Chapter 69

7.7K 156 60
                                    


On the way na si Lisa sa bahay ng lola niya. Kahit kasi itanggi niya sa sarili niya ay talagang nag-aalala siya kay Jennie. At kailangan niyang humingi ng tawad sa mag-ina niya dahil dinamay niya ang mga ito sa kasinungalingan niya kay Tzuyu.

"Liam! Daddy's home" tawag ni Lisa sa bata pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bahay.

Pero wala siyang Liam na nakita. Nagpatuloy lang siya sa pagpasok hanggang sa madatnan niya ang lola niya na nasa living room at nagtsa-tsaa.

The atmosphere was heavy and sad for some reason. Mukhang hindi rin maganda ang timpla ng lola niya ngayon.

"Hi la, where are they? How's Jennie?" tanong niya sa lola niya na hindi manlang nagtapon sa kanya ng tingin.

"Umalis na sila" the old woman said and ships from her cup of tea.

Halos mahulog ang panga ni Lisa dahil gulat sa sinabi ng lola niya. Anong sabi nito?

"What?" tanong niya ulit baka kasi nabibingi lang siya.

Expected na niya na uuwi ang mag-ina sa Korea but why too soon? Bakit biglaan naman yata? Hindi manlang nagpaalam sa kanya si Jennie. Ano bang problema nito?

"They already left Lisa. Nasa Korea na sila" bakas sa boses ng matanda ang pagiging malimig.

Bakit? May nagawa na naman ba siya para ikagalit ng lola niya?

Meron!

"La, bakit mo sila pinayagan? Hindi maganda ang pakiramdam ni Jennie baka mapano sila ni Liam"

"Wala ako sa lugar para pigilan siya, Lisa. Gusto na niyang umalis at wala tayong karapatan para pigilan sila lalo na ikaw. Sabagay, ano pa bang dahilan ng pananatili nila dito? Ikakasal ka na tsaka kailangan din nila bumalik sa sarili nilang buhay dahil hindi lang naman sayo umiikot ang mundo nila" the old woman said.

"I know but hindi ko manlang nakita ang anak ko bago sila umalis. Argh!"

She was so frustrated.

Hindi niya mawari kung ano ba talaga ang pinuputak ng butsi niya tama naman ang lola niya. Wala siyang karapatan na pigilan ang mag-ina. Mabuti nga iyong wala ang mga ito sa bansa para mabawasan ang posibilidad na malaman ni Tzuyu ng katotohanan. Pero ito nanggigigil siya dahil lang umalis na ang mga ito ng walang paalam.

She doesn't even have the right to be mad kasi wala namang mali sa ginawa ni Jennie but here she is, tugging her hair in frustration.

"Naiintindihan ko siya, Lisa. Tsaka ano bang problema mo? Hindi ba't yun naman ang gusto mo una palang? Ang umalis sila dito at ang hindi malaman ni Tzuyu ang katotohanan habang hindi pa kayo kinakasal. Alam mo Lisa, mas masasaktan lang sila kung manatili pa sila dito. Do you expect them to be there on your wedding, watching you marry someone else habang sila nagdudusa at nasasaktan?"

Anong sila? Hindi ba't si Liam lang? Bakit si Jennie magdudusa o masasaktan? Hindi naman siya nito mahal? Well that's what she thinks.

"What do you mean? Bakit masasaktan si Jennie? Hindi niya naman ako mahal at hindi ko din siya mahal. Si Liam lang naman ang tanging koneksyon naming dalawa"

"Lisa apo, manhid ka ba o wala ka lang talagang pakialam kay Jennie?" sabi ng matanda saka inilapag ang tasa nito sa lamesa.

"Huh? Anong manhid?"

