko.

Nakarating na kami sa campsite ang daming participants mga ka-edad rin naman namin tong mga to. Mukhang puro mag-partners ang magkakasama ah, saan ko kaya pwedeng itayo itong tent namin.

Oo magkasama kami sa iisang tent, pero hoy malaki yung tent noh pang-6 na tao yata yun eh.

Gumagabi na at tapos na yung ibang activities kaya naman nagpaalam siya na magpapalit na daw muna ng damit, tapos nun naghapunan na kami.

Mga 9 na ng gabi wala pa rin si Zianne sabi nya kasi gusto nya makalanghap ng sariwang hangin kaya pumayag naman ako, kung di ko lang sana kausap yung isa kong kakilala eh sinamahan ko na sana siya.

Naglakad ako ng konti tapos may nakita akong babae na nakaupo sa malaking bato, likod pa lang alam ko nang siya na yun. Nakatingin lang siya sa langit. Kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Gabi na, bakit di ka pa pumapasok dun sa tent?" sabi ko sa kanya, halatang nagulat siya tapos tumingin siya sa akin.

"Gusto ko lang magpahangin, hay, buti pa dito ang fresh talaga ng feeling" sabi niya.

"Oo nga, baka gusto mong dito na lang tayo para fresh ang hangin mo everyday" sabi ko. Nakita ko naman na napakunot yung noo nya.

"Bakit kelangan kasama ka pa, eh kaya ko naman mag-isa" yun ang sinabi nya, double strike tinamaan talaga ako dun ah. Ouch lang.

"Ikaw naman" sabi ko tapos tumayo na siya "Sige mauuna na ako" pero di siya nakaalis kasi pinigilan ko yung kamay nya.

"Zianne let's talk, about us"

" Charles what about us? Wala nang Tayo"

" Kaya nga eh, gusto ko kasi tayo pa rin, ang mahal ko ikaw pa rin" sabi ko nararamdaman kong malapit nang tumulo yung luha ko. Ang bading ko lang. " Hayaan mo naman akong magpaliwanag kung anong nangyari".

"Okay" yun lang ang isinagot niya.

Hohooooo hanggang dito na lang muna at talagang di na ako makapag-type dito sa phone ko sa sobrang lamig. Malapit nang magyelo ang kamay ko.

Dapat kasi mag-snow na talaga, yung ibang parts ng bansang ito puro snow na dito na lang ang wala. Kainis langs.

-Next update ay kay Arianne at Zach naman. May date yata sila eh.

MY PERSONAL NURSEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu