"Just like my music box..." usal ni Kalla.

Dalawang kamay na ni Harper ang nakalahad habang nagniningning ang kanyang mga mata sa matinding galak, tila agad niyang nakalimutan ang naging engkwentro nila ng pinunong anghel.

"You are just like your father. Good at playing emotions," ani ng pinunong anghel habang ibinibigay na niya ang relikya.

Umiling si Harper ngunit nanatili pa rin nakangiti ang kanyang mga labi. "He never intended to play with anyone's emotion. It's his nature. Masyadong matatamis ang mga salitang nahahabi sa dila ni ama at napagkakamalian iyon ng maraming may ibang intensyon. It's in our blood. It is your fault, Head Angel, creatures easily fall for us..." inosenteng paliwanag ni Harper.

Kung si Caleb o ang ibang Gazellian ang magpapahayag niyon, siguradong iba ang magiging dating sa kahit sinong makakarining nito. Ngunit nang sandaling si Harper ang nagsabi niyon, wala man lang akong mahimigan ng pagmamalaki o pagyayabang.

"A truth that is hard to accept," dagdag ni Kalla.

Nang sandaling tuluyan nang mapasakamay ni Harper ang relikya ay masigla siyang lumingon sa amin na may mas malawak ng ngiti.

"We can open the cave..." mahinang usal niya.

Nang marinig ko iyon, tila hinaplos ang puso ko. Sa wakas... nasa hangganan na kami ng paglalakbay na ito. Sa wakas ay malalaman na namin ang itinatago ng makasaysayang kweba na iyon.

Si Harper ay hindi na nag-aksaya ng oras at agad siyang humarap sa akin upang ibigay ang huling relikya—music box.

Lumampas ang tingin ko sa balikat ni Harper, ngunit ang pinunong anghel ay tumalikod na.

"Ihatid n'yo na sila sa labas ng ating mundo," utos niya.

"S-Saglit! Nais kong malaman ang iyong pangalan," habol ko. Natigilan ang pinunong anghel, ngunit nanatili pa rin siyang nakatalikod.

Bagaman malayo ang aming distansya, ramdam ko na tila nagbagong muli ang kanyang presensiya.

"Ngunit kung hindi mo nais ay hindi na kita pipilitin—" pinutol ni Harper ang siyang sunod kong sasabihin.

"Her name is Harper."

Sina Claret, Kalla at Iris ay kapwa nanlaki ang mga mata habang ako'y natulala sa pahayag ni Harper. Marahas napalingon ang pinunong anghel na tila muling nakarinig ng hindi inaasahan mula sa prinsesa.

"Am I right? Your name is Harper."

"How did you—"

Nagkibit balikat si Harper. "Wild guess?"

Naningkit lang ang mga mata ng pinunong anghel. "Alright. Matagal ko nang itinanong kay ama kung saan niya kinuha ang pangalan ko. He told me that he gave me his friend's name..."

Walang nagsalita sa amin at hinayaan namin magpatuloy si Harper sa kanyang kwento.

"My father once wished was to have a child with a good singing voice. Dahil naiinggit siya kay Haring Raheem. Halos lahat ng mga Le'Vamuievos ay magagaling umawit, samantalang ang mga kapatid kong prinsipe, makikisig lang. I can still remember how Lily laughed when father narrated this story. We even promised not to tell it to our brothers..." naiiling na sabi ni Harper.

"To make the story short. My father told me that my name came from a good friend with a very wonderful voice, at umaasang siya na mabibiyayaan din ako ng ganoon kagandang boses. And you heard it... you heard my first cries, my father's whispers and silly wish...I may be a newborn that day, but I am a vampire with a strong blood of a Gazellian. You were there... it was you, who blessed me with this voice..."

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Kde žijí příběhy. Začni objevovat