"Mahal ka ni Jennie. Kaya siya umalis kasi nasaktan siyang nakita niya kayong masaya ni Tzuyu and you know what, sabi niya nagsisisi raw siya sa mga ginawa niya. Hindi niya na daw sana pinilit ang sarili niya sayo. She's letting you go para sa kaligayahan mo. She said she's sorry for trying to steal you from your fiancé"

Hindi niya akalaing sasabihin yun ni Jennie. Akala niya hindi ito susuko sa pagpapaibig sa kanya. May isang linggo pa sila bago matapos ang deal pero sumuko na agad si Jennie.

She should be happy diba? Kasi panalo siya. Si Jennie ang nahulog imbis na siya. Si Jennie na mismo ang lumayo para maging masaya na siya at para matuloy ang kasal pero bakit hindi siya masaya? Bakit?

Dahil ba sa anak niya? O nahulog na din siya sa ina nito?

"Pero--Pano nangyari iyon? Alam ko ginawa niya lang ang mga nagawa niya para sa anak namin. Hindi niya ako mahal, she just played with me" giit ni Lisa.

"Mahal ka ni Jennie. Hindi ko alam kung pano, si Jennie lang ang makakapagsabi niyan. Binigay niya na sayo ang gusto mo, ngayon ibigay mo naman sa kanya ang hiling niya."

"Anong hiling?" taka niyang tanong.

"Ayaw ka muna niyang makita ket ilang buwan lang. Wag mo muna silang hanapin. Let her heal, Lisa. Nasaktan mo na siya ng husto. Maawa ka naman sa tao."

"Ano? Nangako ako sa anak ko na pupunta ako sa family day sa school niya, hindi pwede. Ayokong magalit sakin ang bata. Tsaka anak ko si Liam, karapatan ko siyang makita at makasama" singhal ni Lisa.

Napailing nalang ang lola ni Lisa. Minsan hindi niya maintindihan ang apo niya. Napakagulo nito. Sumasakit ang ulo niya dahil dito.

"Hindi niya ipinagdadamot sayo ang anak mo pero Lisa give the poor woman a break. Kahit isa o dalawang buwan lang, hayaan mo muna sila. Asikasuhin mo nalang ang nalalapit mong kasal" sabi ng lola niya sa mapang-asar na tono.

"Isang buwan o mahigit? Ganun katagal ko hindi makikita ang anak ko??"

"Lisa, 12 years ka ngang wala sa buhay ni Liam ano pa yung ilang buwan lang. Aminin mo nga sakin Lisa, si Liam lang ba talaga ang iniisip mo o pati si Jennie? Sa tingin mo ba hindi ko alam na may namamagitan sa inyo? Let me remind you, hindi sound proof ang kusina" sabi nito saka tumawa ng makakaloko.

Napaawang naman ang bibig ni Lisa dahil sa sinabi ng matanda. Pano? Alam nito na may nangyari sa kanila ni Jennie sa kusina?

"H-how?"

"Ang ingay niyo kasi" inirapan siya nito.

Natahimik si Lisa at sa tingin niya ay mukha na siya ngayong kamatis dahil sa pamumula ng mukha niya. Sa lahat ng makakahuli sa kababalaghan nila bakit ang lola niya pa? Bigla tuloy siyang nakaramdam ng hiya.

"Do you really still love that Chou? Because I honestly think you don't. You won't cheat on her if you really do."

Yun ang huling sinabi ng lola niya bago ito lumisan at umakyat sa kwarto nito leaving her dumbfounded.

Hindi parin nagsi-sink in sa utak niya ang mga sinabi nito.

Wala na si Jennie at si Liam...

Mahal siya ni Jennie...

Panalo siya sa deal...

Alam ng lola niya na may namamagitan sa kanila ni Jennie...

Kasal nila ni Tzuyu...

She cheated on her fiancé...

Mahal niya ba talaga si Tzuyu?...

Napasabunot nalang si Lisa sa sarili niyang buhok dahil sa sobrang gulo ng utak niya, hindi lang ang utak niya pati rin ang puso niya.

Bringing Daddy Home | Orig Ver.Where stories live. Discover now