Chapter 07 | Bestfriends

Start from the beginning
                                    

"Che-check ko na ibang booth natin 'noh. Byeeeee!!" Tumakbo ako papalayo nang booth namin nang makita ko nang naka-pila ang mga grade 4.

Nagtungo ako sa room nang section IV since yung booth nila ay nasa labas lang nang classroom nila at nakita kong may mga grade 5 na nagawa nang activities nila.

"RJ!" Mahina kong tawag kay RJ na nagpapa-hinga. Siguro s'ya nag-assist sa mga grade school kanina.

"Hmmm, Y/N?"

"Pagod boss natin ha." Natatawa kong sabi habang mina-masahe s'ya.

"Hoy! Tigil nga. Hahahaha." Natatawa nya sa'king sabi at tumigil naman ako dahil parang nakikiliti s'ya.

"Wala namang problema 'noh? Kayo na bahala dito ha." Sabi ko at tumango naman s'ya.

"Yes, yes. Du'n ka na sa booth n'yo, baka kailangan ka du'n." Ningitian nya ako at nag-paalam.

Sunod ko namang pinuntahan yung booth nang isa pang section. Opo, tatlo section namin. Nang bigla kong makita ang isa kong ka-klase.

"Ehem. Mamaya pa po tayo maglilibot nang booth." Ningitian ko s'ya pati ang kasama nya na ibang grade level ata.

"Uggghh. So annoying." Pag-irap ni Elys habang papunta nang room natin.

"Sorry for interrupting your chat ha? Kailangan kasi nyan tumulong sa booth namin eh." Sabi ko sa kasama nya at ngumiti ito.

"Yes! Thank you po! Kanina ko parin gustong sabihin na bumalik s'ya sa room nya dahil may gagawin ako eh." Natawa ako sa sinabi nya at nag-paalam bago gawin yung dapat kong gawin.

-

Umunat ako habang naglalakad at si Yuna naman ay nahikab.

"Asan na ba 'yun si Mike?" Tanong ni Yuna at tinaas ko lang ang balikat ko.

"Huh? Pinagkakaguluhan nanaman ba si Jayson? Hindi ba sila nagsasawa?" Tanong ko nang makita kong may mga babae nanamang nagsi-sigawan.

"H-hindi si Jayson. Si M-mike? Si Mike!" Napa-tingin ako sa sinabi ni Yuna at nakita ko nga, si Mike.

Unti-unti itong lumapit sa'min ni Yuna. Kaya naman pala pinagkaka-guluhan, tinanggal ang salamin.

"Sorry girls. Andito na mga girlfriend ko, babaeng kaibigan." Tinanggal namin ni Yuna ang akbay nya sa'ming dalawa at naunang mag-lakad na naka-takip ang muka.

"Hoy! Sandale! Hindi ako makakita nang maayos hoy!" Rinig pa naming sigaw nito kaya natawa kaming dalawa.

"Kaibigan ko ba talaga kayo?" Tanong sa'min ni Mike nang makita nya ang pwesto namin ni Yuna sa canteen.

"Oo. Kaya ka namin kinakahiya." Sabi pa ni Yuna.

"Ba't mo kasi tinaggal salamin mo? Alam mo namang dun ka pinagkaka-guluhan?" Wika ko habang nainom nang tubig.

"Nililinis ko eh. Aminin nyo na kase, pogi lang talaga ako." Nasamid ako sa sinabi ni Mike habang si Yuna naman ay naduduwal.

"Hindi na daw pala sasabay si Jayson sa'tin HAHAHAHA. Nahihiya daw s'ya. Hindi pa nga natin nakakasabay nahiya agad." Napa-tingin kami ni Mike sa sinabi ni Yuna at rinig ko namang nag 'yes!' si Mike nang mahina kaya sinamaan ko ito nang tingin.

"Tara na hoy, gutom na ako. Anong order mo Y/N?" Yaya ni Mike kay Yuna at tanong nya sa'kin. Ganto kami lagi pag magkakasama, silang dalawa o-order 'tas ako mag-babantay nang uupuan namin.

-

"Doon tayo sa booth nang grade 10!" Patalon-talong sabi ni Yuna. Kung ang mga kinder-gr6 ay kailangan pang pumila para pumunta sa booth, kaming mga highschool hindi na 'noh.

"Uy, Jason! Maglilibot ka na rin nang booths?" Tanong ko kay Jason nang makita ko ito at nahihiya naman itong tumango.

"Sabay ka na sa'min, hindi ka sa'ming sumabay nang lunch eh." Sabi ni Yuna kay Jayson at tumango naman ako.

"Sige! Sa'n ba tayo?" Tanong ni Jayson at napa-ngiti kami ni Yuna dahil pumayag s'ya.

"Guys, sandali lang ha?" Paalam sa'min ni Mike at umalis. At saan naman 'yun pupunta?

"Tara na!" Hinila ni Yuna kami ni Jayson. Tss. Excited na excited?
_
"Booth nang grade 10? Mahilig ka ba sa water-color art, Yuna?" Tanong ni Jayson kay Yuna habang ang babaeng naman 'to ay nagni-ningning ang mata.

"Hindi 'yan pumunta para sa booth, nandito 'yan para sa crush nya." Bulong ko kay Jason at napa 'ahhhh' naman ito.

"Hoy! Anong binubulong mo kay Jason ha? Mahilig talaga ako sa water-color art 'noh!" Sigaw ni Yuna nang napa-tingin s'ya sa'kin, binigyan ko nalang s'ya nang sige-naniniwala-ako look.

"Pasok na tayo." Yaya pa nya sa'min.

"Kuya Alpha!" Bati ni Jayson sa isang estudyante.

"Hi! Welcome sa booth namin." Lumapit sa'min yung Alpha. Natatawa akong naka-tingin kay Yuna na nangangatog.

"Kilala mo s'ya?" Rinig kong bulong ni Yuna kay Jayson since malapit lang ako sakanila at tumango naman ito.

"Sa'n ka galing?" Tanong ko kay Mike na kakadating lang.

"Secret." Sabi nya habang natawa at sinamaan ko naman ito nang tingin.

Salamat, kuyas [SB19 x Reader]Where stories live. Discover now