"Helaina, sumabay ka na kina Sean at Simon ngayon." sabi ni Tito Samuel. Nakatutok pa rin siya sa newspaper na binabasa niya. "Baka kasi maipit ka sa traffic pag nag-commute ka pa."

"Okay po, Tito." Sagot ko.

Mabait naman si Tito Samuel. Kung anong ibinibigay niya sa kambal ay ibinibigay niya rin sa akin. Nararamdaman kong itinuturing niya rin ako na parang sarili niyang anak. Kaya siguro ganoon siya kasi wala naman siyang choice kundi ang tanggapin na parte ako ng buhay ng babaeng pinakasalan niya.

Tumayo si Mommy habang umiinom ng tubig.

"Hon, mauna na ako. May dadaanan pa kasi akong stocks kina Melfina." ani Mommy. Inilapag niya ang baso sa mesa saka hinalikan sa pisngi si tito Samuel.

"I'll go with you, hon. Ihahatid na kita." Tumayo na din si tito Samuel at inilagay niya sa gilid ng mug niya ang newspaper. Binalingan niya ang kambal.

"You two, behave kayo sa school niyo ha. Huwag kayong makikipag-away." ani tito Samuel.

"Yes, Daddy!" sabay na sagot ng kambal.

"Helaina, mag-uusap tayo mamaya." Seryosong sabi ni Mommy. Hindi na ako nag-abalang sumagot sa kanya. Nasanay na rin naman kasi ako. Simula kasi nong dito na ako tumira, palagi niyang pinupuna ang mga galaw ko. Ramdam ko nga na parang ayaw niya na nandito ako.

Narinig ko ang pag andar ng makina ng sasakyan ni Tito Samuel. Humarurot agad iyon nang makalabas na sila sa gate. Tumayo ako binuksan ang ref na nasa bandang likuran ko lang. Kumuha ako ng isang karton ng fresh milk at uminom doon.

"Eew, ate! You're gross!" ngiwi ni Sean. Binalewala ko na lang yung sinabi niya. Siguro tinuruan sila ni Mommy na palaging gumamit ng baso sa tuwing iinom. But, I'm sorry. I think Mom forgot to teach me that.

"Mag-toothbrush na kayo para makaalis na tayo." sabi ko habang naglalakad patungong hagdan.

Agad namang tumalima ang kambal. Narinig kong inalalayan sila ni manang. Dahil baka madumihan yung uniform nila. Binilisan ko na din ang pag-toothbrush. Mainipin kasi yung kambal. Kinuha ko agad ang cellphone ko at inilagay 'yon sa bag.

"Manong Bert, yung kambal na lang po ang unahin nating ihatid." sabi ko sa driver. Nandito kami ni Sean sa backseat. Sa harapan umupo si Simon. May pagka-suplado kasi ang isang 'yon.

"Okay, ma'am." Ani manong.

"May baon na ba kayo, Sean?" tanong ko sa kapatid ko.

"Yes, ate. Manang prepared something for us. Nasa lunch box na namin." sagot niya. "Sana binigyan na lang kami ni Mommy ng pera."

"Hindi kayo bibigyan non. Baka kasi iba ang bilhin niyo, instead na pagkain." napangiwi si Sean sa sinabi ko.

Medyo paranoid din kasi si Mommy, eh. Baka daw hindi makakain ng maayos ang kambal kapag pera ang ibibigay niya. Narinig ko kasi iyong pinag-usapan nila ni tito Samuel. May napanood daw kasi siyang palabas sa tv na yung bata daw, binibigyan ng pera para ibili ng pagkain sa school. Pero mga laruan lang na mumurahin na ibinebenta sa labas ng school ang binibili nung bata.

Mabilis kaming nakarating sa school ng kambal. Humalik sa pisngi ko si Sean bago siya lumabas ng sasakyan. Kumaway pa siya sa akin bago niya sinundan ang suplado na si Simon.

"Diretso na po tayo sa school ko, manong."

Tumunog ang cellphone ko habang masa daan pa kami papuntang school. Hinalungkat ko ang bag ko, at nakita ko ang pangalan ni Gael sa screen.

"Hello, babe?" bungad ko sa tawag niya.

"San ka na? Dito na ako sa school." ani Gael.

"On the way na po. Hinatid pa kasi namin ang kambal." sagot ko.

"Uhm, okay. Antayin kita dito sa may gate. Ihahatid kita sa classroom mo." napangiti ako sa sinabi niya.

Tumikhim muna ako bago ako nagsalita.

"Okay, see yah in a bit. I love you," sabi ko.

"I love you more, babe." aniya bago ko ibinaba ang tawag.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag. Ngiting ngiti ako habang nakatingin sa labas ng binta ng sasakyan. Ewan ko ba, kinikilig talaga ako ng bonggang bongga sa mga simpleng bagay na ginagawa ni Gael. Tulad na lang nag paghihintay niya sa akin sa school ngayon.

---

Ipagpatawad niyo ang typos and grammatical errors. By the way, ibinalik ko siya sa original niyang pangalan, which is Helaina. Pinalitan ko kasi iyon ng Elaine. So, please paki sabihan naman ako pag may nakita pa kayong ELAINE sa bawat chapter. Thank you! xoxo

HelainaWhere stories live. Discover now