Chapter: 2

131 9 0
                                    

BLAIRE

Blaire hija aalis kana ba?".Tanong ni Dad ng makababa ako sa hagdan.

Yes Dad".Sagot ko saka humalik sa kanya."Madami po kasi akong gagawin sa office".Saad ko.

Hintayin mo na yung driver na kinuha ko para sayo".Saad nya habang kumakain.

Dad naman napag'usapan na natin to diba?".Nakasimangot kong saad."Hindi ko po kailangan ng driver".Pagmamaktol ko.

Ilang linggo na nyang ipinipilit sakin na kumuha ng driver para daw hindi na ko mapagod sa byahe, pero para saan pa at nag'aral akong mag'drive?

Anak nag'aalala lang naman ang Dad mo".Saad naman ni Tita mommy my stepmom. Yes hindi ko po sya totoong mommy because my parents got divorce when i was 13 years old, yung totoo kong mommy syempre may iba na ding kinakasama.

I stayed at my Dad's house kase yung pinapagawa kong bahay para sa sarili ko hindi pa tapos, minsan pumupunta din ako kay Mom para bisitahin sya. Happy naman ako sa kung anong meron sa parents ko kase kahit na may sarili na silang mga pamilya magkaibigan padin naman sila, mag-isa lang akong anak nila si mom and Dad hindi na  nagkaron ng anak si Mom sa husband nya ngayon. Si Dad wala din silang anak ni Titamom pero may anak si Titamom sa una nyang asawa. Her name is Krisha 17 years old at sobrang close naming dalawa kahit na hindi naman kami magkadugo.

Hindi ko na po kailangan ng driver kaya ko na po".Magkasalubong na kilay kong sagot.

Wala ng nagawa si Dad kundi bumuntong hininga at magkibit balikat, alam ko namang concerned lang sila sakin lalo pa't halos hating gabi na ko nakakauwi ng bahay pero ayoko talaga ng driver.

At age of 28 meron na kong sariling business I'm a Event coordinator/wedding planner , ako yung nagaayos ng mga venue kung ano yung gusto nilang theme at ako din mismo ang naghahanap ng location para sa ikakasal at the same time photographer din.

O diba sipag noh? hahahaha

Sa trabaho kong to madami na akong napuntahang lugar nakakasalamuhang ibat ibang tao, masarap sa pakiramdam dahil malaya kong nagagawa lahat.

Halos kalahating oras din ang byahe mula sa bahay hanggang sa nabili kong pwesto sa business ko.

Goodmorning madam".Bati ni Ivan na isa sa mga tauhan ko na kaibigan na ang turingan namin, well lahat naman ng kasama ko sa trabaho kaibigan ang turing ko.

Goodmorning".Walang gana kong bati.

Mukhang aga mong badtrip ah".Tatawa tawang saad ni Belle college friend ko.

Hulaan ko, meron ka ngayon".Tumatawa namang saad ni Hannah.

Wala noh!".Irap ko namang sagot."Si Dad kase pinipilit nya talagang kuhanan ako ng driver".Saad ko saka padabog na umupo.

E kase nag'aalala lang yun sayo".Si Ivan.

Alam ko naman yun pero kaya ko naman e".Sagot ko.

Hay nako titigil din Yang Daddy mo kakapilit sayo".Saad naman ni Hannah."Oy paalala lang ha? Sa friday na yung punta natin sa resort para dun sa venue ng client natin".Paalala ni Hannah.

Oh God nawala sa isip ko sa Friday na pala yun.

Uy alam nyo ba base sa nakita at nabasa ko sa internet sobrang ganda daw ng resort na yun".Excited na Saad ni Belle.

Mabuti naman kung ganun para naman worth it yung bayad noh".Maarte namang sabi ni Ivan.

Ano nga ulit pangalan ng resort?".Tanong ko.

Montefalco Hotel and resort".Sagot ni Belle."Sabi sa research ko ang mga Montefalco ay nagmamay'ari ng limang malalaking resort sa Cebu at isa sila sa mga sikat na pamilya".Dugtong Pa nya.

Ti'll I Met You (GxG Story)Where stories live. Discover now