Chapter 44

7.8K 166 151
                                    


Sabi ni Liam hindi daw mabuti ang pakiramdam ni Jennie kaya hindi muna ito lalabas pansamantala. Nag-alala naman si Lisa dahil siya ang dahilan kung bat nagkaganun si Jennie. Siguro ay masakit ng ulo nito ngayon kakaiyak.

"Baka naman umaarte lang ang babaeng iyon" sabi ng mom ni Lisa.

Kasalukuyan silang kumakain ngayon ng breakfast sa isang restaurant sa loob ng resort. Nandito silang lahat maliban nalang kay Jennie na ayaw daw lumabas sa kwarto kasi nga may sakit ayon kay Liam.

"Ano ba Chittip? Baka may sakit talaga ang batang yun. Hindi naman iyon nakapagtataka kasi baka napagod ang katawan niya sa kakatravel" sabi naman ng lola ni Lisa.

"We shouldn't have brought her here with us in the first place"

Sorn just rolled her eyes. Hindi niya talaga gusto ang mom ni Lisa. Masyado kasing masama ang ugali lalo na pagdating kay Jennie at napapansin niya iyon.

"I wanted her to be with us. For me, she's still a part of this family because she's Liam's mother and please don't talk ill about Jennie lalo na kung nandito ang bata" saway ng lola ni Lisa.

"Mom, please can we just eat peacefully? Hindi na kayo na hiya sa mga kasama natin"

Napahilot nalang si Lisa sa sintido niya. Mas lalo lang siyang naiistress dahil sa nanay niya. Wala naman kasing ginagawang masama si Jennie pero pinag-iinitan nito.

Kung tutuusin nga siya ang may sobrang laking kasalanan kay Jennie after all the things that happened.

Naiintidihan ni Liam ang nangyayari, alam niyang pinagsasalitaan ng masama ang mommy niya kaya naiiyak na sumiksik nalang siya kay Lisa.

"Daddy, why do grandma hate my mommy?" naiiyak na tanong ni Liam.

"Don't mind granny okay? She's just grumpy as always."

Sabi ni Lisa saka ginulo ang buhok ng bata.

"I'm sad daddy."

"Why lil buddy?"

"I know mommy is sad. She says she's fine but I know she's been crying. Daddy who's hurting my mommy? Is granny bullying her?" naiiyak na sabi ng bata saka nagpout trying to suppress his tears.

Parang may kung ano namang sumukdo sa puso niya. Nasasaktan ang anak niya dahil alam nito nasasaktan si Jennie at hindi niya alam kung bakit pero parang nasasaktan din siya.

Ganto ba yun? Ito ang epekto ng kagaguhan niya, pati ang bata naapektuhan. Napabuntong hininga nalang siya.

"I don't know Liam"

Yun nalang ang nasabi niya.

"Daddy, mommy takes care of me but no one takes care of her. Can you please take care of mommy so she won't be sad?"

Tumango nalang si Lisa pero hindi niya naman iyon magagawa talaga. Wala namang namamagitan sa kanila. If there's someone she would take care of si Tzuyu iyon kasi iyon naman ang karelasyon niya.

However, naawa din siya kay Jennie kasi madami itong pinagdaanan na mag-isa lang. And she's somehow amazed kung pano nito napalaki ng maayos ang anak nila kahit pa nahihirapan.

Pero wala ba talagang balak lumabas si Jennie? Siguro ay ayaw lang siya nitong makita kaya hindi nito balak lumabas. Siguro mabuti nga iyon para makapagpahinga si Jennie, she witnessed kung gano katagal ito umiyak kagabi. She wouldn't wonder kung magkakasakit nga ito.

Pagkatapos nilang kumain ay pinadalhan niya nalang ng pagkain si Jennie. Somehow nagwo-worry din naman siya lalo na't siya ang dahilan ng kung ano mang nangyayari sa babaeng iyon kaya feeling niya responsibilidad niya iyon. Alangan naman pabayaan nalang niyang magutom si Jennie. Edi lalo siyang nakonsensya.

Bringing Daddy Home | Orig Ver.जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें